Heinz's POV "ANO ang namamagitan sa inyo ng aking anak, Mr. Alvarez Inaasahan ko nang ito ang itatanong ni Mr. Saavedra nang sabihin niyang gusto niya akong makausap. Subalit 'eto ako, kinakabahan habang kaharap ang matanda. Sa kantina ng hospital namin piniling mag-usap. Nag-request na lang kami sa nakatokang nurse para tingnan sandali si Alexandria. Pormal na pormal ang anyo ng matanda at walang kangiti-ngiti sa mga labi. Ang mga kilay niya ay salubong habang masusi akong pinagmamasdan. Subalit bagaman kinakabahan, ihinanda ko na ang sarili upang umamin ng tunay kong nararamdaman. "I love your daughter, Mr. Saavedra," diretsang wika ko sa matanda. Bumalatay naman ang pagkagulat sa mukha niya. "Ano'ng kalokohan ito, Mr. Alvarez?" may bahid ng galit na tanong niya. "Ang buong akala ko

