Kabanata XI: Gladiator

1969 Words
Dumadagundong ang paligid dahil sa hiyawan na nagmumula sa kabilang bahagi ng isang malaking tarangkahan. " Tumayo ka ng maayos," wika ng isang lalaki sa nakagapos, hinampas niya ito nang tumatanggi itong lumakad. Sinundan lang ng paningin ni Gadel ang nangyari. He sighed heavily. There was nothing he could do for now. Kasalukuyan na naghihintay si Gadel na matapos ang mga nauna sa kanyang kalahok. Hindi rin niya inaasahan na tatagal ang laban na iyon sapagkat halata naman na ordinaryo at mga mahihina ang tinatapat nila sa tinaguriang kampiyon ng gladiator. Kahit saang anggulo hindi patas ang labanan dito. Sino ba naman ang magkukusang sumabak sa Gladiator? Wala ang maglalakas loob pwera na lamang kung desperado ka sa pera o hindi kaya bibigyan ka ng kondisyon katulad nang ginawa nila kay Gadel, kondisyong hindi mo matatanggihan. Pinagmasdan ni Gadel ang paligid, pati na rin ang mga kasama niyang nakatali rin ang mga kamay. They tied them up like some sort of wild animal. Maririnig pa rin hanggang ngayon ang sigawan at hiyawan, umiling naman ang ulo ni Gadel dahil doon. Lubhang naaaliw ang lahat sa pagsasakitan. If he were the old emperor, he'd probably have laughed it off and shrugged it off, pero nag-iba na siya ngayon. Malalim ang iniisip ni Gadel nang mayroong umusog sa kanyang tabi, isang matandang lasingero naman ito ngayon. Namumula pa ang pisngi ng matanda dahil sa pag-inom nito ng alak. Malawak itong ngumingiti sa gawi ni Gadel. Takang napatingin pabalik si Gadel sa lasingerong matanda. Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung bakit nagagawa pa nitong ngumiti kahit na ilang oras na lamang sasabak na rin siya laban na buhay ang kapalit? Ilang minuto na lang din at matatapos na ang laban na nagaganap sa kasalukuyan, at isa sa kanila ang mapipiling kasunod. Alam ni Gadel na hindi niya masasagip ang iba mula sa kanilang mga kapalaran. Ipinikit ni Gadel ang kanyang mata para maipahinga kahit saglit pero isang kalabit lang ng kanyang katabi ay naimulat niyang muli ang mata. Bumungad sa kanya ang matandang lalaki, mukhang may nais itong sabihin." Hindi mo talaga maiisip na mabilis lang ang buhay, mabilis ang panahon," wika ng lasingero, kahit na nakagapos ang dalawa nitong kamay hindi naging hadlang iyon para laklakin niya ang isang bote ng alak. Hindi sumagot si Gadel bagkus muli niyang pinikit ang kanyang mata. Mas mabuting magtabi ng lakas bago mapalaban. "Sa tagal ng panonood ko rito. Alam kong hindi wala sinuman ang nakalabas sa arenang yan ng humihinga pwera na lamang ang kampiyon," wika ng matandang lasingero. Siguradong-sigurado ito sa kanyang sinasabi." If you wanted to at least land a few punches, Step back and think, eh iyon kung kakayanin mo, " mahinang bulong ng matandang lalaki. Nagpantig ang tainga ni Gadel dahil sa sinabi nito, ang lengguwaheng banyaga ay hindi karaniwang alam ng mga ordinaryong mamamayan. Gadel felt a loud thud as he heard it, as if his guts were telling him to listen more. Habang nakapikit ang paningin ni Gadel, nakikinig siyang mabuti pero wala ng kasunod pang sinabi ang matanda. Iniling ni Gadel ang kanyang ulo. Bakit nga ba makikinig siya sa taong lasing? Maaaring katotohanan o walang kabuluhan ang sinasabi ng mga taong wala sa wisyo. Lumipas ang oras. Isa isa na ngang nabawasan ang mga kalahok, tanging silang dalawa na lang natira ng matanda. Pinanood na bumukas ang malaking tarangkahan. Sumalubong sa kanya ang sandamakmak na manonood. Nakasuot na ng maskara halos lahat, hindi nila ninanais ipakita ang mukhang dahil ayaw nila magpakilala. Whoever enjoys gladiators is crazy. Ang hiyawan ay napalitan ng bulong-bulungan nang tumungtong palabas si Gadel, nakilala agad siya ng mga nanonood. Ang lahi ng maharlikang Jasxiel ay hindi mapagkakailang kakaiba dahil nagtataglay ng angking ganda o kakisigan ang lahat sa kanilang pamilya. They are so astonishingly gorgeous that they can't be compared with anyone. Ikaw na ang sunod, sabi ko naman sa 'yo hindi ba't ihanda mo ang iyong sarili," wika ng tagabantay kanina. Mabagal na tumango-tango lamang si Gadel. Totoo naman kasi ang pinapayo nito mali lang siya ng pinagsasabihan, lagi dapat nagsisimula sa sarili. "Matagal-tagal na rin," wika ni Gadel, kahit nakatali ang kanyang kamay sinubukan niyang iunat ang katawan. He smirked. Matagal tagal na ring hindi siya nakapaslang ng mga laspatangang nilalang. Naalala pa ni Gadel kung paano lihim na dinala siya ng tagabantay na ito rito. Ang mga kalahok na sinasalang nila ay nagmumula sa piitan, ginigipit nila ang mga nakulong kahit sa simpleng kasalanan. Malamig ang ekspresyon ni Gadel nang tumingin siya pabalik sa tagapagbantay sa piitan. Ang nakagapos na braso ni Gadel ay pinakawalan na, kasabay nito ang pag-abot sa kanya ng isang armas. Isang luma at kinakalawang na dagger, mukhang ito rin ang gagamitin niya sa pakikipaglaban. Pabalik na sana ang tumatawang tagabantay sa tarangkahan ng hawakan ni Gadel ang leeg nito. Gadel has been dying to do this ever since he witnessed how they mistreated the weak old man and child. "Sa tingin mo saan ka tutungo?" tanong ni Gadel sa tagabantay. Lumingon sa kanya ito, ang buong mukha ay nababalot ng takot. Ang ekspresyon nito ang nagpangisi kay Gadel. He likes to see and apply fear to those people who belittle him. Napasinghap ang nakararami sa sunod niyang ginawa. Sa isang higlap lang, sumirit ang dugo ng tagabantay, ginamit ni Gadel ang kanyang patalim para gilitan ito ng leeg. He'd swear to kill him when the timing was good. Nagpagulong ang mukha ng tagabantay papasok sa tarangkahan ulit nang bitawan ito ni Gadel. "Sino ngayon sa atin ang dapat na naghanda? You let your guard down when you shouldn't have," wika ni Gadel habang tinitigan ang pugot na ulo ng tagabantay. Mas lumakas naman ang hiyawan ng manonood dahil doon. They are going crazy with cheers. Sa halip na magimbal sila, lubha pa silang natuwa. Pasarado na sana ang tarangkahan nang makita ni Gadel ang nangyayari sa loob. Ang matandang lasingero ay tinanggalan ng posas at halatang tumatawa. Tumatawa ito hindi dahil sa kalasingan, the old man's eyes looked happy when he witnessed the killing, as if his face darkened with enjoyment, a psychopath. Ngumiti lang ang matanda sa direksyon ni Gadel bago sumara ng tuluyan ang tarangkahan. Nanlaki naman ang mata ni Gadel ng pumasok sa kanyang isipan ang ideyang baka ang matandang iyon ang nagmamay-ari ng lugar na ito. "Sa tagal ng panonood mo?" Gadel chuckled as he soon realized it. Inulit niya ang katagang binitawan ng matanda. Nakakapagduda rin kasi marunong din iyong matanda ng ibang lengguwahe. "Anong tinatawa tawa mo riyan?" wika ng katunggali ni Gadel. Ang boses nito'y kakaiba, masyadong malalim. Inobserbahan ni Gadel mula ulo hanggang paa ang tinaguriang kampiyon dito. Something's strange about him, ang katangkaran nito ay hindi normal gayundin ang kulay ng mga mata, kulay dilaw. Parang nakita na ni Gadel ito noon. Ang mga nilalang na mayroong dilaw na mata ay tanging mga halimaw lamang. Magkaibang mundo ang ginagalawan ng mga halimaw at ng mga tao pero hindi maiiwasang ang pagbubukas ng mga daan para makatawid sa iba't-ibang dimension. "Isa kang halimaw hindi ba?" tinanong ni Gadel ang halatang bagay. He wanted to at least confirm it. Nagulat naman ang kanyang katunggali. Hindi inaasahan nito isang tiningin mayroong makakilal sa kanya, tanging si Gadel lamang ang nagtanong nito. Walang makapapansin na may lahing halimaw ito base lamang sa itsura puwera na lamang kay Gadel, dahil simula pagka binatilyo lumalaban na si Gadel sa mga digmaan laban sa mga halimaw. May pagkawangis tao rin kasi itong kaharap niya. Gadel concluded that this was a half-blooded monster. Offspring of a human and a monster's affair. Mas lalong inihanda naman ni Gadel ang kanyang sarili nang napagtanto iyon. Mataas siguro ang lebel ng halimaw kung kaya nitong makipagtalik sa tao, let alone have a child, sa makatuwid hindi mahinang halimaw ang magulang nito. Isa pa maaari ring maipamana ang abilidad. Iyon ang eksplenasyon na naiisip ni Gadel