57

2008 Words

Alexandria's POV "KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" marahang tanong ni Heinz habang nagsasalin sa plato ng mga dala n'yang pagkain. Sumulyap pa muna siya sa akin at simpleng ngumiti. Ako naman ay nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. "Ayos naman. Medyo masakit lang 'yung tama ko sa tagiliran," saad kong nakangiwi pa dahil bahagyang kumirot ito. Nang matapos sa ginagawa ay lumapit si Heinz sa'kin dala ang mangkok na may laman na kung ano. "Kumain ka muna," aniyang naupo sa gilid ng kama habang hinahalo ang laman ng mangkok. Bahagya rin n'ya itong hinihipan dahil mukhang bagong luto pa ito. "Arrozcaldo 'to. Nakakain ka na ba nito?" tanong niyang nakangiti. Tumango naman ako bilang sagot. "Good. Kumain ka na. Masarap 'tong kainin habang mainit," dagdag pa niya. Mabango a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD