Ligtas na nakabalik si Gadel kasama si Ava sa sekretong pinagtataguan, inumaga sila dahil nagtangka pang hanapin ni Gadel ang halimaw at ang hindi nakikitang harang sa lawa. Bigla na lang kasi iyon naglaho.
Mahigpit na iniyukom ni Gadel ang kanyang palad, hawak-hawak ang ibinigay ng hukluban.
Malaking palaisipan pa rin kay Gadel kung ano ang maitutulong ng scroll na ito sa kanyang dapat gawin. Lalo pa na ang kanyang gagawin ay hindi ordinaryo, kailangan niyang hanapin ang apat na dragon na nagkatawang tao.
His long train of thoughts was interrupted by someone. Agad siyang tumingala upang alamin kung sino iyon, dahil sa malalim niyang pag-iisip nakalimutan niya na mayroon pala siyang kasama.
Sinalubong si Gadel ng isang ngiti na umaabot sa mata, bakas sa ekspresyon ni Ava ang pag-aalala. Agad namang umupo si Ava nang hindi magsalita si Gadel.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah," wika ni Ava, lumapit siya nang pagkaka-upo sa tabi ni Gadel.
Hindi naman mawari ni Gadel ang hindi pamilyar na emosyon na kanyang nararamdaman. Hindi na rin niya alam kung dahil ba ito ngiti ng dalaga o sa hindi inaasahang pag-aalala nito?
They are basically strangers. Why would she be concerned about him?
"Hm?" Huni ni Gadel. Nais niyang tanungin ito, ngunit siya ay nagdadalawang isip. He never felt to hesitate not until this very moment, he felt suspicious about her.
She haven't questioned him ever since they got back. Hindi tuloy alam ni Gadel kung narinig ba ng dalaga ang lahat nang pinag-usapan nila ng hukluban?
"Alam kong marami kang katanungan," paninimulang wika ni Gadel. Umusog siyang upang magkaroon ng espasyo pagitan sa kanilang dalawa.
Nasanay si Gadel na dumistansya sa lahat, kaya naman tuwing mayroong nagtatangkang lumapit sa kanya, siya mismo ang lumalayo o gumagawa ng harang.
Ilang segundo sila binalot ng katahimikan bago napagpasiyahan magsalita ni Ava, "Hindi ko matatangi ang aking kuryusidad, you're indeed mysterious,"
"I can't help but be intrigued," Pagpapatuloy ni Ava. She's edgy, hinawakan niya ang kanyang kaliwang palad.
"May dahilan ang lahat, at kung malaking sekreto iyon," Dagdag pa niya.
"Hindi ko kailangan itanong, kung iniisip mong ipaalam o hindi sa akin. It's depends solely on you," wika ni Ava at ginawaran ng ngiti si Gadel.
Bahagyang natawa si Gadel at sumilay ang isang ngiti pagkatapos. Ikinakunot naman ito ng noo ni Ava, agad niyang hinarap si Gadel upang mataray na tanungin, "Anong nakakatuwa?"
Sa hindi malamang dahilan ayon ang naging reaksyon niya, inangat ni Gadel ang kanyang kamay para guluhin ang buhok ni Ava. He patted her head lightly, napanguso naman ang dalaga sa ginawa nito.
"Lagi akong nasa sitwasyon kung saan ang bawat kilos ko ay pinagmamasdan," wika ni Gadel habang ibinaba niya ang kanyang kamay.
"Laging nakamasid at naghihintay ng kahinaan," pagpapatuloy ni Gadel.
Kasabay nang kanyang pagsasalita, gumawi sa kanyang isipan ang mga aristokrata at ibang mga rebelde na nais maghanap ng butas para pabagsakin siya. He lived busy overcoming the fear.
Animo'y nakabaon ang isang paa niya sa hukay, pero hindi iyon naging hadlang para sukuan niya ang kanyang trono.
He's ruthless, everyone made him that way. He needs to become someone undefeatable and unbreakable as everyone pressured him to be, dahil ang mga tao ay mas masahol pa sa kahit anong uri ng halimaw. Hindi niya magawang magtiwala kahit pa sa kanyang mga taga-sunod.
The beast lives within ourselves, they're empowered by greed and thirst.
Gadel doesn't know if the assassination attempts were failed due to his luck or it was the deity's will that made him overcome those death doors.
Hindi niya alam kung pinaparusahan siya sa kanyang ginawa. May kasabihan ngang matagal mamatay ang masamang d**o.
Therefore, as the time passedby he's slowly becoming lifeless and the only that keeps him from dying was his mother's last dying wish. Naaala niya pa ang huling paghinga ng kanyang ina na nakayakap sa kanya.
'You must become the emperor' ang huling katagang tinuran ng ina sa kanyang anak.
He became the emperor, and now what? Hindi pa rin niya maintindihan kung para saan. He grew knowing that he must become one.
Tahimik lamang na nakikinig si Ava sa bawat katagang binibitawan ni Gadel. Mataimtim na iniintindi.
That what made him laugh a little, it is a relief that she is willingly trying to be considerate about respecting his space.
"Hindi ko alam kung sino ang dapat kung pagkatiwalaan," wika ni Gadel habang diretsong nakatingin sa mapupungay na mata ni Ava, bakas ang lungkot ni Ava sa kanyang narinig.
'I feel like I coud trust you,' wika ni Gadel sa kanyang isipan.
Sa paraan nang pagsasalita nito, mababatid mong nag-iisa siya na para bang walang katuwang.
"Bakit nakakunot ang iyong kilay?" pagbibirong tanong ni Gadel kay Ava, upang pagaanin ang tensyon. Inilapat nito ang hintuturo upang alisin ang pagkakunot ng kilay ng dalaga.
Napabalikwas naman tayo si Ava nang marinig niya ang masasayang tinig ng mga bata.
Napatingin naman si Gadel kung saan ang lagusan. Masigla silang sinalubong ng mga bata.
"Aba't saan kayo nanggaling?" tanong agad ni Ava na nakapameywang.
"Kami'y pumunta sa plaza kung saan nakita namin ang mensahero pati na rin ang hukluban," wika ng isang bata habang nilalarawan nito ang kanyang nakita. Bungingis naman ang tinuran ng iba habang malaki na nakangiti.
'Inosenteng kaligayahan,' komento ni Gadel sa kanyang isipan nang pinagmasdan niya ang malawak na ngiti nila.
He felt his heart clenched in a split second, he felt jealous. Kibit-balikat na itinabi sa dulo ng kanyang isipan ang nararamdaman nang biglaang napatayo siya sa kanyang narinig dali-dali siyang lumabas at tinakbo ang distansya patungo sa plaza.
"Ang pananamit nito'y kamangha-mangha," umulit sa isipan ni Gadel ang paglalarawan ng bata sa hukluban, narinig niya ito bago siya makalabas ng lagusan.
Nagbigay ideya ito kay Gadel na ang mensahero at hukluban ay magtataglay ng kakaibang pananamit kung ikukumpara sa mga mamamayanan.
May kailangan pa siyang mga sagot sa kanyang katanungan. Hindi sapat ang kanilang pag-uusap para malaman agad ni Gadel ang kanyang dapat gawin.
Hingal na hingal si Gadel nang makarating siya sa plaza, ang kanyang paningin ay dumapo agad sa kanyang hinahanap. The great sage stands out.
"You!" singhal ni Gadel na nakapukaw sa atensyon ng iba.
Napatingin naman sa kanya ang hukluban at sa pagkakataong ito, iba na ang anyo niya. Hindi ito ang nakaharap niya kagabi, ito ay isang makisig na binatilyo. Pasekretong ngumisi ang hukluban siya unti-unti itong tumalikod.
Bago pa iyon, may sinabi pa itong hindi masyadong maintindihan ni Gadel pero sa kalaunan ay naintindihan niya. The word 'run' was mouthed by the younger version of great sage.
Nang mapagtanto ni Gadel ang tinuran nito hindi maiwasan na kumunot ang kanyang noo.
Tinangkang habulin ni Gadel ang hukluban ngunit sa dami ng tao, mukhang impossibleng makalapit siya rito, hanggang sa nawala na lamang sa kanyang paningin ang kinaroroonan ng hukluban.
"Damn it," he hissed.
Dagdag pa na mayroon humarang sa kanya upang kuwestiyunin siya.
"Ano nag kailangan niyo sa akin?" wika ni Gadel, pinipigilan niya ang pag singhal sa mga estranghero nasa kanyang harapan.
"Tanda ko pa kung sino ka! Ikaw iyong kasama noong magnanakaw hindi ba?" wika ng babae nakilala agad ni Gadel, ito iyong tindera na tinakbuhan nila Ava.
Gadel sighed. Mukhang kailangan niyang harapin ang problemang ito. Kung siya pa rin ang emperador, hindi magtatangka ang mga taong ito na kausapin siya. Everyone cower in fear but it's different now, Gadel didn't look intimidating.
Magsasalita na sana siya nang mayroong humatak sa kanyang braso. His eyes slight widened in surprised but soon enough, he recognized the person who pulled him.
It's Ava, dragging him to run for it, like as if his life depends on it.
Tumakbo sila nang tumakbo para matakasan ang mga humahabol sa kanila. "They just don't give up, do they?" wika ni Gadel sa banyagang lenggguwahe.
"Hindi ba sinabi ko namang kilala na ko rito?" wika ni Ava nang hatakin niya sa isang eskenita si Gadel at tinakpan ang labi nito gamit ang palad habang nakatukod ang isang kamay ni Ava sa pader kung saan nakasandal si Gadel.
Nanlaki naman ang mata ni Gadel sa kanilang pwesto ngayon. It seems that a woman was trying to protect him and hide him, which was never happened before. Gadel tried to respond but his voice came out as muffled due to the fact that Ava covered his mouth.
Sinubukan ni Gadel tanggalin ang kamay nito at dahan-dahan siyang itulak ngunit hindi nagpatinag ang dalaga. It surprised Gadel that her strength is much greater than him, o dahil nasa katawan lang siya ng kapatid na sakitin? Stirl always has been frail and sick, that's also the reason why he loss some of the favor of factions, and aristocrats.
It left Gadel in daze, the fact that their bodies was incredibly close.
"Tingnan niyo ang paligid. Hindi pa nakakalayo ang mga iyon," singhal ng isa sa mga humahabol sa kanila.
"Good, they are gone." wika ni Ava habang unti-unti siyang humakbang paatras.
"Yeah, good." Pinagpag ni Gadel ang kanyang damit habang sumasang-ayon siya sa tinuran ni Ava. He sounded disappointed for an unknown reason but his features remains stoic.
"Saan na naman ba tayo napunta?" tanong ni Gadel habang lumilinga ito sa paligid. Tumikhim siya bago talikuran ang dalaga.
Ang nararamdaman niya siguro ngayon ay pagkadismaya dahil sa hindi niya naabutan ang hukluban, mukhang wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi, tahakin ang pagsubok kahit hindi pa malinaw sa kanya kung ano ang maitutulong ng scroll.
Napalingon si Gadel sa isang gusali. It sends a weird vibe, as the same as the lake where the great sage was.
Dali-daling humakbang papalapit si Gadel sa kinaroroonan nito. As he gets nearer, mapapansin ang katagang nakasulat sa isang karatula.
Napukaw naman ang pansin ni Gadel nang masulyapan niya ang salitang "mahika". Napalitan ng kuryusidas ang kanyang ekspresyon.
Pumasok si Gadel nang hindi hinihintay si Ava. He's eager to know what's inside.
Sinalubong siya ng mga kagamitang hindi niya pa nakikita mula pa noon. Bilang emperador, nakatatanggap siya ng iba't-ibang regalo mula sa mga opisyal, and no one presented something extraordinary compared to the things or equipment in front of him right at this moment.
Habang naglilibot-libot siya, hindi niya namalayan na mayroon pala siyang maatrasan. The clack sound of metal resounds,
"That was close," wika ni Gadel habang inaalalayan ang muntikang mahulog ang isang espada. Hindi lamang ito ordinaryong espada, sa bigat at gandang klase,masasabi agad ni Gadel na mahalagang kagamitan ito---kung tutuusin, lahat naman ata.
Pinagmasdan ito ni Gadel nang mapansin niyang ang simbolong pamilyar sa kanya, kaparehas nito ang simbolo nakatala sa scroll na ibinigay s kanya.
Sinandal niya muli ito sa pagkakatayo upang kumpirmahin na tama ang kanyang hinala.
"Ito nga," wika ni Gadel nang makita niyang kaparehas na kaparehas ang simbolo. The symbol in the bastard sword, another term is long sword, has a latin name on the side which indicates 'Ignis'. Isang itong latin word na kung isasalin sa lenggguwaheng tagalog, ang ibig sabihin nito ay "Apoy."
May nakita pa si Gadel na iba pang kagamitan na mayroong simbolo, isang kalasag at baluti, isang palitong pangsalamangka at sa pana't palaso.
Kapansin-pansin na ang mga kagamitan na nagtataglay din ng mga simbolo ay mga armas. Animo'y may pinapahiwatig, nakakunot ang noo ni Gadel habang nag-iisip nang malalim.
"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ni Gadel, he felt like he needs to c***k a code--- a clue.
His eyes roamed to find Ava, at nakita niya itong nasa labas pa rin ng gusali. As if looking for someone, pero bagsak balikat na humakbang ang dalaga palayo.
Humakbang agad si Gadel upang puntahan ito sa kanyang lugar, she's walking away. He can't admit it but he needs to at least have someone to think with him, two heads is way better than one.
"Ava!" tawag ni Gadel sa ngalan ng dalaga.
Pagkalabas niya nang pinto, agad na napabuntong hininga si Ava nang makita niya si Gadel. He just suddenly vanished in thin air. Nag-aalala at napaisip siya kung saang lumalop ito pumunta.
"May nakita akong nagbukas sa aking isipan. Ignis, Aer, Aqua at Terra." wika ni Gadel, unti-unti siyang nabubuhayan ng pag-asa at pinapalakas nito ang kanyang determinasyon.
"Ayon ang sinasabi nang simbolo, ang apat na elemento," dagdag pa niya nang mapagtanto na ang bawat elemento ay ang kakayahan at kapangyarihan ng mga dragon na kanyang pinaslang.
Naalala niya pa nang nakipaglaban siya sa mga dragon. He got burned, drowned, injured and suffocate at each time he encountered the deity's blessed creature, pero sa huli si Gadel pa rin ang nagwagi. Mahirap din sabihin na nagwagi siya kung ang mga dragon ay immortal at nagwangis tao lamang.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na iyan?" takang tanong ni Ava sa kanya, kanina lamang pagkadismaya ang nakalapat sa mukha nito, ngayon parang kumikinang ang mata nito sa bagong diskubreng bagay.
"I was just in there---" wika ni Gadel, ngunit naputol ito nang makitang naglaho ang gusali na may karatulang mahika. Mukhang may kinalaman sa nangyari ang hukluban, who would have that much power except the great sage?
Is that why the great sage mouthed him to run? Did he foresee their encounter? Daming katanungan ang umiikot sa ulo ni Gadel sa segundong iyon.
But one thing is for sure, it vanished along with the clues and its the great sage's doing.