Heinz's POV
AGAD akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng tumunog ang cellphone ko. Nasa bahay lang ako ng oras na iyon at naghihintay ng tawag mula sa assistant kong si Raiko. Dinampot ko ang cellphone mula sa center table at nang makitang si Raiko nga ang tumatawag na iyon ay agad ko itong sinagot. "Yes Raiko, any updates?"
"Nasa Kawashima hotel bar na si Ms. Saavedra Sir," anito sa kabilang linya.
"Okay, good job, Raiko. Papunta na 'ko."
"Okay, Sir."
Si Raiko ang kumakalap ng mga impormasyon tungkol sa pang araw-araw na aktibidades ni Alexandria. Siya rin ang inuutusan kong magmamanman rito kung kaya't madali kong nalalama kung nasaan siya. At ngayon ngang gabi, pupunta ako sa bar na sinabi ni Raiko para isagawa ang susunod na hakbang.
---
KASALUKUYAN akong nasa Kawashima hotel bar nang mga oras na iyon. Pagpasok ko pa lang sa loob ay agad kong hinanap si Alexandria. Kapansin-pansin ring walang masyadong customers ng araw na iyon, dahil siguro weekdays.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng bar at nakita ko siyang nakaupo sa counter at mag-isang umiinom. Always alone, huh? Nas'an kaya ang fiancé mo? I mean your 'real' fiancé?tanong ko sa sarili habang nakamasid sa kan'ya.
Pasimple akong naglakad palapit sa kinaroroonan ni Alexandria. At marahil ay hindi agad niya namalayan ang presensiya ko nang makalapit sa kan'ya, kung kaya't minabuti kong umupo na lang sa bakanteng stool malapit sa kan'ya, saka ko binalingan ko ang bartender na naroon.
"One brandy on the rock," ani ko sa bartender. Awtomatikong napalingon naman si Alexandria sa gawi ko pagkarinig niyon. I smirk secretly. It seems she perfectly recognized my voice!
Halatang nagulat siya pagkakita sa akin. Bahagya kasing nanlaki ang mga mata niya at kumunot ang noo. Ngumiti ako sa kan'ya bilang sana ay pagbati ngunit agad din niyang ibinalik ang atensiyon sa sinisimsim na alak na parang walang nakita. She didn't even know how to smile, tsk!
Well, mukhang tama nga ang aking mga nakalap na impormasyon tungkol sa kan'ya. Hindi ito sociable na tao. She wants to be alone. At hindi na rin ako magtataka na ganoon siya makitungo sa ibang tao. Masyado siyang cold. Kailangan kong makuha ang loob n'ya! Kung hindi, 'di ko magagawa nang maayos ang misyon ko!
Pinagmasdan ko muna si Alexandria pagkatapos nagdesisyon akong lumipat sa tabi niya. "Can I sit here? We're friends right?" tanong kong ngumiti pa ng todo. That's right Heinz, Mikael. Use your charm!
Tumingin si Alexandria sa'kin na tila nagtataka, pero agad din naman siyang tumango. "Sure."
"Thanks."
Agad akong naupo sa tabi niya pero dahil maliit lamang ang distansya namin ay hindi sinasadyang nagkadikit ang aming mga hita. Mabilis akong napapiksi nang maramdamang tila may maliit na boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa aking hita paakyat sa aking spine. Woah! What was that?
"I'm s-sorry," hinging paumanhin ko sa kan'ya nang mapansing tila nagulat din ito.
"It's okay," saad niyang tumango pa. Pagkatapos ay inisang lagok ang alak sa baso. Nang makitang ubos na iyon ay agad siyang um-order sa waiter na naroon habang ako ay tahimik siyang pinanonood.
"Isang whisky nga, Clark."
Whisky? May balak bang maglasing ang babaeng 'to? tanong ko sa sarili habang palihim siyang pinagmamasdan sa pagsimsim ng alak. Nang mapansing tila wala itong balak magsalita ay itinuon ko na lang ang tingin sa sarili kong baso na may lamang brandy. Nilagok ko ito pero akong napangiwi ng malasahan ang pait nito.
'Di pwede'ng ganito! Paano ko malalaman problema n'ya kung 'di s'ya nagsasalita, wika ko sa isipan habang palihim siyang sinusulyapan. "You're quiet," basag ko sa katahimikan. Sumulyap naman siya sa'kin pagkasabi ko noon. "I thought we were friends. But why do I feel like, you don't want to talk to me?" kunwari pang biro ko na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.
"It's not like that. I just didn't find anything interesting to talk about."
Woah! Gan'yan ba talaga s'ya? Lihim akong napailing dahil sa coldness na ipinapakita niya. "How about introducing yourself?" kunwaring tanong ko pa. Pilit umaapuhap ng maaaring pag-usapan.
Sa pagkakataong iyon ay sumulyap siya sa akin---ng nakakunot-noo. f**k! Did I said something wrong?
"I don't want to."
Yeah right. Sabi ko nga.
