Kabanata II

2007 Words
Sinubukan ni Gadel na ipikit ang kanyang mata. Nais niyang magising sa isang bangungot, sana maiulat ang kanyang mata na nakabalik na sa sarili niyang katawan. Marahas na tumayo si Gadel sa kanyang hinihigaan. Kung talaga nagkapalit ang kanilang kaluluwa, nagkaroon siya ng isang katanungan. Anong klaseng pamumuhay ang dinanas ni Stirl para tumira sa isang sira-sirang bahay? Napuno ang kanyang isip sa mga katanungang walang sumasagot. Bakit ito nangyari? Sino ang may pakana? Isa ba ito sa pinaplano ni Stirl para maagaw ang kanyang trono? Iniyukom ni Gadel ang kanyang palad sa pagpipigil ng galit. Kung nasa kanya lamang ang kanyang espada baka mapatay ang bawat taong makakasalubong niya. He has to keep his cool. Hindi niya nga alam kung nasaang bahagi siya ng mundo. Kung padalos dalos ang kanyang desisyon, baka hindi siya tumagal bago niya makuha ang katawan niya pabalik. Nang maramdaman na ni Gadel na bumalik na ang lakas niya sa kanyang tuhod. Nakita niya agad ang talaan ng taon ng imperyo at araw, mukhang tatlong araw na ang nakakaraan noong pinapatay niya ang saintess sa gitna ng madla. Tatlong araw din siyang walang malay, kaya ba sobrang hina niya pagkagising? He can't even lift his finger. Tumayo na siya upang libutin ang labas ng bahay ni Stirl. Napapalibutan ng gubat ang bahay ni Stirl kahit saan siya tumingin, mukhang nasa kalagitnaan siya ng kagubatan. An isolated place to detain a banished prince with the sin of having commoner blood with no aristocrats supporting him. Nakakunot ang noo ni Gadel sa kanyang nalalaman. Alam niyang pinatapon sa malayong lugar si Stirl, pero hindi sa ganitong klaseng lugar kung saan para siyang ikinulong. He was still a prince. Bumalik sa loob si Gadel upang mag impake ng mga kagamitan, pero kahit na anong paghahanap niya wala siyang makitang gamit na nagbigay pagtataka sa kanya. Kaya napagdesisyunan na lang ni Gadel na umalis nang walang dala-dala kahit ano bukod sa suot-suot niyang damit. Paghahanap siya ng impormasyon ukol sa lokasyon, kailangan niyang alamin kung ano na ang nangyayari sa imperyo. Umabot ng ilang oras bago nakababa mula sa kagubatan patungo sa isang pamilihan si Gadel. Napagpasiya niyang pumunta rito dahil matao, baka may makasagot sa kanyang katanungan nang nakaramdam siya ng gutom si Gadel nang makita niya ang mga lutong pagkain na ibinebenta sa pamilihan. "Iyan." Itinuro ni Gadel ang isang bagong init na tinapay. Nagtatakang napatingin sa kanya ang tindera. Nakalahad ang palad nito kay Gadel ngunit walang ibinibigay na salapi. "Do you still value your life?" tanong ni Gadel, pinipigilan niyang magalit at ang kumitil sa publikong lugar. He's the emperor. No one defies him except for those who foolishly desire to die. "Ano?" patanong na singhal ng tindera kay Gadel. Bakas sa kanyang mukha na hindi siya natuwa sa sinabi ni Gadel. Sa halip na talikuran ni Gadel ito, pinantayan niya ng tingin ang kausap. Minamata niya ang isang patalim na nasa gilid ng tindera. Malapit na sana maubos ang pasensya ni Gadel nang mayroong lumapit na isang babae sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso. "Takbo!" sigaw ng babae pagkatapos niyang batuhin ng buhangin ang mata ng tindera at kumuha ng maraming tinapay mula sa tinitinda nito, sabay nito hinatak niya sa braso si Gadel. "Mga magnanakaw!" sigaw ng tindera ngunit walang nag abalang habulin ang mga tumatakbo. "Ang emperador ay hindi kailanman tatakbo sa isang pagtatalo!" wika ni Gadel na animo ay tumututol sa minumungkahi ng babae na tumakbo, pero nagpapadala siya sa paghila ng estrangherong babae. If he wanted, he could shrug the woman's hand, but he couldn't find himself to do it. Halos ilang metro rin ang kanilang tinakbo palayo sa pamilihan. Hingal na hingal na napaupo si Gadel sa isang sulok kung saan siya dinala ng babae. "Sino ang nagpadala sa iyo? at ano ang pakay mo?" seryosong tanong ni Gadel sa babae. Nagtataka siyang tinitigan ng babae. His breathing hitched as her doe eyes stared back at her. Nobody would dare stare right into his eyes, but this woman before him managed to fearlessly stare at him. Ang babae ay nagtataglay ng mapupungay na itim na mata, kulay ginto naman ang kanyang buhok. Kahit na may maliliit na gasgas ang kanyang mukha at braso, hindi matatanggi ang kaganda nito. Nagsimulang maglakad ang babae nang hindi sinasagot ang katanungan ni Gadel, marahil hindi rin alam ng dalaga ang tinutukoy nito. "Ang lakas ng loob mo talikuran ang emperador- ang prinsipe!" singhal ni Gadel. Hinawakan ni Gadel sa balikat ang dalaga upang iharap ito muli sa kanya. No one dares to turn their back on the emperor, but the problem is, he isn't the emperor right now. He is the banished prince. "Emperador? Naapektuhan siguro ng gutom ang iyong isip, ginoo, "nakunot na wika ng babae habang tinitingnan niya ang itsura ni Gadel, tunay ngang may kagwapuhan ito ngunit ang pananamit niya halatang hindi ito kabilang sa maharlika. Hinawakan niya ang kamay ni Gadel at unti-unti itong pinihit hanggang masaktan ito. Nakapagsabi si Gadel ng hindi kaaya-ayang salita dahil sa ginawa ng babae, nang makuntento ang babae sa kanyang ginawa. Isinubo nito sa bibig ni Gadel ang isang pirasong tinapay at tinuran, "Iyan ang parte mo." "Lubhang naguguluhan ka. Ako nga pala si Ava, marahil narinig mo ang aking ngalan," wika ni Ava, pinagpatuloy niya ang paglalakad na sinundan naman ni Gadel. "Isa ka bang mamamatay tao? Kilalang kriminal?" tanong ni Gadel. Napalingon naman si Ava, napanganga ito sa tanong ni Gadel at napasinghal sa gulat, "Magnanakaw lang ako, hindi ako mamamatay tao!" "At isa pa, kasama kang nagnakaw kanina. Kaya kung iniisip mong isuko ako sa mga kawal. Hihingin ko ang iyong pang-unawa," wika ni Ava." Kailangang madisplina ang mga taong sumasalungat sa batas na ginawa ng imperyo," ang tanging sagot pabalik ni Gadel kay Ava. Binalot ng katahimikan ang paligid matapos magsalita ni Gadel. Tanging yapak ng kanilang mga paa ang maririnig. Huminto sila sa nakatagong kweba sa gitna ng kagubatan. May pasikot sikot na kabisado ni Ava. Bumangad sa kanila ang iilang mga bata na nag-aabang sa pagbabalik ni Ava. "May punto ang iyong tinuran, ngunit maaari ba mapawi ang gutom sa paraan ng kanilang pagdidisiplina?" wika ni Ava, sa pagkakataong ito tumingin siya kay Gadel. Gadel was taken aback. Hindi niya nagawang makapagsalita dahil hindi niya rin alam ang kanyang isasagot. He lived his life as a crown prince, then became the emperor. Pero ano nga ba ang masasabi ni Gadel, may mas malala pa siyang ginawa kaysa sa magnakaw. Kumitil siya para sa pansarili niyang interes. "Ate Ava! Kami'y nagagalak sa iyong pagbabalik." Isa-isang lumapit ang tatlong bata at sinalubong sila ng malalawak na ngiti. "Wala naman bang nakakita sa inyo na pumunta kayo rito? Ito ang ating sekretong tagpuan kaya huwag niyo ipapaalam sa iba," wika ni Ava, ngumiti ito sa mga bata parang nakalimutan niya ang presensya ni Gadel. "Pero ate sino po siya? Siya po ba ang kasintahan niyo?" tanong ng batang babae. "Hindi!" mabilis na saad ni Ava, bahagyang namula ang kanyang pisngi sa narinig habang sa Gadel naman hindi nagpakita ng ekspresyon. Tumalim ang tingin ni Ava kay Gadel, akala niya isa rin ito sa nangangailangan ng pantawid gutom kaya gayun na lamang ang gulat niya noong pangaralan siya nito ukol sa batas ng imperyo. Kaya isinama niya ito sa pagtakbo kanina sa pag-aakalang kinakailangan nito ng tulong." Ano po ang iyong ngalan?" lumapit ang isang batang babae upang tanungin si Gadel. Iniwas naman agad ni Gadel ang kanyang tingin kay Ava at ituon ang atensyon sa paligid bago sagutin ang katanungan ng isang bata. Hindi ganoong kaayos ang lugar, hindi mawari ni Gadel ang kanyang nararamdaman. "Gadel," mahinang pagpapakilala ni Gadel, binibigyan sila pahintulot na tawagin siya sa kanyang pangalan. He doesn't know what made him say that. Kasulukuyan siyang nasa katawan ni Stirl, pero nagpapakilala siya bilang Gadel. Lumapit si Ava para alukin siya ng tinapay at nagpaliwanag, "Sabay-sabay kaming nawalan ng tahanan noong nag-umpisa ang digmaan. We are the only survivors in our village." "Digmaan?" tanong ni Gadel, base sa kanyang pagkakaalala mayroong digmaan pagitan sa kanyang emperyo at ang karatig emperyo. Nagkaroon ng alitan sa kalakaran at binabalak na panakop. Unfortunately, Gadel was an excellent man at swordmanship and war tactics. Hindi siya natalo bagkus iniuwi niya ang tagumpay. "I'll do anything to keep them smiling, away from the terror we've been through," Ava said, sounding as if she was warning a stranger. Napakaseryoso ng kanyang tinig, sa paraan nang kanyang pagsasalita parang alam niyang mali ang kanyang ginagawa. "Hindi ko sinasabing tama itong ginagawa ko. Just for a little while until it is stable, " karagdagang wika ni Ava. Tahimik na nakinig si Gadel hanggang sa lumingon sa kanilang gawi ang mga bata at ngumit kasabay nito lumapit itong tatlo sa kanilang dalawa upang kausapin at kuwentuhan tungkol sa araw nila. Umupo ito si Gadel sa isang gilid. He never felt this way before becaush His only problem and concern is his throne. Now, he saw others smiling directly at him. He found it rather odd because everyone who looked at him before cowered and trembled in fear. He felt the warmth. "Nababatid niyo po bang ang gwapo niyo ho?" tanong ng isang batang babae, nang makalapit ito hinawakan niya si Gadel sa pisngi nito at napahagikgik. Hindi naman umimik si Gadel, dahil alam alam niya namang maganda siyang lalaki noon pa. "Oo nga po. Kaseng gwapo niyo na ang dakilang pantas! " wika naman ng isang batang lalaki at sa pagkakataong ito napukaw nila ang buong atensyon ni Gadel. The great sage must have known something about his situation. He must find him this instant. "Nasilayan niyo ang kilalang hukluban? " tanong ni Gadel upang makasigurado, tumango naman ang mga paslit. "Maaari ko bang malaman kung saan siya matatagpuan?" karagdagang tanong ni Gadel. Sabay-sabay na tumango ang mga bata na ikinagalak ni Gadel. Kailangan niya makita ang mahusay na hukluban. Kaya naman agad na sinabi ng mga bata ang dapat na daanan kung paano makakapunta roon. Umangat naman ang kilay ni Ava sa sinabi ng mga paslit na kanyang inaalagaan, wala siyang kaalam alam na kung saan saan na pala napupunta ang mga bata. Nang makarating si Gadel kasama si Ava sa lugar kung saan siya itinuro ng mga bata, sinalubong si Gadel ng malalaking tipak ng bato. Walang lagusan ang makikita tanging lawa lang ang nasa gilid habang kagubatan naman ang nasa isa pang gilid. Tahimik na sinusundan ni Ava si Gadel, kita niya ang bakas ng pagdismaya sa mukha nito pero wala siyang magagawa para tulungan ito. "Sasapit na rin ang gabi. Kinakailangan na nating bumababa sa paanan ng kagubatan," pagpapaalala ni Ava. Kibit-balikat at unti-unting napaupo si Gadel sa batuhan, humarap siya kaliwa kung saan may isang lawa. Good thing, he didn't feel the urge to kill someone like he usually does to solve something. "Siguro nagkamali lang ang mga bata. Maaaring guni-guni lang nila iyon," Binasag ni Ava ang katahimikan na nabubuo sa paligid. "It's the great sage. Inaasahan ko rin na hindi ko siya madaling makikita," wika ni Gadel habang dumadampot ng isang bato. He started stone-skipping instead of getting upset. It bounces at least three times on the water's surface. Bumato rin si Ava nang makita niya ang ginawa ni Gadel. Nanlaki ang mata niya nang nalampasan niya ang ginawa ni Gadel. "Is that a first time stone skipping? Not bad, " komento ni Gadel. Sinubukan ulit ni Ava ang pagbato at sa pagkakataon na ito may natamaan siyang sa lawa. As if there is an invisible barrier in the middle of the lake. Napatayo si Gadel nang mapansin niya. Kumuha ulit siya ng bato upang kumpirmahin ang kanilang nadiskubre. Parehas silang napatingin sa kawalan, sa hindi nakikitang harang. Gadel expected this much from a great sage. There's an invisible barrier that keeps something hidden, perhaps the great sage coven. "I think we are in the right place," wika ni Gadel. Bakas sa kanyang mukha ang determinasyon para alamin kung ano ang nasa kabila ng barrier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD