Kabanata X: Piitan

2018 Words
Halos walang maaaninag dahil sa kadiliman na bumabalot sa buong lugar, ito pala ang piitan kung saan pinapatapon ni Gadel ang bawat indibidwal na nakagawa ng masama sa kanya o mga nagtatangka gumawa ng organisasyon mapatumba lang siya. Ang nakakabinging katahimikan naman ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ni Gadel. There's a saying that silence is the loudest. Sumandal at umupo pababa si Gadel nang maramdaman na niya ang ngawit. Kanina pa kasi siya nakatayo nagmamasid kahit walang nakikita, nakikiramdam kahit walang ni-isa ang lumilikha ng ingay. Ilang oras na rin ang lumipas noong hinatid siya at walang ingat na binagsak sa sahig ng piitan. Ikinulong siya sa pinakadulong silda, mayroong mga kandadong alam ni Gadel na hindi niya magagawan ng paraan para mabuksan. It looks like Aer took extra measures in locking him up. Dapat bang magpasalamat si Gadel dahil ginamot muna siya ni Aer bago ipadala sa mga kawal? Ang mga sugat na kanyang natamo ay parang naglaho na para bang isang bula. "Para makita ko kung paano kalupit?" Natatawang wika ni Gadel. Wala pa naman nangyayari sa kanyang pananatili rito. Sa bagay, may ideya naman si Gadel kung paano pinapatakbo ng kanyang pinagkatiwalaan ang piitan. Nakatatanggap siya ng mga balita ukol sa mga biglaang pagkamatay ng mga nakukulong. Hindi pinagtuunan ng pansin ni Gadel iyon dahil naniniwala siyang nabibigyan naman ng tamang pagdidisplina ang mga nagkasala. But for some reason, he let things be, because he felt vengeful and the hatred he has kept growing at that time. Hinayaan niya ang lahat, mas pinagtutuunan ni Gadel ng pansin ang mga bagay hindi makakabuti sa kanya. "Maawa kayo," wika ng isang matandang lalaki paos ang boses, kung pagbabasehan ang tinig nito mukhang matagal tagal na rin ng nakainom ito ng tubig dahil sa garalgal nitong boses. "Bata lang siya, hindi pa niya alam ang kanyang ginagawa." Pagsusumamo pa ng matandang lalaki. "Bata? They even imprison a child?" tanong ni Gadel, kunot-noo siyang nakikinig sa usapan. Kumirot ang dibdib ni Gadel ng maalala niya sila Frio, Lry at Zeno. He has a soft spot for kids now. Tahimik na nakikinig lang si Gadel. Hindi siya sumilip upang alamin ang sitwasyon, tama na siguro na naririnig niya lang at hindi nasasaksihan. Alam niya sa kanyang sarili na magdudulot ito ng hindi kaaya-ayang pakiramdam sa kanya. He keeps making excuses to validate his actions, pero kahit pagbuhul-buhilin ang mundo. Alam niyang mali siya, kahit pa may rason. Hindi na sana kikibo si Gadel nang marinig niya ang sigaw ng bata dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi nakatiis si Gadel at saka dumungaw, makikita sa silda katabi ng nasa harapan niya. Kung iisipin ang bata kasama ng matandang lalaki ay maaaring nasa lima hanggang sa pitong taong gulang. Nakabaluktot ito na animo ay tinitiis ang sakit ng kanyang kalamnan. "Parang awa niyo na, kinakailangan niyang magamot." Pagmamakaawa ng matandang lalaki. Napasuntok si Gadel sa bakal nang marinig niya ang sinabi ng kawal pabalik. He felt horrible. "Hindi na niya kailangan non, mamamatay din naman siya," wika ng kawal, parang normal na sa kanila ganito tratuhin ang mga nakulong. The old man and kid looked harmless. Anong kasalanan naman ba ang nagawa nito para itapon at mapabayaan sa piitan. "Dalhin niyo na siya sa pagamutan. Alam ba ng emperador ang ginagawa niyo?" Hindi na nakatiis si Gadel at nagsalita na. Alam niyang wala siyang karapatan para magalit, dahil ang puno't dulo ng kalupitan ay nagmumula sa kanyang pamumuno. He encourage violence and so on, pero kahit ganoon ang bawat aksyon na kanyang ginagawa ay mayroon dahilan at pinag-iisipan. Mukhang iba rin ang balitang natatanggap ni Gadel tungkol sa piitan. It was made to punished those who rebelled against him. "Mayroon pa lang baguhan dito," wika ng tagabantay. Hindi nito pinansin ang katanungan ni Gadel. Tiningnan ng tagabantay mula ulo hanggang paa si Gadel. Tumango-tango ito pagkatapos niyang maobserbahan at nagsalita, "Maganda ang kanyang pangangatawan, mukhang maaliw ang lahat kapag isinabak na siya sa laban," Mas lalong nagtaka si Gadel sa sinasabi nito. Aliw? Isasabak sa laban? His train of thoughts