kaya malakas at nananatiling kampiyon ito ng gladiator."Zri ! Kumilos ka. Ano pang hinihintay mo?" Malaks na sigaw ng isang naka-maskarang lalaki na nasa gilid ng arena.' Zri pala ang ngalan ng kalahating taong ito,' Tinandaan ni Gadel ang kanyang narinig. "Ama," wika ni Zri, malungkot ang tinig nito. Ang ama siguro ng kalahating tao-halimaw ang nagpursige ipasok siya sa ganitong gawain. Hindi maiwasan mainis ni Gadel nang maisip iyon. Alam ni Gadel na wala siyang alam pagdating sa relasyon ng mga tao, pero alam niyang mali ang ama nito Napaangat nang tingin si Gadel dahil doon. Napukaw ang kanyang atensyon nang makita niya ang pamilyar na postura ni Aer na nasa likod ng lalaking sumisigaw. She came to watch him suffer. Her lips are smiling. Mukhang naaaliw ito sa sitwasyon ni Gadel. Tumalim naman ang tingin ni Gadel. He won't let her have her fun then. Hindi makikita ng dragun na ito ang kanyang pagbagsak. Sa dinami daming nakatapat ni Gadel, ang half-blooded monster na ito ay hindi tatapat sa kung anong kaya niya gawin. Oo nga, buo ang desisyon ni Gadel na humingi ng kapatawaran mula rito ngunit gusto siyang pahirapan nito. Ituturing na lang ni Gadel ito bilang pagsubok. "Magsisimula na." Anunsiyo, kasunod nito umalingawngaw ang tunog ng gong na naghuhudyat. Kanya-kanya naman sila sa pagpili ng kalahok. At dahil kilala si Stirl bilang sakitin mas nakakarami ang pumili kay Zri. "Zri." Pagtawag ni Gadel sa ngalan nito na kinagulat ng kanyang katapat. Ngumisi si Gadel nang makita niya ang gulat na ekspresyon ni Zri. Kailangan niyang kuwentuhan ito para sa gayun kahit kaunting oras, maobserbahan niya ang kahinaan nito. " Paano mo nalaman ang aking pangalan?" tanong ni Zri, dahan-dahan siyang lumakad paikot sa puwesto ni Gadel. "Sinong hindi makakaalam kung ipinagsisigawan ng iyong ama." Nakangising wika ni Gadel. Nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan. Mahinang napatawa si Zri at sinabi, "Nakakatawang isipin na inakala kong isa kang manghuhula," 'That's right, get distracted.' wika ni Gadel sa kanyang isipan." Paano mo naman nalaman na isa akong halimaw?" seryosong tanong ni Zri, mabilis pa sa isang iglap ang pag-iba nito ng ekspresyon. Matapang na amoy ang umaalingasaw mula sa paligid. Parang basura kung ihagis ang mga bangkay sa gilid, nagkalat din ang dugo sa paligid. It smells like bloody hell. "Ganoon ka nila ilarawan sa labas ng arena," wika ni Gadel, patay malisya niyang wika. Ang kanilang usapan ay naputol dahil sa naiinip na ang manonood. Lumingon si Gadel para sana patahimikin ang lahat ng inatake na siya ni Zri. Dahil din doon nalaman na ni Gadel ang kakayahan nito. His ability is super strength. Malakas ito kumpara sa ordinaryong tao, kaya walang sinuman ang nagtagumpay labanan siya. Marahas na tumama naman ang likod ni Gadel sa bakal na harang, pumapalibot iyon sa arena para mapigilan kung sinuman ang magtatangka tumakas sa kalagitnaan ng laban. Dalawang beses na siyang natalo simula noong nagkapalit sila ng katawan ni Stirl. Hindi siya papayag na matalo pang muli. Mahigpit na hinawakan ni Gadel ang dagger na ibinigay sa kanya. Mabilis niyang tinahak ang distansya pagitan sa kanilang dalawa. Nakaangat ang patalim, nadaplisan niya ang pisngi ni Zri. Maliit lamang ang sugat na nagawa ni Gadel. Naalala rin ni Gadel ang sinabi ng matandang lasingero, step back and think. Kung mas lalawakan niya ang kanyang pag-iisip magtatagumpay siya. Habang tumitingin sa paligid, hindi nakaramdam si Gadel ng pangamba bagkus nabuhayan ang kanyang determinasyon gayundin ang kanyang kumpiyansa. Nakita na niya kasi ang kahinaan ni Zri, ang kaliwang mata nito ay hindi nakakakita. It's his weakness. Paano niya nalaman? Madali lang, napansin kasi ni Gadel na hindi gumagalaw ang kaliwang mata nito kumpara sa kanan. Dumako ang tingin ni Gadel kung saan banda niya nakita si Aer. Isang malaking ngiti ang ipinakita ni Gadel at sinabi, "Ito ang magiging paraan nang paghingi ko ng kapatawaran sa 'yo dragun ng hangin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD