CHELSEA'S POV Matagal akong hindi nakapagsalita sa tanong na iyon ni Keanne. Medyo nagulat lang ako sa biglaang tanong niya, dahil nga ang inaakala ko ngayon ay bonding lang namin pero biglang sa akin napunta ang ganoon usapan. Hanggang saan nga ba ang kaya kong gawin para kay Chaddion, kung sakaling nasa ibang babae na siya. Bakit? Anong ibig sabihin ng sinasabi niya ngayon? "Hindi ko masasabi kung hanggang saan, pero kung sakali mang nasa piling na siya nang iba. Pwes, babawiin ko siya kahit na anong mangyari dahil unang-una, akin lang siya," mariing sabi ko sa kanya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung saan ko nakuha ang sagot kong iyon kay Keanne. Tumango-tango siya na tila naiintidihan kung ano mang ang sinasabi ko. "Well, that's good to hear from you. I just want you to