was interrupted. Humigpit ang pagkakahawak ni Gadel sa bakal ng kulungan nang walang awang sipain ng tagabantay ang batang dumadaing. "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" singhal ni Gadel, nanlalaki ang mata niya sa galit. "Ang emperador? Wala siyang pakielam sa kanyang mamamayanan," wika pa ng tagabantay, ang saya ay makikita sa kanyang mga mata. "Huwag mo siya alalahanin, mas alalahanin mo ang sarili mo," wika pa ng tagabantay, hindi matanggal ang ngisi nito sa kanyang mukha. Hindi pinagtuunan ng pansin ni Gadel iyon. The guard was trying to taunt him and Gadel won't let him. "Ano bang naging kasalanan ng batang iyan upang tratuhin siya ng ganito?" tanong ni Gadel. Kahit anong konklusyon ang nabubuo sa kanyang isipan, hindi pa rin niya maisip kung ano ang magagawa ng isang batang paslit para makulong. "Kasalanan? Mm?" Pag-uulit ng tagabantay, hinawakan pa nito ang kanyang baba na animo ay nag-iisip ng malalim. 'Hindi niya manlang alam ang dahilan?' Hindi makapaniwaang tanong ni Gadel sa kanyang isipan. "Pumasok siya sa hardin ng emperador na walang pahintulot. Ang matandang lalaking ito'y matagal na nagsisilbi sa hardin," wika ng tagabantay, hindi pa siya nakuntento sa pagsasalita. Hinawakan niya pa at hinila ang buhok ng matandang lalaki para ipakita kay Gadel. Gadel gritted his teeth. Anong klaseng dahilan iyon? Ang mga karapat-dapat na makulong sa piitan eh iyong mga nagrerebelde, nagtatangka pumatay at iba pa. "Ngunit naglakas loob siyang dalhin ang paslit niyang apo," wika pa ng tagabantay. "Matagal na akong naninilbihan dito. Sisiguraduhin kong hindi na iyon kailan pa mangyayari, kaya naman pakawalan mo na kami." Sa pangalawang pagkakataon nagmakaawa ang matanda para mailigtas ang kanyang pinakamamahal na apo. Tumawa lang ang tagabantay bilang tugon at nagsalita ito, "Gusto ko lang makita kung paano magdudusa ang isang tulad mo, nakakaaliw." Gadel eyebrow twitched at that. Mukhang inaabuso ng tagabantay ang ibinigay sa kanyang awtoridad ng emperador. May personal itong galit sa matanda. "Patahimikin mo iyang apo mo," wika pa ng tagabantay, at hinampas ng hawak na kahoy ang bata. Gadel couldn't take it any longer. Kaya naman gumawa na siya ng aksyon at saka itinaas ang palad. Ipinukos niya ang sarili para magamit ang kanyng enerhiya. He haven't done this trick for ages, ang kadalasan na ginagamit niya ay ang espiritung espada pati ang ilusyon imahe. "Pakawalan mo na sila," wika ni Gadel, nagtitimpi siya ng kanyang galit. "Sinabi ko naman sa 'yo, sarili mo ang halalahanin mo hindi ba?" natatawang wika ng tagabantay, animo iniisip niyang nagpapatawa lang si Gadel. He tried to lift the weapon who was displayed at the dungeon's hall. Ilang segundo bago nagtagumpay si Gadel, naiangat niya ang armas. Kung hindi lang gising ang bata, tatapusin agad ni Gadel ang buhay ng basurang tagabantay na ito. Hahayaan niya munang mabuhay ito, pero tuturuan niya ng leksyon. Kapag may tamang pagkakataon na lang sisiguraduhin ni Gadel na tatarak ang patalim niya sa puso nito. Nang mapansin na ng tagabantay ang lumulutang na armas, napasigaw ito sa gulat at takot dahil papalapit na sa kanya ang patalim. Napahiyaw din ito sa sakit ng dumaplis sa kanyang braso ang armas. Tarantang pumunta naman ang iba nang marinig nila ang ingay na nililikha ng kanilang kasamahan. "Ano ang nangyari?" agad nilang tanong nang makita ang kasamahan sa lapag na dumadaing. Kalmado lamang si Gadel habang ang dalawang nasa kabilang silda ay nangangatog na sa kaba. Gadel have to take responsibility. "Ang lalaking iyon ang may gawa nito," turan ng unang tagabantay sa kanyang kasamahan. Kumpara sa unang tagabantay, ang pangalawang tagabantay naman ay payat na matangkad. Nang tumingin ito kay Gadel, parang nawalan ng kulay ang buong mukha nito. Walang duda nakilala nito agad. "Anong ginawa mo? Hindi mo ba kilala kung sino iyan? Siya ang prinsipeng si Stirl!" mahinang bulong nito sa kasamahan, pinapaalam mali siya kinakalaban. "Hindi siya mukhang maharlika bukod sa gandang lalaki niya, wala ng ibang espesyal sa kanya" bulong naman pabalik ng unang tagabantay. "May mahika rin siya." "Sabi rin ni Aer, hindi siya importanteng tao," dagdag pa nito. Napahawak si Gadel sa kanyang noo, kahit kasi nagbubulungan ang mga ito, rinig na rinig pa rin ang kanilang sinasabi. Halata namang sinadya ni Aer iyon, para maranasan ni Gadel ang kalupitan sa piitan pero parang mas apektado si Gadel nang makita niya ang nangyayari sa mag-lolo. "Naririnig ko ang inyong mga boses!" hiyaw ni Gadel na nagpagulat sa dalawang tagabantay. "Gusto niyo ba makarating ito sa emperador?" Pananakot ni Gadel kahit siya mismo ang emperador, oras lamang na makabalik siya sa katawan. Ito ang una niyang aayusin. Halata namang nanginig ang dalawa na nagpangisi kay Gadel pero nabawi rin iyon nang magsalita ang isa, "Pinatapon siya ng dating empress. Hindi na siya maaaring pang tumungtong dito, sa oras na makita siy ang emperador siguradong mapuputulan siya ng ulo," Mahabang komento nito. Hindi maitanggi ni Gadel na iyon talaga ang una niyang gagawin, kung hindi pa sila nagkapalit ng katawan, hindi magbabago ang gagawin ni Gadel. A lot of things happened, and it made him realized things he haven't thought before. "Pakawalan na ninyo ang dalawang iyan," wika ni Gadel, hinilot niya ang kanyang ulo. "Madali lang naman ang hinihiling mo kung ikaw ang papalit sa kanila," wika ng unang tagabantay. "Anong sinasabi mo? Nagkaroon na ba ng hangin ang iyong isipan?" wika naman ng pangalawang tagapagbantay, may tinatago sila. "Ikaw ang nakapagsabi na hindi na siya ninanais makaharap ng emperador, ano pang kinatatakot mo?" wika ng unang tagapagbantay, kumpiyansa siya sa kanyang sinasabi. "Papalit saan?" tanging katanungan ni Gadel. Sa hindi malamang dahilan mas lumaki ang kanyang kuryusidad. "Malalaman mo rin," misteryosong saad ng tagabantay, nakangisi ito habang hinihintay ang magiging sagot ni Gadel. "Ano pumapayag ka ba?" tanong pa nito pagkatapos lang ng ilang segundo, naiinip ito sa tagal magdesisyon ni Gadel. "Papayag lamang ako kapag ligtas na makaaalis ang matandang lalaki at ang batang iyan," wika ni Gadel, diretso itong nakatingin sa mata ng tagabantay. Buo ang desisyon niya na kahit ano pa ang bagay na iyon, malalagpasan niya. He fears nothing, except the attachment that lingers in his heart. Naalala niya si Ava at ang tatlong bata, nais niya pang makausap ang mga ito sa susunod. There's no way he'd give up. "Totoo pala ang usapan kung gaano kabuti ang prinsipe kumpara sa kanyang kapatid na ubod ng sama," komento ng pangalawang tagabantay. Kumunot lamang ang noo ni Gadel. Wala sigurong maniniwala kung sasabihin niyang siya talaga si Gadel na nasa katawan no Stirl. "Ginoo, maraming ...maraming salamat." wika ng matanda nang buksan na ang kulungan nila. "Hindi namin makakalimutan ang iyong kabutihan," dagdag pa nito kahit na tinutulak na sila palabas ng tagabantay. Hindi na lamang sumagot si Gadel pabalik, nakokonsensya rin siya sa nangyari sa kanila. Wala siyang ginagawa at nagpapakasiya sa trono habang ang mga simpleng mamamayan ay nakakaranas ng kalupitan dahil sa abuso ng iba. He never paid enough attention to it. Hindi nakakapagtaka kung bakit dumadami ang gusto maghasik ng rebelyon, kung bakit may prophesiya na mapapalitan siya. "Ilang oras na lang bago ang itinakda mong laban," wika ng tagabantay at idugtong niya pa habang tumatawa "Handa ka na ba sa iyong pagpanaw?" Lumabas na ito ng hindi hinihintay na magsalita si Gadel. For some reason, pakiramdam ni Gadel kailangan niyang maghanda sa kung ano ang mangyayari. Ano bang laban ang tinutukoy nito? Mukhang mapapasabak siya sa laban na buhay ang nakataya. Malalim na nag-iisip si Gadel nang maalala niya ang isang kilala at usap-usapang laro ng mga aristokrata at maharlika. Naiyukom naman ni Gadel ang kanyang palad dahil doon. Iniisip niya pa lang ang mga walang kamuwang-muwang na ikinulong para lang isabak sa illegal na gawain. Oo, illegal ito ngunit ang mga maharlika ay gumagawa ng paraan para mapagpatuloy lang. Tinatawag nila itong 'Gladiator' o manlalaban sa salitang tagalog. Isa itong labanan na pinagkakatuwaan ng mga mayayaman. Pinapanood nilang magpatayan ang dalawang kampo, at pipili sila ng kung sino ang sa palagay nila ang mananalo. Oras na maging manlalaro ka rito, hindi ka na makakalabas hanggang hindi ka mamamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD