Kabanata I

2006 Words
Dumanak ang dugo sa sahig ng cathedral. Pumalibot ang mga kawal ng emperador sa paligid ng cathedral upang paslangin ang bawat taong naroroon. Desperadong mga tinig ang umalingawngaw sa bawat sulok at bawat bahagi ng lugar, ang mga tinig ay animong humihiling na sana magkaroon ng awa ang emperador. Walang emosyon na pinanood ng emperador isa-isang humilata sa sariling mga dugo ang kanyang mga mamamayanan. The emperor is called a tyrant for a reason. "Ano ang pumasok sa iyong isipan upang gawin mo ito? Laspatangan ka! Gadel Jasxiel, " singhal ng pare bumabakas ang poot sa boses nito. Hindi na rin siya nagdalawang isip na tawagin ang emperador sa pangalan. The emperor attacked the church in broad daylight. The marble tiles were bathed in the red blood of the people whom he promised to protect. "Where's the saintess? The saintess who claimed that there was a prophecy from the deity itself! " Hindi binigyang pansin ng emperador ang iwinika ng pare bagkus pinantayan niya ang lakas ng boses nito. Gadel is the emperor. He will not cower down to anyone. Even if it means going against everyone, if he has to step on everyone. Ang propesiya ang naging dahilan para ipag-utos niyang paslangin ang bawat saint, saintess at ang mga susuporta sa simbahan. Ang bawat susuporta sa prophesiya, tinuturing na niya itong pagtataksil ng simbahan. The prophecy says that there will be someone who will overthrow the tyrant emperor with the help of immortal dragons. Gadel will kill whoever is a threat to his throne. Gadel has already slayed four dragons in the past few months, and he's here to slay the saintess. Walang papalagpasin hanggang nakakaramdam ng banta ang emperador. Hindi papayag si Gadel na magkakaroon ng balakid sa kanyang landas. Kung kinakailangang dumanak ang dugo at kumitil, hindi magdadalawang isip si Gadel na gawin iyon. "Inaakala mo bang mapapalampas ito ng kalangitan? Pambabastos ito sa sagradong simbahan. "wika ng pare. Kahit na tuloy-tuloy ang agos ng dugo g pare mula sa kanyang leeg. Napangisi naman si Gadel sa itsura nito. "You shouldn't have defied me when you are still well and breathing. You should be grateful. I'll send you to the deity that you worship so much, "wika ni Gadel sa linggwaheng natutunan niya sa kabilang bahagi ng mundo. Ang walang ekspresyong mukha ni Gadel ay napalitan ng ngisi kasabay nito ang pag-angat ng kanyang dagger. Mabilis na po tinawid ng emperor ang distansya pagitan sa kanilang dalawa. Wala pang isang minuto nang bumagsak ang bangkay ng pare. "Karangalan mong binawi ko ang iyong buhay," dineklara ni Gadel habang pinapatong niya ang paa sa dibdib ng bangkay. Sumilay ang isang ngisi sa kanyang bibig. Pinupunasan ni Gadel ang kanyang patalim pagkatapos itong madungisan ng maduming likido, nang mayroong lumapit na isang kawal sa kanya para maghatid ng magandang balita. "Nadakip na po namin ang Saintess, Emperor," wika ng kawal, nakayuko ito at iniiwasang tumigin diretso sa mata. Walang sinayang na oras ang emperador, at pinag-utos niyang dalhin sa mataong lugar ang saintess upang bitayin sa harap ng madla na magsisilbing aral para sa lahat. Yumanig ang sigawan sa paligid. Kasalukuyang nasa harap ng madla ang emperador, malamig ang ekspresyon nito kahit na nagmamakaawa ang kanyang mamamayan. Tumitig ang emperador sa babae nasa kanyang harapan, ang babaeng nakagapos ang mga kamay at kasalukuyang nasa sentro ng madla. Sinundan nang tingin ng emperador ang dugong tumatagaktak at ang mga bakas ng p*******t sa babae. "Kamahalan, ano na po ang susunod na hakbang?" tanong ng isang kawal na nasa kanang bahagi ng Emperador. Ngumisi ang emperador nang makita niyang tumalim ang tingin ng babae sa kanya. He felt satisfied with her miserable state. He should have assassinated her, but it wouldn't be fun. "Inaakala mo bang hindi mo pagbabayaran ito? Ang hindi mo pagrespeto sa salita ng mas mataas sa iyo! " nanggigil na wika ng babae. Nanlaki ang mga mata ng tagasunod ng emperador, isa-isang humugot ng espada para gilitan ang lapastangan. Itinaas naman ni Gadel ang kanyang kamay, naghuhudyat na tumigil at huwag magtangkang kumilos ng hindi niya sinasabi. Mas lumawak lamang ang kanyang ngisi ng marinig ang galit sa boses ng babae. "Saintess, what can you do when the things you believe in won't come to your rescue? Pinaparusahan ko lamang ang may kasalanan," wika ni Gadel. "You'll be executed publicly for involvement in black magic, treason and deception," malamig na anunsiyo ni Gadel. Kaya habang maaga mas gugustuhin ng emperador na patahimikin kung sinuman ang magpapakalat ng ganoong balita. Hindi niya hahayaan na magkaroon ng dahilan para mapatalsik siya sa kanyang trono. Emperor Gadel Jasxiel are known far and wide, and their his tyrannical rule left an atrocious impression on their subjects and neighboring kingdoms. Marami ang nais siyang pabagsakin, sa loob ng limang taon niyang pamumuno wala sinuman ang nagtagumpay na talunin siya. "Ang pagbagsak mo ay nalalapit na. Maaari ngang namanipula mo ang lahat, but everything will come to its end. You are no match for the deity, "singhal ng saintess, kinagat nito ang kanyang ibabang labi dahil sa pagpipigil ng galit. Gadel stared coldly at the saintess. Hindi mahaba ang kanyang pasensya para makinig. Kaya naman hinudyatan na niya ang mga kawal na dalhin ang guillotine sa sentro upang mahatulan ng kamatayan ang saintess. Gadel would rather let the saintess's head run away from the rest of her body parts than let her mouth run, spouting complete nonsense which seems to add fuel to a raging fire. "You'll come to regret this! Magsisisi ka sa iyong mga ginagawa." singhal ng saintess na kasalukuyang nagpupumiglas. "Sa tingin ko mas mabuting tanggalan ka ng abilidad upang makapagsalita, "malamig na komento ng emperador. Agad namang kumilos ang kawal, naintindihan nito ang ibig sabihin ng emperador. Putulin ang dila upang matahimik ito. Ang sigaw ng saintess ay umalingangaw sa buong paligid, nagdulot ito ng animo ay domino effect dahil kasunod ng kanyang pagsigaw sa sakit gayundin ang mga naging reaksyon ng mga nanonood. Gadel unknowingly flinched after hearing the scream of pain. Sa hindi malamang dahilan sumakit ang kanyang sentido. Matapos ang tatlongpung segundo, kibit balikat na ipinasa walang bahala ni Gadel iyon. He gathered enough magic stones to gain immunity to dark magic. Itinaas ni Gadel ang kanyang kamay upang hudyatan ang kanyang mga kawal para itaas na ang patalim sa guillotine at ipuwesto ang leeg ng saintess sa gitna nito. "Kung hindi mo pa nalalaman, napatay ko na ang mga dragun nang walang kahirap-hirap," wika ni Gadel. "They are powerless against me," karagdagang wika ni Gadel. Gadel watched as the saintess's face contorted in disbelief and dismay, kasabay nito ang pagbaba niya ng kamay. Naghuhudyat na ibaba na ang patalim. Napatigil ang lahat bago dumampi ang patalim sa leeg ng saintess dahil isang malakas na pagkulog at paglakas nang ihip ng hangin sa kapaligiran. Animo kalikasan ay nais ring tumutol sa ginagawa ng emperador. Nagtataka ang lahat sa biglaang pagbabago ng panahon, kung kanina maaraw ngayon unti-unting sinasakop ng ulap ang kalangitan. Bumuhos ang malalakas na patak ng ulan. Kanya-kanyang takbuhan sa masisilungan ang lahat pwera na lamang sa mga kawal at sa emperador na nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto. "Ipagpatuloy," wika ni Gadel. The fact that Gadel ascended the throne at the early age of twenty made him think that everyone was under his feet. A mere change of weather is nothing. Napasigaw ang lahat nang gumulong ang ulo ng saintess sa gitna nang madla. Nakaramdam ng hindi pamilyar na emosyon si Gadel, ngunit bigla itong nawala nang maalala niya ang sinasabi ng kanyang ina noon, the late empress. 'If you show them mercy, they will take that as a chance to betray you,' wika ni Gadel sa kanyang isipan. Nang makarating pabalik ang emperador sa palasyo, agad siyang sinalubong ng mga tauhan upang asikusahin siya. Nang matapos ng mga tauhan ang kailangan nilang gawin, dali-dali silang lumabas. Naiwan sa kwarto ni Gadel ang kanyang malapit na butler, ito ang nag alaga kay Gadel noong bata pa siya at tanging nakakausap at nasasabihan niya nang gumugulo sa kanyang isipan. "Ano sa tingin mo, tama ba ang ginawa ko?" mahinang tanong ni Gadel, sa sobrang hina nito baka siya nga lang ang nakarinig. Mariing napapikit si Gadel, napahawak sa kanyang noo at umupo ito sa kanyang higaan. He was assassinated before he even debuted as a prince. The first time he killed someone was when he was five. Kahit na dumanak pa ang maiinit na pulang likido mula sa kanyang pinapaslang, hindi nito napapatayan ang lamig ng kanyang puso at isipan. He was called a monster by his father. He was called a pawn by his mother. He was called the devil by many. Gadel felt conflicted inside, but he thought he had done the right thing. Ito ang paraan para hindi siya mapatalsik sa trono. Naniniwala si Gadel na ang buhay niya ay para lang mamuno. Hindi siya nagkaroon ng ibang pangarap. Ang layunin ng kanyang buhay ay para maging emperor. That's what he thought. He doesn't know what else is there, if he got dethroned. Tahimik na nakatayo lamang sa likod ng emperador ang butler, impit ang ngiti nito sa kanyang labi. Hindi siya kumikilos at hinihintay kung may ipag-uutos ang emperor nang maalala niyang may liham na pinapahatid sa emperador. "May dumating na liham, kamahalan. Nagmumula ito kay Stirl Jasxiel, ang inyong kapatid. " Inabot ng butler ang isang maliit na sobre, ipinatong sa pinakamalapit na lamesa ni Gadel. Napatawa si Gadel nang marinig niya ang sinabi ng butler. Kapatid? Walang tinuturing na kapatid si Gadel, at least not that half-blooded second prince, Stirl Jasxiel. Limang taon na rin noong mamatay ang dating emperador kasabay nito na pinagbawal tumungtong ng emperyo si Stirl pagkatapos makoronahan si Gadel. Kahit na pangalawang prinsipe si Stirl. Ang ina ni Gadel ang nag-utos na ipatapon sa malayong lugar si Stirl. Simula noon wala nang ideya si Gadel kung nasaan ito at kung anong ginagawa nito. The late Empress said that Stirl Jasxiel was a threat to him. Gadel would rather have him gone. Maaari ka nang lumabas,"wika ni Gadel pagkatapos niyang kunin ang liham na tinutukoy ng butler. Malamig niyang tinitigan ang papel, kahit na wala siyang pakielam may maliit na parte sa kanyang puso na nais malaman kung ano ang nakatala sa liham. Nang may naramdaman siyang kirot na nagmula sa kanyang dibdib na kumalat sa kanyang buong katawan. Tiniis ni Gadel ang sakit na kanyang nararamdaman, kahit na nahihirapan siyang huminga. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan, lalong lalo na sa mga nagbabalak palitan siya sa trono. Lumipas ng ilang minuto ang pagtitiis niya bago siya mawalan ng malay. The darkness swallowed him into the unknown. He left himself to fall unconscious. Nang magbukas ang dalawang talukap ng kanyang mata. Agad siya sinalubong ng hindi pamilyar na kisame. Ang kisame ay gawa sa sira-sirang yero na may pagkakalayo sa ginto kisame sa palasyo. Nanlaki ang mata ni Gadel at agad agad na tumayo, hinanap nito ang kanyang espada ngunit natumba siya dahil nanghihina ang kanyang tuhod. He felt weak. He must have been cursed by someone. Ano na lang ba ang eksplenasyon sa biglaang sakit na naramdaman niya kanina? "Where am I?" Tanging paghahabol nang kanyang paghinga ang naririnig ni Gadel. Tumingin siya sa paligid, nasa loob siya ng isang kwarto. Walang kagamit-gamit at maliit ang espasyo. Did someone abduct him from inside his room in the palace? Sinong may lakas loob para dakpin siya? Sisiguraduhin ni Gadel na luluhod ang mapangahas na iyon sa pagmamakaawa. Pagkatapos ng ilang segundo, nakatayo na si Gadel. Ang unang una niyang hinanap ay ang salamin, nais niyang malaman ang itsura niya para malaman din kung bakit sobra siyang nanghihina. Nagulat siya sa kanyang replika sa salamin. Agad na napahawak si Gadel sa kanyang mukha. "Stirl?" gulat na tanong ni Gadel nang makilala niya ang pamilyar na mukha ng pangalawang prinsipe. Napanganga si Gadel nang mapagtanto ng kanyang isipan na nasa katawan siya ng ipinatapong kapatid. One thing came through his mind. Their body swapped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD