Hindi pa rin makapaniwala si Gadel na ang dragun ng hangin ay nagsisilbi bilang kawal sa palasyo. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula magsilbi o kung ano ang binabalak nito. Hindi tuloy maiwasan isipin ni Gadel na baka naghahangad si Aer na maghiganti sa emperador?
There's a saying that the closer you are to your enemy, the better it is to execute a plan of revenge.
Iniling ni Gadel ang kanyang ulo sabay ibinaba ni Gadel ang kanyang kamay dahil wala siyang balak pakipagtunggali kay Aer. Napagtanto na niya ang dapat niyang gawin at iyon ang humingi ng kapatawaran sa kanila.
"Mukhang kailangan pa naming sanayin ang mga baguhang kawal. They let a rat run around, " wika ni Aer, wala itong emosyon ngunit ang boses nito ay ubod ng lamig.
"Hindi mo ba alam ang mangyayari sa mga taong katulad mo? Sa teritoryo ka pa ng imperyo nagpasaway." Umiling-iling naman si Aer pagkatapos niyang magsalita. Animo parang isang batang paslit ang kanyang kinakausap.
"Nadadagdagan tuloy ang trabaho namin." Pagrereklamo ni Aer. Nakakunot ang noo nito habang naka-krus ang dalawang braso sa kanyang harapan.
"Alam kong nakikilala mo ako," wika ni Gadel. Diretso niyang tiningnan sa mata si Aer, inoobserbahan ang ekspresyon nito.
Kinukumpirma kung alam na agad ni ni Aer ang kanyang katauhan. Kung si Ignis napansin agad, paano naman itong si Aer? Iba't-ibang abilidad at kapangyarihan ang mayroon sila. Mas minabuti ni Gadel ang maging mabusisi.
Misteryosong ngumiti lamang si Aer na nagpakunot sa noo ni Gadel. Bumilis naman ang t***k ng puso ni Gadel dahil sa nararamdamang kaba.
It feels like something is going to happen, even if Gadel meant no harm against Aer."
Stirl Jasxiel," nakangising turan ni Aer.
Gadel flinched at that. Hindi alam ni Gadel kung ano ba talaga dapat ang iniisip ni Aed dahil ang ekspresyon na pinapakita ni Aer ay nakakalito.
What an unpredictable person.
"Ang talunang prinsipe ng imperyo," dagdag na wika pa ni Aer. Hindi ito kumurap habang diretso ang titig sa mata.
Kumunot ang noo ni Gadel sa paglalarawan nito kay Stirl. Even Stirl, his half-blooded brother, was banished. Stirl is still a prince. Something's wrong here.
Huminga muna ng malalim si Gadel bago magsalita, "Tama ka. Ako nga si Stirl at hinihiling kong makausap ang aking kapatid. Walang iba kung hindi ang emperador."
Iniisip ni Gadel na umamin tungkol sa kanyang katauhan pagkatapos niyang makatapat si Stirl, kung sakaling hindi alam ni Aer ang bagay na iyon. Kinakailangan niya munang kumbinsihin si Aer kahit na malamig ang pakikitungo nito.
"Sinisigurado kong tatagal lang ako ng ilang minuto," wika ni Gadel.
Kung magtatagal pa sila sa kanilang kinaroroonan, baka mahanap na sila ng iba pang mga kawal at hindi gugustuhin ni Gadel ang makipaglaban sa marami lalo pa at hindi siya ganoong kalakas tulad noon. Inaasahan niyang pag-iisipan ni Aer bago ito sumagot pero mali siya ng inaakala. Bagkus mukhang hahadlang pa si Aer sa kanyang plano.
"Hindi maaari," wika ni Aer. Ang mga mata nitong mapungay ay biglang tumalim. Her face darkened into an icy, deadly stare.
Pagkatapos sumagot ni Aer, mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Gadel. Walang sabi-sabi nagpaulan siya ng suntok.
Naiharang naman ni Gadel ang dalawa niyang braso kung saan tumama ang mga atake ni Aer. Mahinang napadaing si Gadel dahil sa lakas ng pag-atake nito. 'Damn it, how strong can she be,'
Sinusubukan ni Gadel sabayan ang bawat atake. He can endure at least this much, but the question is how long can he last?
Nang mapansin ni Aer ang hindi masirang pagdepensa ni Gadel. Kinontrol niya ang hangin paikot kay Gadel, na naging sanhi para mahirap si Gadel makita kung nasaan ang kalaban. It blurred his vision.
"Aer! Hindi ko gusto makipagtunggali!" singhal ni Gadel.
"Ginagawa ko lamang ang aking trabaho, prinsipe," malamig na wika ni Aer, at may punto ito.
"Kinakailangan nating panatilihin ang kaayusan at isabatas kung anuman ang pinag-uutos ng may kapangyarihan." karagdagang turan ni Aer
"I-ayon ang lahat sa dapat," seryosong wika ni Aer."
Paano kung sabihin ko sa 'yo inaayon ko lang ang lahat sa dapat. May nais akong bawiin mula sa aking hinahagilap." Determinadong wika ni Gadel pabalik.
Gusto niyang mabalik sa dati, sa kanyang katawan pero hindi dahil ganid siya sa kapangyarihan katulad noon bagkus nais niyang bumawi at maipakita ang kanyang pagbabago.
"Paumanhin, Prinsipe." Malamig ang tingin ni Aer.
Sa halip na hugutin niya ang espada iba ang ginawa ni Aer. Tinaas ni Aer ang kanyang palad para kontrolin ang hangin. Pumaikot ang hampas ng hangin kay Gadel.
Ipinukos naman ni Gadel ang kanyang enerhiya upang gumawa ng proteksyon sa sarili. Habang lumalakas kasi ang hampas ng hangin, may mga iilang bato at iba pang mga bagay tulad ng tuyong dahon ang natatangay ng hangin. A one
small stone was enough to leave a cut on his face. Kahit maliit iyon kung ganoon kabilis kalakas ang paghampas, magdudulot talaga ito ng sugat.
"Kung may masama kang intensyon, prinsipe. Pag-isipan mong mabuti," wika ni Aer.
Gadel gritted his teeth at that assumption. Kung makapagsalita si Aer parang sigurado siyang may masamang binabalak na. Gadel should've anticipated this much, right? Puro kasamaan lang naman talaga pinaira niya eh pero ibang usapan si Stirl.
Stirl was known for his kindness. Kahit pa sakitin ang prinsipe hindi naging hadlang iyon para magsilbi sa mamamayan. Nagpakita ito ng kabutihan na hindi malilimutan ng madla.
Kung naniwala si Aer na si Gadel ay si Stirl. Hindi ba dapat tulungan siya nito para makapaghigante? Pero hindi, sumasalungat pa ito kay Gadel. Hindi tuloy maisip ni Gadel kung kanino pumapanig ang babaeng ito.
Impossible namang sa emperador ito nakapanig lalo pa at ang emperador ang gumangbala sa tahimik na tirahan ng mga dragon.
The magic circle Gadel created with his mana energy made him resist the air dragon's ability.
"You're really trying to test my patience," wika ni Aer sa lengguwaheng inglis.
Pagkatapos magbitaw ng salita ni Aer. Mas lalong pinatindi niya ang kanyang kapangyarihan na halos makalikha na ito ng buhawi. Mas malalaking tipak ng bato naman ang natatangay ng malakas na hangin.
Ang proteksyong na nilikha ni Gadel para iligtas ang sarili ay unti-unting nasisira. Ang lakas nang ihip ng hangin ay hindi kinakaya ni Gadel, kailangan niyang panatilihin ang balanse ng paggamits sa natitira niyang enerhiya.
"I can overthrow the throne!" wika ni Gadel. Wala na siyang ibang maisip na sabihin kung hindi iyon.
