Walang humpay ang ingay na umalingawngaw sa buong arena. Ang lahat ay nananabik sa pagtutunggali ng mga kalahok. Lihim na napailing si Gadel dahil sa pinapakitang ugali ng mga maharlika. Naalala niya pa kung gaano sila karangal tuwing may okasyon na nagaganap sa palasyo. Hindi lubos na maisip ni Gadel na sa likod ng kanilang mga maskara, may tinatago silang demonyo. He felt ashamed, not because of them, because he had been the reason why it became like this. It took a domino effect. Kaya pala walang maharlika ang nagtatangka tumiwalag sa kanya, kahit pa gaano kalupit ang kanyang pamumuno simula pa nang maluklok siya sa trono. "Nasa kalagitnaan ka ng laban pero nagagawa mo pa ring mag-isip ng malalim?" Namamangha turan ni Zri. Parehas silang sugatan. Halos lumipas ang kalahating ora

