Kabanata III

2015 Words
Kasalukuyan silang nakatayo sa tapat ng misteryosong lawa, alam ni Gadel na maaaring ginawa ito ng mahusay na hukluban. Sino pa ba ang may gagawa ng isang hindi nakikitang harang? Tanging may alam lamang sa mahika ang makakagawa nito. Batay din sa mga bata rito nila nakita ang hukluban. Napatingin siya kay Ava na ganoon din ang reaksyon namamangha sa nakikita, unti-unting napawi ang dismayang naramdaman ni Gadel. Isang katanungan ang nabuo sa isipan nilang dalawa. Paano sila makakapunta at makakatawid roon? at paano nila makakausap ang hukluban? "Mas mabuting bumalik na lamang tayo bukas kung kailan sisikat ang araw, malalim na ang gabi at kung pipilitin natin makapunta roon baka mapahamak tayo," nag-aalalang wika ni Ava. Nangangamba sa panganib dahil ang lawang kanilang tinitingnan ngayon ay puno ng na naninirahang mga halimaw. Hindi umimik si Gadel bagkus lumibot ang kanyang paningin naghahanap ng bangka at nang wala siyang makita sa gilid saka siya nagsalita, "Kung nangangamba ka maaari mo na akong iwan dito." He's life depends on it. Kailangan na niyang makausap ang hukluban upang makabalik na siya sa sarili niyang katawan, at parusahan ang mga dapat parusahan kung bakit siya nasa ganitong posisyon. At noong may mapansin si Gadel na may itsurang kahoy na lumulutang sa lawa. Agad siyang tumungtong doon nang hindi hinihintay ang kasagutan ng dalaga. " Alam mo ba ang ginagawa mo?" napasigaw ang dalaga sa ginawa ni Gadel. "Oo. Huwag mo akong pigilan at pakielaman. Kaya kong ibalanse ang sarili ko," mabilis na sagot ni Gadel sa dalaga. Sinusubukan niyang umabante sa mahabang piraso ng kahoy na lumulutang sa lawa. "Hindi iyon ang tinutukoy ko. You're stepping on the lake monster's trap. You walk right into danger, " wika ni Ava kay Gadel. Nang marinig iyon ni Gadel napatingin siya ilalim ng tubig at kung titingnan mabuti mayroon ngang nilalang sa ilalim nito, nakabuka ang malaki nitong bunganga sa ilalim. Ang mukhang kahoy na kanyang tinutungtungan ay isa pa lang bitag. "Does this thing always been here?" tanong ni Gadel nang hindi gumagalaw, dahil mukhang hindi pa alam ng halimaw na mayroon na siyang nabitag. "Bigla na lang silang sumulpot noong nakaraang mga taon. Kaya naman mas minabuting tinabunan ng bato ang paligid nito dahil sa mga halimaw na yan, " pagpapaliwanag ni Ava, hindi siya mapakali dahil hindi rin niya na may katigasan ng ulo si Gadel. Nang marinig ni Gadel iyon may pumasok na ideya sa kanyang isipan. Kung biglaan na lamang itong sumulpot dito, maaaring hindi ito totoo at pawang ilusyon lamang upang takutin ang ibang magtatangka na tumawid sa lawa. Napangisi si Gadel sa sarili niyang konklusyon. Kung talagang ilusyon lang ang halimaw sa lawa siguro isa itong pagsubok na dapat lampasan. Tumingin si Gadel kay Ava. Nagtataka namang napatingin ang dalaga pabalik. Ava wonders why Gadel looks so confident right now, as if he's the really dangerous one. "Anong gagawin mo?" tanong ni Ava. Nag-aalala nitong wika. "Overcoming an obstacle," tanging sagot ni Gadel. Masyadong mababaw lawa para sa mga ganitong uri ng mga halimaw. Kaya naman susubukan ni Gadel pasukin ang bunganga ng halimaw. Sa laki nito kailangan niya lang mag ingat. He doesn't know what else is there inside, but it will be worth a shot, or just what he thought so. Gadel obtained summoning skills while learning magic skills together with swordmanship training. Kung maalala niya pa ang proseso ng pagtawag ng magical spirit, he will be able to breathe under water. He needs to be put under deep pressure to do it. Nababalot ng kadilim ang paligid. Pumikit siya at ipinokus niya ang kanyang enerhiya sa dalawang palad pero hindi pala ganoong kadali iyon. He struggled for air, but fortunately, after more seconds of trying, he managed to emit a magic circle around him. Nang makagawa si Gadel ng bilog na mahika kung saan siya nakaloob bahagyang nagdulot ito ng liwanag kaya naman mayroong na siyang nakikita kahit papaano. Sa pagkakataong ito may nakitang kumislap sa pinakailalim ng lawa kaya naman mas lalong sumisid pa si Gadel upang tingnan ito. Maaninag na sana niya ang bagay na kumikislap nang mayroong pumulupot sa kanyang paa. Gulat napalingon si Gadel sa pinagmumulan nang pumupulot pa sa kanyang paa. It looks like a bunch of vines. Dahil doon nawawala ang konsetrasyon ni Gadel sa kanyang enerhiya, ang mahika niya ay unti-unting nasisira. Sa pagkakataon na ito ginamit na ni Gadel ang kanyang abilidad na magtawag ng espiritung tutulong sa kanya. He summoned a sword which contained the spirit of the first emperor of the empire. Pagkahawak ni Gadel sa espada agad niya itong winasiwas, dahil nasa ilalim siya ng tubig mas mahirap igalaw nag kanyang braso. Nagawa niyang putulin ang tatlong piraso, may natitira pa rin. Unti-unti na siyang nagpadala dahil nahihirapan siyang huminga kaya naman muli niyang ipinukos ang enerhiya upang makahinga. The vines continued to drag him into the deepest part of the lake. Napipikit na si Gadel dahil sa pressure na nararamdaman niya habang pailalim nang pailalim ang kanyang katawan sa lawa.Nang may naramdamang palad si Gadel sa kanyang mukha. Agad niyang naimulat ang kanyang mata ng maramdaman niya iyon, nakita niya si Ava sa kanyang harapan. Nagtataka si Gadel bakit siya sinundan ng dalaga sa kapahamakan, hindi niya magawang tanungin ito dahil hindi na niya maipukos ang enerhiya niya. Laking gulat ni Gadel sa sunod na ginawa ni Ava, inilapat ng dalaga ang kanyang bibig sa bibig ni Gadel upang bigyan ito nang hangin. He's finally able to inhale air again. Mukhang nahatak na sila sa pinaka ilalim ng lawa. Agad nai winasiwas ni Gadel ang espada upang putulin ang iba pang vines na nakapalupot sa kanyang paa. Pagkatapos niyang gawin iyon, binalot ng liwanag ang kapaligiran. Animo parehas silang nilamon ng liwanag. The next thing they know, they are inside a cabin. Sinalubong sila ng isang matandang lalaki na nakangiti. Mukhang inaasahan nito pagdating nila sa kanyang tahanan. "Kamusta ang inihanda ko sa iyong pagsubok? Balak pa sana kitang pahirapan ngunit pinalambot niyo ang puso ko, " wika ng matanda sa kanilang dalawa. Seryosong tumingin pabalik lamang si Gadel sa kanya. Kahina-hinala ang paraan ng pagbati nito sa kanya, tila ba alam niyang pupuntahan siya ni Gadel mismo. "Alam mo kung bakit ako narito hindi ba? At alam mo ring hahanapin kita?" tinanong na agad ni Gadel sa hukluban. Nakakapagtaka marinig na isa pa lang pagsubok na inihanda sa kanya ang halimaw sa lawa, ngunit nakaraang taon pa raw ito sumulpot sa lawa. Misteryoso lamang itong ngumiti kay Gadel. Hindi ito nagustuhan ni Gadel kaya naman nakuwelyuhan niya ang matandang hukluban. "That personality of yours made you into this mess, Gadel." Nakangiting tinanggal ng hukluban ang kamay ni Gadel sa kangang kasuotan. The great sage recognized him right away, even though it stunned Gadel more. Nagtataka namang nanonood si Ava sa isang gilid, hindi niya tinatangkang magtanong kahit naguguluhan siya. Tahimik na naglakad palayo ang matandang hukluban at saka ito nagsalita, "Kung nais mo talaga nang tulong ko, diba mas mabuti kung pipigilan mo muna ang galit mo." Naiyukom ni Gadel ang kanyang palad. He gritted his teeth, refusing to let his rage take over him. Kailangan niya ng tulong nito. "Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ni Gadel. He stared right into the great sage's eyes. "Alam mo ba ang maling ginawa mo?" tanong pabalik ng hukluban. Hindi nagsalita si Gadel, ayaw niyang isipin na mali ang ginawa niyang pagbitay sa saintess. Ang tanging hinala niya lamang ay maaaring pakana ito ni Stirl. Isa siya sa pinaka makikinabang sa sitwasyong na ito. "Mukhang kailangan mo munang tanggapin ang pagkakamali mo," wika ng hukluban nang mapansin niyang nakakunot ang noo ni Gadel. Pinag-iisipan ni Gadel ang kanyang sasabihin, pero bago pa siya makapagsalita inunahan na siya ng matandang hukluban. Alam niya sa sarili niyang may dahilan ang huklaban para tanggihan ang pakay ni Gadel. Who knows, the emperor might get what he wants. "Gaya nga nang aking sinabi, pinalambot ng inyong determinasyon ang puso ko. Ang tanging maibibigay ko ay impormasyon na maaari mong gamitin at ang scroll na ito, " wika ng hukluban habang inaabot nito ang isang scroll. Kinuha agad ni Gadel ang inaabot nitong scroll. Tinitigan niya ito at hinigpitan ang hawak. "Kinakailangan mo ring hanapin ang apat na dragon na iyong pinaslang," karagdagang wika ng hukluban. Mas lalo namang kumunot ang noo ni Gadel sa tinuran ng hukluban. Mali ba ang kanyang pagkakadinig? Kinakailangan niyang maghanap ng patay na? "I killed them all," seryosong wika ni Gadel, diretsyo siyang tumingin sa mata ng hukluban. "You have to find them. Sila ang susi para mabalik ka sa iyong katawan," wika naman pabalik ng hukluban. Hindi nagulat sa sinabi ni Gadel, usap-usapan din kasi ang ginawa niyang pagpatay sa mga apat na makapangyarihang dragon. "Patay na sila. Tila humihina ang iyong pandinig kasabay nang iyong katandaan, " inis na turan ni Gadel, lumapit siya s kinaroroonan ng hukluban. "May limitasyon ang pagiging emperador, Gadel. Kung iniisip mong kaya mong wakasan ang mga immortal na dragon, ika'y lubhang nahihibang," wika ng hukluban, napailing pa ito sa pagkadismaya. "Nakita nang dalawa kong mata kung paano bumagsak ang kanilang mga walang buhay na katawan. Pinatay ko sila gamit ang aking espada," wika ni Gadel, mas dininan niya ang pagbigkas. "They lived a hundred centuries before you were born, Gadel. Inaakala mo bang matatapos mo sila sa ganoong paraan?" natatawang saad ng hukluban. " Ano ang ibig mo sabihin?" tanong ni Gadel, ngtataka sa bawat salitang inihahayag ng matanda. "Kailangan mong hanapin ang apat na dragon na nag katawang tao sa kasalukuyan," saad ng hukluban. Naiyukom ni Gadel ang kanyang kamao nang marinig niya iyon. Sa buong pag-aakala ni Gadel natapos at nawakasan niya ang mga makapangyarihang dragon pero sila pala ay nagkatawang tao lamang. Gadel gritted his teeth. He failed to eliminate the threats, now he's away from the throne. Mas mahihirapan siyang protektahan ang posisyon. "Saan ko sila dapat hanapin?" tanong ni Gadel. Napakalaki ng mundo para maghagilap ng mga dragon sa katawan ng tao. Aabutin siya siguro ng maraming taon bago niya matapos ang paghahanap, nasa katawan pa siya ng pinatapong prinsipe. "Hindi kita matutulungan sa bagay na iyan. Ngunit makakatulong ang ibinigay ko sa 'yo." wika ng hukluban, hindi pa rin ang napaka misteryoso nitong ngiti. Nais pa sana magsalita ni Gadel ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Kung may kinalaman ito sa apat na dragon at sa prophesiya, bakit sa katawan pa ni Stirl siya napunta? Sino ba ang itinakdang sisipa sa kanya sa trono? Was it Stirl all along? The man according to the prophecy? Hindi nakakapagtaka kung si Stirl ang may pakana nito. Si Stirl ay isa ring prinsipe ng imperyo, malaki ang tsansa na suportahan ito ng mga aristokrata. Kung nagbabalak naman siya ng isang rebilyon, bakit kinakailangan nilang magpalit ng katawan? Gadel gulped. Hindi niya magawang magtanong dahil sa hindi pamilyar na takot at pangamba na baka totoo nga ang kanyang iniisip. He might be a fearless emperor, but the thought of being threatened by his half-blooded brother makes him feel betrayed. Sa tingin ko, kinakailangan mo ng bumalik at simulan ang iyong gagawin, " ngumiti ng isa pang beses ag matandang hukluban bago nito iniglap ang kanyang daliri. Gadel and Ava blackout for a minute. Napapikit ang dalawa nang palibutan sila nang dilim, at sa pagmulat ng kanilang mata. Nakita nilang muli ang lawa sa kanilang harapan, at sa pagkakataong ito wala na rin ang halimaw pati na rin ang harang. "That old man!" napasigaw si Gadel sa inis, marami pa siyang katanungan pero naglaho na lang ito kaagad agad. "Ehem." Tikhim ni Ava sa gilid. Pinapaalam niya kay Gadel kasama pa rin siya nito, hindi niya nagawang magtanong kanina ukol sa pinag-uusapan ni Gadel at ng hukluban dahil alam niyang importante bagay ang pinag-uusapan nila. Huminga nang malalim si Gadel bago napagpasiyahang buksan ang scroll na binigay ng hukluban. Bumungad sa kanyang ang apat na simbolo. Nagtatakang nagkatinginan ang dalawa sa kanilang nakita. The four emblems each represent something, and they have to figure that out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD