Heinz POV
"f**k!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa malapot na likidong nasa kandungan ko. Habang si Alexandria naman ay nakasubsob lang sa aking dibdib at walang imik. Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at iniangat upang makita ko ang mukha niya. At hindi na ako nagulat nang makitang nakatulog na siya. Dala marahil iyon ng kalasingan kung kaya't agad siyang nahimbing.
God! She looks like an angel when sleeping! namamanghang usal ko habang malaya natutunghayan ang mukha ng babae. Hanggang sa bumaba pa ang tingin ko sa labi n'ya. Her wet red lips. Agad nagbalik sa balintataw ko ang nangyari kanina noong inilapit niya ang mukha sa akin. Sa sobrang lapit pa nga niya, pati mabangong hininga niya ay nalalanghap ko na.
Shit! Buong akala ko talaga ay. . . hahalikan n'ya ako. . .
Marahas akong napailing at napahiya sa sarili dahil sa kagaguhang naisip. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganoong bagay sa aking target. Si Alexandria ay misyon ko, at mahigpit na ipinagbabawal sa aming trabaho ang ma-involved sa aming kliyente. Umayos ka Heinz Mikael, kung ayaw mong mawalan ng trabaho dahil lang sa babaeng 'yan! paalala ko sa sarili habang nakatingin sa maamong mukha n'ya.
"Sir, are you okay? I'm sorry for what Ms. Alex did," hinging paumanhin ng isang lalaking na nahihinuha ko ay ang manager. Tila hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Alexandria. Maging ang mga staff na naroon ay bakas rin ang pagkagulat.
"No, I'm fine. Please, just give me a clean towel and soak in warm water," sa halip ay sagot ko sa kausap.
"Y-yes, Sir."
Agad itong tumalima. Ilang saglit pa ay may dala na siyang maliit na planggana at inilapag sa counter. Tumingin pa muna siya sa akin bago ngumiti ng alanganin. Dala marahil ng hiya sa nangyayari. Napansin ko ring may mangilan-ngilang customer ang nakiki-usyoso, pero hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin pa.
Tinanguan ko naman ito at ginantihan ng ngiti. Pagkatapos ay kinuha ko ang towel na nakababad sa maligamgam na tubig at piniga. Dahan-dahan kong inangat si Alexandria mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko saka marahan kong pinunasan ang mukha niya. Bakit ba kasi uminom-inom ka? May problema ka ba?
"Hmmmm. . ."
Umungol pa siya nang lumapat ang towel sa mukha. Pagkatapos ay kumibot-kibot pa ang labi. Marahil ay naginhawan si Alexandria dahil doon. Well, iyon naman ang mainam, kung pupunasan ng bimpo na ibinabad sa lukewarm water ang isang taong lasing, makakabawas ito sa tama ng alak.
Nang matapos punasan ang kaniyang mukha ay isinunod ko naman ang leeg niya. Pero habang ginagawa ko ito ay nanginginig ang kalamnan ko. Ilang beses din akong napapalunok. Nakatunghay kasi sa harapan ko ang pinagpalang mga dibdib ng babae. Kitang kita ng dalawa kong mata na tunay iyon at hindi artipisyal.
Shame on you, Heinz! 'Wag mong pagnasaan ang taong natutulog! sita ko sa sarili habang nakararamdam ng pagkapahiya. Kinontrol ko na lang na huwag madako ang paningin ko sa biyayang nakalatag sa aking nasa harapan. At ingat na ingat na huwag madampi ang daliri ko sa balat niya. Hindi ko kasi gusto ang idinudulot sa akin ng ginagawa ko. Tila ako sinisilaban dahil sa napakainit na pakiramdam. Na sinabayan pa ng kakatwang bagay na unti unting nabubuhay sa pagkatao ko. Pilit ko na lang pinaglabanan iyon kahit ramdam ko ang hirap niyon.
Nang matapos ako sa pagpupunas kay Alexandria, pakiramdam ko ay isang dekada ang itinagal noon, dahil sa matinding pagkontrol ko sa sarili. Maingat kong inilayo si Alexandria mula sa pagkakasubsob sa dibdib mo at saka inayos ang pagkakaupo niya sa katabi kong stool. Inabot ko rin ang hoody niyang hinubad kanina na nakalapag sa katabing upuan saka isinuot sa kanya ng dahan-dahan.
Maingat ko ring ipinatong ang ulo niya sa counter habang ang dalawa niyang braso ang nagsisilbing unan niya habang nakayuko. Nang makitang mahimbing na siyang natutulog ay tumingin ako sa manager na naroon na nakamasid lang at tila hindi malaman ang gagawin. Noon ko rin lang naalala na hindi ko pa naaasikaso ang sarili.
Binalingan ko ito saka tumayo. "Please watch her. I'm going to the rest room." Tumango naman ang manager. "Please take care of her," bilin ko pa.
