Chapter 19 "Ang nawawalang Tagapagmana" Bumalik si Nadine sa kama niya ng hindi nito pinahalata sa Ina at kay doc Mathew ang narinig niyang usapan ng dalawa. Umupo siya sa kama at kinausap ng maayos ang Ina. "Mommy, ngayon naba tayo lalabas? medyo okey naman na ako at wala naman akong nararamdamang kakaiba". ani Nadine sa Ina "Oo anak uuwi na tayo agad ngayon, sabi din ng doctor mo na pwede na tayong umuwi." nakangiting tugon naman ng ina. "Mommy, ingatan nyo lang po at lagi nyo siyang titingnan sa lahat ng oras, maselan po ang pagbubuntis niya at gaya po niyan anemic din po siya kulang sa tulog dahil mahirap po siyang makatulog. Ang ma advice ko lang po siguro dapat lagi siyang May katabi na aagapay sa kanya, sa lahat ng kilos nya naroon din ang kasama nya. Inaalala ko lang po kasi

