Heinz's POV HINDI ko pa rin mapigilang mabigla nang aminin ni Alexandria ang totoo sa akin. Hindi nga ako nagkamali na miyembro siya ng sindikato dahil sa simbolong naka-tattoo sa leeg niya. Napag-alaman ko din kamakailan, na ang notorious na sindikatong Sindicato de Lagarto n***o at Black Lizard Syndicate ay iisa lamang. Noong mabuwag ang Sindicato de Lagarto n***o sa Spain ay dito sa Pilipinas muling binuo ng mga Montemayor ang grupo at pinangalanan nilang Black Lizard Syndicate na kung isasalin sa wikang Español, ay magiging Sindicato de Lagarto n***o. At isa pa, ang totoo ay wala pa sana akong balak na umamin kay Alexandria ng tunay kong nararamdaman. Ang balak ko sana, kapag naging matagumpay na ang misyon ay 'tsaka ako magtatapat. Pero iyon lang ang pagpipilian ko---ang magtapat n