"O-okay. Ako na lang pala ang magpapakilala sa sarili ko," pangungulit ko pa at muling tumawa.
"I'm not interested," maikling sagot n'ya saka muling ibinalik ang atensyon sa iniinom na alak.
She's really weird!
"Aww. . ." saad kong himig nanghihinayang pa. "I guess, let's skip the introduction thing. Let's drink!" dagdag ko pa saka itinaas ko ang basong hawak.
"Chears." Itinaas niya ng bahagya ang basong hawak.
Weirdo!
Lihim akong napailing. Iniisip ko kung paano ako makakakuha ng impormasyon sa babaeng ito kung ganito s'ya makitungo sa akin. Ni hindi man lang ngumiti. Kapag kausapin naman, maikli pa sa buhok niya ang sagot. Parang bigla tuloy akong nagsisi na tinanggap ang misyon na ito. Sa tingin ko kasi ay nagsasayang lang ako ng oras.
This woman and her father wasted my time! naiinis kong wika sa isipan habang umiinom ng alak.
Sa kawalan ng pag-asang makausap si Alexandria nang maayos ay inilibot ko na lang ang paningin sa loob ng bar. At hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng amenities niyon. Mukhang bagong renovate na ito pagkatapos ng nangyaring shootout sa pagitan ng alagad ng batas at ni Mr. Chen. Pulos makabago rin ang mga kagamitang naroon. Mula sa mga mamahaling alak na naka-display sa rack, mga makabagong disensyo ng lamesa at upuan, hanggang sa mga nauusong disenyo ng mga baso. Kapuna-puna rin ang mga mamahaling paintings na naka-display sa bawat sulok ng bar na nagdagdag sa magandang ambiance ng lugar.
Agad ko ring napansin ang malaking space sa gitna ng bar na nababalutan ng salamin. Mula kasi sa counter kung saan ako nakapwesto ay nakikita iyon. Sound proof din iyon kung kaya't ang nagsasayawan at tumutugtog na banda ay hindi maririnig sa labas. Ang mga customers naman na sa tingin ko ay ayaw ng ingay at gusto lamang mag-unwind ay nasa cubicle sa labas niyon. May kan'ya-kaniya ring dibisyon na salamin ang bawat cubicle roon na marahil ay para maging pribado. Napuna ko ring mas lalo yatang dumami ang mga security personnel's nito simula ng may maganap na trahedya. Maging ang mga CCTV camera's ay tila nagdadagan din.
Nice! komento n'ya sa isipan.
Bago pa lamang din ako magtungo sa rito, inalam ko na kung anong uri ng bar ang Kawashima Hotel and Bar. Si Seiichi Kawashima na isang half Filipino, half Japanese ang nagpapatakbo at siyang may-ari nito. Ayon sa aking nakalap na impormasyon, galing sa mayamang angkan sa Japan ang lalaki. Siya rin ang nagmamay-ari ng Kawashima Racing club kung saan madalas puntahan ni Alexandria. Lihim pa akong natawa nang maalala ang ginawa ng Seiichi Kawashima na 'yon noong isang araw, nang magpakilala itong fiancé ni Alexandria. Marahil ay may natatangi siyang pagtingin sa dalaga, kaya gan'on ang ginawa ng magselos.
Malas mo lang! Pusong-bato 'ata ang babaeng nagustuhan mo!
Muli kong sinulyapan si Alexandria. Tahimik lang siyang sumisimsim ng alak na tila ba mag-isa lang s'ya roon. Pero napansin ko ring namumula na ang pisngi niya, tanda na tinamaan na siya sa iniinom. May kinukutkot ding siyang tacos sa harapan na mabilis rin naman akong inalok nang mapansin niyang nakatingin ako doon.
"You want?"
"No, I'm fine," nakangiting tanggi ko. "By the way, where's Seiichi?" kaswal na tanong ko. Naisip kong kapag hindi ako gumawa ng paraan para kahit paano ay makausap ang babaeng ito, uuwi akong walang napala.
"I dunno. Baka may ina-assists na VIPs," sagot niyang tila hindi interesado sa pinag-uusapan.
Tsk! Ang hirap namang makipag-usap sa babaeng 'to! naiinis kong wika sa isipan.
Tumango-tango ako kunwari. "I see. S'ya pala ang personal na nag-aasikaso ng mga 'yon. That's great!"
Come on, talk!
"Yeah."
Fuck!
Napamura ako sa isip dahil base sa nakikita ko kay Alexandria, ay wala siyang balak na makipag-usap pa. Marahil nga ay napipilitan lamang siyang kausapin ako. Kung kaya't hinayaan ko na lang siya sa gusto at tahimik na lang ako'ng sumisimsim ng sariling alak.
Umikot ang gabi para sa amin ni Alexandria na ganoon lang. Umiinom kami ng tahimik na tila may sari-sariling mundo. Paminsan-minsan, sumasagot naman siya kapag tinatanong ko ngunit na niya dinurugtungan iyon. Ni isang beses ay hindi rin siya nagtanong ng kahit anong tungkol sa akin. Pakiramdam ko, hindi s'ya interesado sa kahit na sino.
