Heinz's POV MADALING-ARAW nang magising ako sa isang tawag. Kahit inaantok pa ay pinilit kong bumangon at inabot ang cellphone sa side table. Agad ko itong sinagot nang hindi na nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag. "Yes, hello?" "Sir, I'm here at the hospital. May nangyari po kay Ma'am Alexandria!" Nagising ang diwa ko nang marinig ang tinig ni Raiko. Umahon rin ang kaba sa dibdib ko dahil sa narinig. s**t! What happened to her? wika ko sa isipan. "Okay, papunta na 'ko! Just give me the address!" natatarantang sagot ko pa. Nang maibigay niya ang eksaktong address ay agad mabilis akong nagpalit ng dami at lakad-takbong tinungo ang garahe at agad na sumakay sa motorsiklo. Paglabas ng gate ay madali ko itong isinara at muling sumakay. Pinaharurot ko ang sasakyan at tinahak

