Chapter 20 "Ang Nawawalang Tagapagmana" Mabilis na pinaharurot ni doc Mathew ang kotse nito papalayo sa dalawa. Habang nakapikit naman si Nadine dahil sa kaba na baka masundan din sila. Lalo na at walang impossible sa mga iyon dahil mayaman din ang pamilya ni Justine. "Kumapit ka lang ng maayos ako ang bahala sayo, hindi kita hahayaang masaktan basta sumunod ka lang sa sasabihin ko". Seryosong sambit ni doc Mathew kay Nadine. "O-opo doc". kinakabahang sagot naman ni Nadine sa kanya. "Tawagan mo ang mommy mo at sabihin sa kanya na ako na ang maghatid sayo pauwi ng bahay nyo. Wag na kami nitong papuntahin si mang berto don sa ospital at baka magkabukingan pa doon." Utos sa kanya ni doc Mathew. mabilis na kinuha ni Nadine ang celphone at tinawagan ang mommy niya para ipaalam dito ang na

