May klase ng oras na iyon si Nadine, seryoso siyang nakikinig sa kanyang maestra habang nag discuss ito sa kanya. Habang nakikinig siya dito ay bigla nalang nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa hindi na nito nakayanan lahat at bigla nalang dumilim ang kanyang paligid. Ang huling naalala nalang niya ay ang boses ng teacher nya at tinatawag siya sa kanyang pangalan. Nagising si Nadine sa familiar na kwarto, para kasing nanggaling na siya dito. Maya-maya pa ay dumilat na siya ng tuluyan at bumangon, nakita niya ang kanyang mommy Nancy at kausap ang familiar na doctor. "Mommy". tawag niya sa Ina agad na lumingon ang Ina sa kanya ang mabilis na lumapit kasama ang doctor nito. Parehong May pag-alala ang tingin ng mga ito sa kanya. ramdam iyon ni Nadine. "Mommy ano po nangyari sakin?"