"Yes, Sir."
Agad kong tinungo kung nasaan ang banyo. Ang ilan pa sa mga taong nakakasalubong ko ay napapatingin sa malapot na likidong nasa mga hita ko. Khaki kasi ang kulay ng pantalon ko kung kaya't kitang kita ang mantsa doon. Good thing, likido lang ang isinuka niya. Subalit naaamoy ko rin ang masangsang na amoy nito kaya napangiwi ako.
Nang makita ko ang panlalaking banyo ay agad akong pumasok at tinungo ang sink. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa at binasa iyon ng tubig, saka ipinunas sa dumi na nasa pantalon ko. Ilang minuto lang na ganoon ang ginagawa ko, at nang makitang wala ng mantsa ay lumapit ako sa trash bin at itinapon doon ang panyo. Naghilamos din ako ng mukha upang mabawasan ang epekto ng alak na nainom.
Nang maayos ang sarili ay bumalik ako sa counter kung nasaan si Alexandria. Nakita kong tulog pa rin s'ya habang nakabantay sa tabi niya ang manager. Mukha namang mabait ito at mapagkakatiwalaan. Binalingan ko ito at lumapit. "Can I talk you in private?"
Iniisip ko kasing ihatid si Alexandria pauwi. Hindi maaaring dito siya sa bar matutulog. Sapagkat bukod sa lasing siya ay wala siyang kasama. At isa pa, marahil ay nag-aalala na si Mr. Saavedra sa mga oras na ito. Obligasyon kong bantayan siya dahil iyon ay kasama sa aking trabaho.
Mabilis namang tumangi ang manager kaya agad kaming nagtungo sa opisina nito. Hindi na ako nag-abala pang umupo pagkapasok doon. Maging ito naman ay ganoon din. Agad ko nang sinabi ang pakay. "Let me take Alexandria to her home," diretsang saad ko.
Bumakas ang pagtataka at gulat sa mukha nito. Marahil ay iniisip niyang ngayon lang ako nakita ngunit gan'on na ang request ko. Marahan itong umiling. "I'm sorry to tell you Sir, but I can't accept your request. Mahigpit pong ipinagbilin si Ms. Alex sa amin ni Mr. Kawasima. I hope you understand, Sir."
Bumuntong-hininga ako. I think, I have no choice. 'Di ko siya maaaring iwan. At tiyak din na nag-aalala na si Mr. Saavedra. . . Dinukot ko ang wallet sa bulsa ng aking pantalon at inilabas doon ang badge ko, pagkatapos ay inabot ko iyon sa kanya. Bakas man ng pagtataka sa mukha niti ay inabot niya iyon.
"I'm Heinz Mikael Alvarez. An undercover agent from DISG. Si Mr. Saavedra ang nag-assign sa'kin para bantayan ang anak niya. So please, cooperate," pormal na saad ko. "And please, don't tell anyone about this, even Mr. Kawashima. Walang pwedeng makaalam nito. It's very confidential," dagdag ko pa rito.
Dahil sa nakitang badge at detalyeng inilahad ko ay hindi na nagdalawang-isip pa ito. Mabilis siyang tumango bilang pagpayag. "Y-yes, Sir. At makakaasa kayong walang makakaalam nito," anang manager.
Tumango rin ako saka bahagyang ngumiti saka mabilis na tinungo ang dalaga inakay siya palabas ng bar.
---
"Thank you Mr. Alvarez, naiuwi mo rito ang aking anak," anang Mr. Saavedra. Bakas sa mukha niya ang relief. Kasalukuyan kaming nagkakape sa sala ng mga oras na iyon.
Marahan akong tumango at simpleng ngumiti "Ginagawa ko lamang po ang trabaho ko, Mr. Saavedra," sabay higop ko ng natitirang kape sa tasa. Pagkatapos ay tumingin ako sa relo; 4:00AM
Umaga na pala!
Tumayo na ako sa kinauupuan at binalingan ang matanda. "Mauna na ako, Mr. Saavedra. Please make an alibi kung paano ko siya naiuwi rito. Baka magtaka siya."
"Don't worry, hijo. Ako na ang bahala. And again, thank you for bringing her here," pagkatapos ay tinapik nito ang balikat ko.
"Don't mention it, Sir. It's my duty and responsibility."
Inihatid pa ako nito hanggang sa labas ng gate. "Take care, Mr. Alvarez," paalala pa nito. Tumango lamang ako bago tuluyang tumalikod.
Habang lulan ng taxi patungo sa club upang balikan ang motorsiklo ko ay napuno ang isipan ko napakaraming tanong tungkol kay Alexandria. Unang una na roon ang dahilan kung bakit gan'on na lang ang epekto ng babaeng 'yon sa akin.
Ano ang mayr'on sa babaeng 'yon at parang nawawala ako sa sarili kapag kasama s'ya?