Alexandria's POV
"WOAH! Ang init!" ani ko habang hinuhubad ang hoody na suot pagkatapos ay binalingan ko si Clark. "C-clark, p-pinatay n'yo b-ba ang air con?"
"Hindi po, Ma'am Alexandria," mabilis namang tugon nito habang abala sa pagmi-mix ng alak.
Kumunit ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay dumoble ang init na nararamdaman ko, na marahil ay dahil sa iniinom kong whisky. Dahil nga ba sa whisky Alexandria? piping kastigo ko sa sarili.
Oo! Dahil sa whisky! Ako na rin mismo ang sumagot sa sarili kong tanong.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakamasid lang si Heinz sa akin na tila nag-iisip. Kakaiba rin ang paraan niya ng pagtitig. Tila may naglalaro sa isip niya ng mga oras na iyon at hindi ko mawari kung ano.
Iniisip siguro n'yang napakababaeng tao ko, ang lakas ko uminom!
Sa totoo lang, wala naman talaga sa plano ko ang magpakalasing ng gabing iyon pero kailangan ko ng distraction. Distraksyon dahil mula kasi ng dumating ang lalaking ito at tumabi sa kinauupuan ko ay 'di na ako mapakali pa. Pakiramdam ko ay sinisilaban ako; napakainit. Ang kakatwang pakiramdam na ito ay 'tulad noong una kaming magkakilala sa restaurant. No'ng hindi sinasadyang magkadaiti ang aming mga balat. Parang may kung ano ang lalaking 'to na kapag nagkakalapit ang aming mga katawan ay nakapapaso ako.
Baka kasi attracted ka sa kan'ya Alexandria?
Napailing ako ng maisip iyon. Paano naman ako maa-attract sa lalaking 'di ko lubos na kilala? Yeah. I admit he's handsome. Kung gwapo nga bang matatawag ang isang 5 inches and 11 feet tall, well-built body na sa tingin ko ay may itinatagong 6 pack abs pa. That was pretty obvious from the shirt he was wearing.
Ang makakapal na kilay naman niya ay bumagay sa mapungay na ash gray niyang mga mata. I think, may lahing American o kaya ay British ang lalaking ito. At ang labi niyang perpekto ang pagkakahubog na tila laging nanunukso ay nakadagdag sa angking kagwapuhan. Heinz is oozing with s*x appeal, I must say.
Lihim ko tuloy sinisi si Seiichi kung bakit wala siya ng mga oras na iyon. Sigurado, mukha pa lang ng Hapon na 'yon, distracted na 'ko! natatawang usal ko sa sarili.
Subalit agad ko ring naalala nagkaroon kami ng pagtatalo ni Seiichi at hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap o kaya ay nagkikita. At iyon rin sana ang ipinunta ko sa bar, upang sana ay humingi ng sorry sa kan'ya. Alam ko kasing masyado akong naging harsh sa Hapon na iyon. Subalit wala ang binata ng araw na iyon. Ayon kay Clark ay umuwi raw ito ng Japan dahil may importante raw aasikasuhin.
Ba't ba kasi kung nasaan ako, nando'n rin ang ungas na 'to? 'Di n'ya ba alam na hindi maganda ang nararamdaman ko 'pag malapit sa kan'ya?
Nilabanan ko lang gamit ang pag-inom ang weird na nararamdaman ko kay Heinz. Pero dahil sa dami ng nainom ay nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Dahil roon ay iwinasiwas ko ang ulo upang sana ay alisin ang matinding hilo na nararamdaman. Pero sa halip na mawala ay tila lalo lang iyong lumala. What the f**k? mariing mura ko habang tila pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid.
"Hey! Are you okay? may himig pag-aalalang tanong agad ni Heinz. Marahil ay nakita niya ang ginawa kong pagpilig ng ulo kanina.
Shit! Even his voice are sexy!
"N-No, I'm o-okay. M-May iniisip lang a-ako."
Shit! Inom pa Alexandria! Inom pa! piping kastigo ko sa sarili.
"Are you sure?" paninigurado pa ni Heinz.
"Y-yeah. . ."
"I think, you should stop drinking, Alex. You're drunk. Naka-ilang baso ka na ng whisky," maya-maya pa'y saad niya.
And it's your fault! You and your oozing s*x appeal!
Mabuti na lang at hindi ko naisasatinig ang naisip kong iyon. Dahil nakakahiya iyon sa parte ko.
"I-it's o-okay. I c-can h-handle," sagot kong kumumpas-kumpas pa.
Narinig kong bumuntong-hininga na lang siya. "Okay fine."
Nakakailang baso na ako ng whisky. At alam ko ring lasing na ako ng mga oras na iyon. Subalit hindi ko mapigilan ang sariling huwag uminom, lalo pa at kailangan ko ito ngayon. Samantalang si Heinz naman ay halos minu-minuto ang paalala na h'wag na akong uminom. Kapansin-pansin rin ang labis niyang pag-aalala. Pero hindi ko siya pinakikinggan, kung alam lang niyang siya ang dahilan kung bakit ako umiinom.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng pananakit ng pantog kung kaya't kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo. "I think. . . I-I'm g-going to t-the b-b-bath!" nabubulol na saad ko sa sarili. Bagaman pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ay tumayo ako sa kinauupuan. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay nabuwal na ako.
"s**t! f**k!" dinig kong bulalas ni Heinz saka mabilis akong nasalo bago pa sana tumama ang ulo ko sa counter. Sa ginawa nitong iyon ay napasubsob ako sa dibdib ng niya, habang ang kamay naman niya ay maagap na naka-alalay sa aking mga braso. "I told you Alex, you're drunk!" pagalit pang saad niya.
Ang bango ng lintek na 'to! usal ko habang pasimple kong sinisinghot ang pabango niya. Ang nasasamyo kong panlalaking pabango at amoy ng alak ay tila naging mitsa upang lalong uminit ang aking pakiramdam. Maging ang matipunong dibdib ng binata kung saan ako nakasusob ay nagdulot ng kakaibang epekto sa pagkatao ko.
Shit! Ano ba'ng meron sa'yo at nagkakaganito ako, ungas?
"Hey, Alex! Are you okay?" Tinig niya ang nakapagbalik ng kaunting natitirang katinuan sa'kin.
Inangat ko ang tingin mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya at bahagya akong ngumiti rito. Lasing ka na talaga, Alexandria! Pangiti-ngiti ka na sa damuhong 'yan! "O-of c-course, I'm okay. S-stop a-asking."
Ilang saglit muna siyang nakatitig sa'kin na tila namalikmata bago nagsalita, "Are you really sure? Marami na ang nainom mo," aniya na bakas ang matinding pag-aalala.
"O-okay nga l-lang ako. K-Kaya ko p-pa," nakangiting saad ko pa na hindi inaalis ang tingin sa kan'ya. May nababasa rin akong kakaiba sa mga mata niya. Pero dahil sa kalasingan ay hindi ko na iyon inisip pa.
"I can take you home if you want. Just tell me your address. Hindi ka makakauwi kapag lasing ka," aniya. "Nasaan ba kasi ang fiancé mo? Why does he let you drink alone? Nag-away ba kayo?"
So you believed na fiancé ko ang Hapon na 'yon, ha? Well, wala na akong oras na itama pa iyon. Tama naman si Seiichi. Wala ka namang pakialam sa akin. . .
"E-ewan k-ko. A-At s-saka w-wag m-mo na a-ako ihatid. D-Dito na l-lang ako m-matutulog," saad kong namimilipit pa ang dila sa tindi ng kalasingan.
"No. I won't let you sleep here. Babae ka at lasing pa," sagot niya sa seryosong tinig.
Wow! Gentleman din pala ang ungas!
Hindi na ako nakigtalo at tumango na lamang, pagkatapos ay pasimple kong inilayo ang sarili sa kaniya dahil para akong sinisilaban. Bumalik ako sa pagkakaupo at ang natirang alak sa baso ay hindi ko na ininom pa. Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon ay hinahalukay na ang bituka ko.
Tang'na! Naususuka na 'ko!
Minabuti kung tumayo ulit upang sana'y pumunta sa banyo. Pakiramdam ko kasi ay maisusuka ko na ang lahat ng nakain at nainom ko. Hindi ko naman inaasahan ang mabilis pa sa alas-cuatro na pag-alakay sa'kin ni Heinz.
"Sasamahan kita, Alex. Baka ma-out of balance ka ulit at tumama pa 'yang ulo mo," puno ng pag-aalalang saad niya pagkatapos ay inalalayan ako upang makatayo. Nakahawak ang kamay niya aking tagiliran samantalang ay isa ay nakahawak naman sa aking balikat.
"W-w-wait! H-hindi k-ko na k-kaya! H-hindi ko na m-mapigilan. . ." anas ko kay Heinz na ang tinutukoy ay ang nararamdaman kong pagbaliktad ng sikmura. Ramdam ko kasing ilang saglit pa ay sasambulat na ito.
"What did you say?"
Sa halip na sagutin ko siya ay unti-unting kong inilapit ang sariling mukha sa mukha niya, dahilan upang maamoy ko ang hininga niyang pinaghalong mint at alcohol. Si Heinz naman ay natitigilan habang nakatunghay sa akin.
Shit! f**k!
Mariin akong napamura nang maramdaman ang kakaibang dulot ng mga iyon sa pagkatao ko. Nakakaliyo. . . nakakabaliw. . . nakakapanghina. . .
"Hey! Wait!" Maagap niyang pigil saka agad inilayo ang sarili sa akin. "Alexandria, you're drunk. 'Di mo alam ang ginagawa mo," anas niya habang nakapako ang paningin sa akin.
Bagaman nahihilo ay napansin kong gumalaw ang Adams apple niya tanda na lumunok siya ng laway. Lihim akong napangisi dahil doon. s**t! Akala marahil ng lalaking ito ay hahalikan ko siya!
Sa halip na ilayo ang sarili kay Heinz ay sinadya ko pang lalong ilapit ang sarili sa kaniya, kasabay noon ay unti-unti ko ring inilalapit ang mukha sa dibdib niya.
"I'm. . . I-I'm s-sorry. .. ." hinging paumanhin ko saka isinuka ang lahat ng laman ng aking sikmura sa kandungan ni Heinz.