KEANNE'S POV Muli akong napatingin kay Chaddion, nang marinig kong napabuntong-hininga muli siya. Napakuno't noo akong napatingin sa kanya at nilapag ang hawak kong laptop. "What's bothering you?" tanong ko sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita at napapailing lang, saka yumuko. He's not like this. I'm sure, there's something happened earlier to him. Ano na naman kaya ang ginawa ni Cara sa kanya. "May I ask something, Keanne?" mayamaya ay sabi niya. "Hmmm? What is it?" tugon ko. "Ilang taon ka, noong napunta ka sa kamay ni Albert noon?" tanong niya at bumaling sa akin. Natigilan naman ako sa tanong niya, dahil nga alam naman niyang matagal ko ng kinalimutan ang ugnayan ko kay Albert. "I was 15, why?" sagot ko sa kanya. "Did you heard something about Allen Mondragon? Albert's brot