Nakakailang baso na ako ng brandy ng mga oras na iyon, at dahil nga mataas ang alkohol nito ay ramdam ko ang init sa katawan. 'Buti na lang at manipis na kulay itim na t-shirt ang pang-itaas ko noon na pinarisan ko naman ng maong na pantalon. Isa pa ay naka-air condition naman ang lugar kung kaya't bahagya lang ang init na nararamdaman ko.
Nang sulyapan ko naman si Alexandria ng mga sandaling iyon, ay halatang tinamaan na ng iniinom. Namumula na kasi siya at mabilis itong mapapansin dahil maputi siya. Napansin ko ring lumilikot na siya sa kinauupuan. Panay na kasi ang pag-galaw niya. At dahil nga magkatabi lang kami ng kinauupuan, panay rin ang tama ng hita niya sa'kin na lalo namang nakaragdag sa init na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Subalit pilit ko na lang iyong hindi binibigyang pansin.
Hinayaan ko lang si Alexandria at lihim ko na lang siyang pinagmasdan. Pero nakaalalay rin naman ako kung sakaling bigla na lang siyang matumba o kaya ay malaglag sa kinauupuan dahil sa kalasingan.
Ang kan'yang mata ay kapuna-punang mapungay na. Marahil ay epekto ng alak na nainom. Pero sa aking palagay ay nagdagdag iyon sa angking charisma ni Alexandria. At nang bumaba ang paningin ko sa labi niyang mapula at mamasa-masa ay napalunok ako.
I want to kiss those sinful lips! wala sa sariling usal ko. Subalit lihim akong napailing nang mapagtanto ang kagaguhang naisip. Lasing na nga yata ako. Kung anu-ano na kasi ang naiisip ko ng mga sandaling iyon. Kailangan kong itanim sa aking isip na ang babaeng nasa harapan ko ay ang aking misyon. Naroon ako sa bar na 'yon hindi para pagpantasyahan siya, kung hindi upang makakalap ng kahit kaunting impormasyon sa pagkatao n'ya.
You have to control yourself Heinz! paalala ko sa sarili ng mga oras na iyon.
"Ma'am Alex, maraming na po kayong nainom. Tiyak na magagalit po si Sir Seiichi sa'kin," anang bartender na roon na nakapagpabalik sa diwa ko. Nakita kong nagpupumilit pa si Alexandria na umorder ng alak kahit lasing na s'ya. Lihim akong napailing. Ang lakas mo palang uminom! Tahimik lang akong nanonood sa mga ito ngunit maagap naman akong nakabantay kay Alexandria.
"W-what? H-hindi pa 'ko l-lasing, Clark. I'm o-okay. L-look at me!" utal-utal nang singhal ni Alexandria sa bartender doon na tinatawag niyang Clark. Tila hindi naman malaman ng lalaki ang gagawin sa kan'ya at kakamot-kamot na lang.
Ilang sandali pa, ay tumayo si Alexandria ngunit dahil sa kalasingan ay nawalan siya ng balanse. Mabuti na lamang at nakaalalay ako kaya mabilis ko siyang nasalo at hinapit sa baywang. Sa pagkakadaiti naming iyon ay naroon na naman ang weirdong pakiramdam, kaparis kanina. Iyon bang tila may mga mumunting boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa aking buong katawan na nagmumula sa babae. At aminin kong bagaman weirdo iyon, ay nagugustuhan ko ang gano'ng pakiramdam.
"Are you okay, Alex?" nag-aalalang tanong ko sa kan'ya. "You're drunk."
Hindi siya umimik at napako lamang ang paningin niya sa mga braso kong nakahawak kaniya. Pero maya-maya lang ay mukhang natauhan siya sapagkat mabilis niyang tinanggal ang braso kong nakahawak sa kan'ya, saka parang napapasong umiwas siya na muling magdikit ang aming katawan.
Muli siyang naupo pero maya-maya lang ay hinubad niya ang black hoody na suot. Lumitaw tuloy ang maputi at makinis na balat niya. Maging ang cleavage niya ay lumantad rin sapagkat sando lang ang suot n'ya.
"Woah! Ang init!" anang Alexandria saka bahagya pang pinunasan ang sarili gamit ang hood. "C-clark, p-pinatay n'yo b-ba ang air con?"
"Hindi po, Ma'am Alex."
Fuck! What am I doing?
Hindi ko kasi maiwasang pagmasdan ang katukso-tuksong tanawin sa aking harapan. Ang mga mata ko ay hindi ko maaalis na para ba akong nahihipnotismo. Maging ang kakaibang pakiramdam dulot ng pagkakadikit namin ni Alexandria ay hindi na nawala pa.
I'm sorry Kylie! lihim kong usal sa sarili ng maalala ang aking asawa.