Heinz's POV Flashback Pagkatapos namin mag-usap ni Tito Rodney ay inilabas ko ang isang itim na knapsack kung saan naglalaman ng mga surveillance gadgets. Kunot-noong pinanonood ako ng matanda habang iniisa-isa kong inilalabas ang mga ito mula sa bag. "Tito Rodney, you need this," wika ko na ang tinutukoy ay ang mga kagamitan sa pag-eespiya. "Malakas ang kutob kong isa sa mga araw na 'to ay kikilos na ang mga Montemayor. Kailangan nating maging handa," paliwanag ko. Hindi ko naman gustong takutin ang matanda dahil sa sinabi ko ngunit mas mainam nang alam niya ang mga posibilidad na maaaring mangyari dahil sa sitwasyon. "I'll understand, hijo," sagot niyang tumango, subalit bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya. Inilabas ko ang isang GPS tracking device watch na kulay itim. "This is

