19

2114 Words
Third Person POV "YES Badong? Nasundan mo ba? Nasaan ang babaeng 'yon, ngayon?" tanong ng amo mula sa kabilang linya habang humihithit pa ng tabako mula sa mamahaling pipa. Mababakas sa anyo nito ang katandaan subalit nandoon pa rin tikas ng katawan at tapang ng pagmumukha. "Opo, boss. Nasa bar s'yang madalas niyang puntahan. Nakauwi na rin s'ya sa bahay nila, Señor." Tumango-tango naman ang matanda saka ngumisi. "Muy bien! May kasama ba siya? Iyong Hapon, kasama niya ba?" *Very good! "Hindi po boss. Siya lang mag-isa. Pero may naghatid sa kan'ya na isang lalaki. Lasing na lasing siya boss. Sayang! Pagkakataon na sana natin iyon," pumalatak pa ito at nahihimigan sa tinig ang panghihinayang. Nag-igtingan ang panga ng matanda dahil sa narinig. "Sino na naman ang kasama ng babaeng iyon?" gigil na tanong nito sa tauhan. "Hindi ko siya kilala, boss. Bagong mukha. Pero napapansin ko rin po na kung nasaan ang babae, nandoon din ang lalaking 'yon. May kutob ako na binabantayan niya rin si Alexandria." Nakuyom ng matanda ang kamao, habang ang kan'yang dibdib ay nagpupuyos sa galit. Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa telepono na halos masira na iyon. "Sigurado akong si Rodney ang may pakana niyan!" Marahas pa itong bumuntong hininga at inilapag ang kopitang tangan saka dinampot ang pipa at humithit. "Basta huwag mo hahayang mawala ang babaeng iyan sa paningin mo! Magpaplano tayo ng maigi upang makuha ang lintik na babaeng 'yon!" "Eh boss, paano 'yung lalaking laging nakabuntot? Anong gagawin ko?" Umupo ang matanda sa single sofa na naroon at muling nagsalin ng alak sa baso, pagkatapos ay muling humithit ng tabako. Nagbuga pa muna ito ng usok sa ere bago nagsalita. "Hayaan mo lamang ang hayop na 'yon! Hindi s'ya makakahadlang sa atin. At lalong-lalo, hindi n'ya nanaisin pang makialam kapag malaman niya kung sino tayo!" Tumawa pa ang matanda ng pagkalakas-lakas. Animo ay nakasisigurado na sa tagumpay. Humalakhak din ang nasa kabilang linya. Katulad ng amo ay tila ito nauulol. "Si Señor! Ang babaeng iyon na muna ang babantayan ko katulad ng inyong utos." "Sige, Badong. Pagbutihin mo lamang ang trabaho mo at tiyak na yayaman ka sa akin. Ganoon din mga tauhan mo. Kapag maganda ang inyong trabaho, may bonus pa kayo!" paniniyak nito sa kausap. Ngumisi pa ito ng malapad bago humithit ng usok sa pipa. Hindi pa man nangyayari ay mababakas na sa anyo nito ang tagumpay. "Opo boss! Maaasahan niyo!" nagagalak na saad nito sa kabilang linya. Ibinaba na ng matanda ang telepono at itinuon ang atensyion sa kopitang hawak na may lamang alak, at saka ngingiti-ngiti niyang nilagok iyon na tila ba isang tubig lamang. --- Alexandria's POV Puta! Ang sakit ng ulo ko! NASAPO ko ang ulo dahil sa matinding kirot na nararamdaman. Kung kaya't minabuti kon bumangon sa kama kahit pa parang binibiyak ang ulo ko. Nang makatayo ay tumingin ako sa wall clock; 11:00 AM Kahit bahagya pang nahihilo ay pilit kong tinungo ang banyo at agad na naghilamos at nag-toothbrush. Nang matapos ay sinuklay ko lamang ng kamay ang aking buhok na bahagyang nabasa. Pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng banyo. Nagpalit ako ng simpleng pambahay. Isang oversize t-shirt at maluwang na short. At matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Papa na nagluluto roon, marahil ay para sa tanghalian. Nakatalikod siya sa akin ngunit marahil ay naramdaman niya ang presensya ko dahil bigla na lang s'yang nagsalita, "Mabuti naman at naisipan mo pang gumising." Huminto siya sa ginagawa at humarap sa akin pagkasabi noon. Bakas sa mukha niya ang galit. "Ano'ng pumasok sa kukote mo Alexandria, at naglasing ka nang ganoon?" Fuck! Ano naman sa'yo? Don't act like you care! I don't need it! Blanko lang ang ekspresyon ko habang nakatingin kay Papa. Hindi ko rin s'ya sinagot at sa halip ay kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng kape. At pagkatapos ay walang pakialam na naupo sa silya na naroon. Narinig kong bumuntong-hininga si Papa bago tumalikod ng walang makuhang sagot mula sa akin. Pinanonood ko naman siyang ng naglalagay ng gulay sa kung ano mang niluluto niya, habang ipinagpapatuloy ko naman ang pagkakape ng walang imik. Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Papa habang nakatalikod pa rin sa akin at abala sa paghahalo ng niluluto. "Hindi mo man lamang ba tatanungin kung paano ka nakauwi rito?" sarkastikong tanong niya. Napaisip naman ako nang marinig iyon. Paano nga ba? Sino ang naghatid sa akin dito? Sa tanong kong iyon sa sarili ay agad namang nagbalik sa alaala ko ang mga pangyayari kagabi. Kung bakit kinailangan kong uminom para lang ma-distract ang kakaibang pakiramdam ko sa Heinz na iyon. 'Bakit nga kaya gan'on ang nararamdaman ko kapag malapit sa akin ang ungas na 'yon? May sa maligno siguro ang lalaking 'yon! Kasabay noon ay naalala ko rin ang kawalang-hiyaang nagawa sa kan'ya ng sukahan ko siya dahil sa labis na kalasingan. Lihim akong napailing dahil doon. Gaga ka, Alexandria! 'Di ka na nahiya! Sinukahan mo pa 'yung tao. Bastos! "Mabuti na lamang at may nagmagandang-loob na tawagan ako. Isang lalaki na nagpakilalang Heinz Montero ang nagsabing nasa isang bar ka at lasing na lasing. Siya din ang tumulong sa akin upang iuwi ka dito." Sa sinabing iyon ni tanda ay bumalik ako sa wisyo. Tsk! Nakaparami ko na palang utang na loob sa lalaking 'yon! "My god, Alexandria!" This time ay humarap na si Papa sa akin. Seryoso ang itsura niya at halatang nagpipigil lamang ng galit. Ako naman ay nakatungo lang habang humihigop ng kape. Ayaw ko rin kasing tingnan ang nakakainis n'yang pagmumukha. "Look at yourself! Kababae mong tao, naglalasing ka? Hindi ka na nahiya? Paano kung masamang tao pala ang lalaking kasama mo doon kagabi? Napahamak ka pa! And worst, baka na-rape ka pa! Ang tigas ng ulo mo. You're 23 and yet you are stubborn! Hanggang kailan ka magrerebelde, ha? You're childish! You're selfish! Hindi mo man lamang iniisip na may nag-aalala sa'yo!" 'f**k! I really hate this old man!' Inilapag ko ang tasang hawak at tiningnan ko siya ng blankong tingin. "Ilang beses ko nang tinatanong sa'yo kung bakit lagi kang nagpapanggap na nag-aalala sa'kin. Pero hanggang 'di ko pa rin alam kung bakit, 'Pa," natatawang pa kunwaring saad ko. Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin dahil sa sagot kong iyon. Nagtiim din ang mga bagang niya dahil sa galit. "Sa tingin mo bakit, Alexandria?" balik-tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako, nang-aasar. "Dahil nag-iisang anak kita! Sarili kitang dugo at laman kaya nag-aalala ako sa'yo!" pasigaw nang turan niya. Tang'na! Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo! Ngumisi ako pagkatapos ay pinukol siya ng nang-uuyam na tingin. "You want me to believe you, 'Pa? Oh! Come on!" Umiling-iling pa ako saka pumalatak. "'Di mo 'ko maloloko. Ang sabihin mo, takot ka lang na kapag nawala ako, 'di mo na 'ko magagamit sa pansariling plano mo. 'Wag ako, 'Pa. Kilala na kita." Sa labis galit ni Papa ay hindi na s'ya nakapagtimpi at hinampas ng dalawang palad ang lamesa na naglikha ng ingay. Nanlilisik rin ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Ganiyan ba talaga kakitid ang utak mo, Alexandria? Ganiyan ba ang tingin mo sa akin? Isa ba akong walang kwentang ama para sa iyo, Alexandria?" mariin niyang wika habang nakakuyom ang mga kamao sa ibabaw ng mesa. Hindi ako nagpaapekto sa galit na ipinapakita ni tanda. Sa halip, ay kaswal lang akong uminom ng kape at walang emosyon siyang pinagmasdan. "Oo." Ayaw ko sanang isatinig iyon ngunit huli na. Napansin kong lumambot ang ekspresyon ni Papa dahil sa sinabi ko. Maging ang mga mata niya ay kakikitaan ng ibayong lungkot. Nice, 'Pa. You're a best actor! "Bakit? Hanggang ngayon, ako pa rin ba ang sinisisi mo sa pagkamatay ng Mama mo, Alexandria?" Gumaralgal na ang tinig niya pagkasabi noon. Habang ang mga mata naman niya ay malamlam na tila iiyak na ano mang oras. Iniiwas ko ang tingin sa kan'ya at ibinaling sa iba. Ayaw kong makita na ganon ang itsura niya. Naiinis ako. Naiinis ako dahil alam kong pakitang-tao lang ng matandang hukluban iyon. "Sino pa ba ang dapat sisihin? Ikaw lang naman 'di ba? Ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng mga kamalasan na nangyayari sa buhay natin, 'Pa," saad kong may bahid ng galit at hinanakit ang tinig habang nakatingin sa kawalan. "Lagi kang nakikialam sa buhay ko. Pilit mo akong ipinakakasal sa taong 'di ko naman gusto. Kaya ikaw lang ang dapat sisihin sa lahat nang 'to, Papa. . . ikaw lang." "Oo. Alam kong kasalanan ko kung bakit nagawa iyon ng Mama mo. Pero hindi mo ba nakikita na nahihirapan din ako? Nawalan ako ng kabiyak. Walang kasing sakit iyon para sa akin Alexandria. Araw-araw, sinisisi ko ang sarili ko dahil doon. Paulit-ulit kong sinasabi na sana. . . sana ako na lang ang nawala. Pero pinilit kong maging matatag para sa'yo, anak. Bumangon ako para sa iyo, Alexandria. . . Ngunit tila ba ngayon, pati nag-iisang anak ko ay nawala na rin sa akin." Nabasag na ang boses ni Papa ng sabihin iyon. At kahit 'di ko s'ya tingnan ay alam kong umiiyak na siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili. Dahil sa mga oras na iyon ay naninikip ang dibdib, 'paris no'ng nawala si Mama. "Iniisip ko lang ang kinabukasan mo anak, kaya gusto kitang ipakasal kay Cyrus. Dahil kapag nawala ako, wala akong maiiwan na kahit anong yaman sa iyo, anak. . . Ayaw kong mamatay ako na hindi ko nakikita na maayos ang buhay mo," umiiyak pa n'yang dagdag. Nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin ako tumitingin sa kan'ya. Ngunit tagos sa puso ko ang bawat kataga na sinasabi ni Papa. Tila ba isa iyong patalim na unti unting sumusugat sa puso ko. Hindi ko mawari kung bakit kailangan kong makaramdam ng gano'n. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Nasasaktan ako at 'di ko alam kung bakit. Naramdaman ko rin ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Subalit pinigilan ko iyon. Hindi ako iiyak. Hindi sa harapan niya. Lumunok muna ako bago magsalita. Pinatatag ko ang sarili na 'wag magpadala sa emosyon na unti unting bumabalot sa akin. Nilabanan ko sariling damdamin. Itinago ko ang nararamdaman. "Hindi mo alam ang gusto ko, 'Pa. Hindi maibibigay nang sinasabi mong yaman ang kasiyahan ko. Simple lang naman ang gusto ko. Ang bumalik si. . .Mama. Siya ang magpaasaya sa akin, Pa. At hindi ang pera o kinabukasan na sinasabi mo. . ." Pumiyok na ang boses ko dahil sa huling salita na binitawan ko, marahil ay sa sari saring emosyon na lumulukob sa pagkatao ko. Subalit kamangha-manghang napagtagumpayan kong pigilan ang pagpatak ng luha ko. Kahit pa nilalamon na rin ako ng sobrang lungkot. . . Ng galit. . . Ng sakit. . . Alam ko sa aking sarili, na kahit kailan. . . hindi ko matatanggap ang pagkawala ni Mama. "Maging ako ay iyan ang hinahangad, Alexandria. Ang bumalik ang iyong mama. . ." Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Papa, at kahit nga hirap ay nagpatuloy pa rin s'ya sa paglilitanya. "Ngunit kailangan nating tanggapin na hindi na mangyayari ang nais natin, anak. Hindi na babalik ang mama mo. . . Kailangan nating tangapin na wala na ang mama mo. May rason ang Diyos, anak kung bakit n'ya kinukuha ang mga mahal natin sa buhay. Kailangan lamang nating tanggapin kahit masakit. . . kahit nakakabaliw ang sakit," humahagulhol nang saad niya. Hindi ko pa rin magawang tingnan si Papa kung kaya't, nakabaling pa rin ako sa kawalan. Pero alam kong hindi ko maloloko ang sarili ko. Pilit ko mang itago ang sakit, sa loob naman ng puso ko ay umiiyak ng mga sandaling iyon. "Sana anak, . . . sana, mapatawad mo ako balang-araw. Pag-pasensiyahan mo na kung nagkaroon ka ng ama na 'tulad ko. Isang napakawalang kwentang ama. . . Isang duwag na ama. . . Subalit isa lamang ang tatandaan mo, anak. . ." pinutol ni Papa ang sinasabi at nahihinuha kong nakatingin s'ya sa akin ng mga sandaling iyon. "Hindi ako perpektong ama. Subalit walang kasing perpekto ang pagmamahal ko para sa'yo, anak ko. Hindi iyon matutumbasan ng kahit sino. . . Mahal na mahal kita, Alexandria," madamdaming usal pa niya saka malakas na humagulhol. Sa narinig kong iyon ay tuluyan ng tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Galit ako kay Papa. Pero dahil sa mga sinabi niya ay nakaramdam din ako ng matinding sakit na hindi ko mawari kung para saan. Kung kaya't, bago pa niya makita ang mga luhang iyon ay mabilis na akong tumayo at nilisan ang lugar na iyon na hilam ng luha ang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD