Rodney Saavedra's POV NAGISING ako sa ingay nang tila mga taong nag-uusap na nagmumula sa kung saan. Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata upang aninagin kung nasaan ako. At bumungad sa akin ang dalawang armadong lalaki na abala sa pagsusugal. Agad ko ring napuna na nasa isang luma akong silid. Patunay niyon ang kisame at dingding na puro agiw na. Bukod roon, sira-sira na rin ang mga kagamitan roon. Sa tingin ko ay nasa isang bodega ako nang mga sandaling ito. Bigla ay umahon sa dibdib ko. Oh, Diyos ko! Nasaan ako? Nagtangka akong kumilos subalit ako'y nabigo. Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan dahil nakatali ang aking kamay at paa. Maging ang aking bibig ay naka-duct tape rin. lang sandali pa'y lumagitik ang pintuang kahoy kung kaya't nabaling roon ang paningin ko. At gayon na lamang