"Ako ang lalaki na tinutukoy sa prophesiya, Aer." dagdag pa ni Gadel, baka sakaling mapukaw niya ang pokus ni Aer. Distracting her for an opening, which he successfully did when Aer reacted.
Napatawa naman si Aer sa itinuran ni Gadel. Ayon na yata ang pinakatatawang bagay na narinig niya.
'Alam niya,' wika ni Gadel sa kanyang isipan. Sa reaksyon nito hindi mapagkakaila na kilala siya ni Aer hindi bilang si Stirl kung hindi bilang ang emperador.
Unti-unting umaatras si Gadel nang naituon ni Aer ang kanyang atensyon sa ibang bagay. Gumawa si Gadel ng isang ilusyon upang linlangin si Aer habang binabalak niyang tumakbo papasok sa kagubatan na nakapalibot sa palasyo ngunit hindi pa lumilipas ang isang segundo, nabuko na ni Aer ang plano ni Gadel.
Aer controlled the air and slashed through the image illusion.
'Damn it' he mentally hissed." Hindi gumana ang plano ni Gadel na pagtakas.
Mas lalo lumakas naman ang buhawing ginagawa ni Aer kasabay nito ang pagprotekta ni Gadel sa kanyang sarili. Mayroong mga malaking tipak na bato naman ang tumatama sa kanyang pananggalang mahika.
It is getting stronger, which makes it difficult for him to keep the magic circle up.
"Kung tatagal pa ito, hindi ko kakayanin dahil sa limitadong enerhiya ko," mahinang bulong ni Gadel na siya lamang ang makakarinig. Ramdam niya ang pagsikip ng kanyang kalamnan.
Nagkakaroon ng lamat ang pananggala ni Gadel. Nanlaki ang mata ni Gadel nang tuluyan na ngang mabasag ang tanging proteksyon niya.
There was nothing he could do but pull the dagger. Wala siyang enerhiya para tawagin pa ang espiritung espada.
Sinasalubong ng kanyang patalim ang bawat batong natatangay ng hangin. Halos bumaon ang paa ni Gadel sa kanyang kinatatayuan para mapanatili ang kanyang sarili sa lupa. He gritted his teeth as he tried his hardest not to get swayed.
"Makinig ka sa sinasabi ng iba. Hindi ka na ang emperador pero matigas pa rin ng iyong ulo," wika ni Aer habang iniiling nito ang kanyang ulo sa pagdisaproba.
Nanlaki ang mata ni Gadel sa sinabi ni Aer. Inaasahan na niya iyon ngunit nabigla pa rin siya.
Hindi niya tuloy namalayan ang isang malaking tipak na bato na nadala sa ihip ng hangin. Una may tumama sa balikat at binti ni Gadel, disabling him.
Sunod namang natamaan ng bato ay likod ng ulo ni Gadel. Sa pagkakataon na ito unti-unting nawalan ng balanse si Gadel, agad siya napahawak sa tinamaang parte. Ramdam niya ang likido sa kanyang sugat.
He felt no pain, but he felt himself getting dizzier. Ang talukap ng kanyang mga mata ay unti-unting bumibigat.
Hindi na ramdam ni Gadel ang hagupit ng hangin sa kanyang katawan, parang namahid siya pagkatapos matamaan sa ulo. Hindi na rin siya sigurado kung tumigil na si Aer, basta ang alam ni Gadel parang umiikot ang paligid niya. The scene before him becomes distorted.
It's a vital part. Ito ang parte ng katawan na sensitibo at dapat iniingatan. Marami siguro ang makakapagsabi sa kanyang hindi agad siya mamamatay dahil isa siyang masamang d**o. Does being the villain make you immortal?
Kahit na parang naparalisado ang katawan ni Gadel, nilalabanan niya pa rin ang sakit na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagtayo. Hindi siya nagpapadala sa pagod niyang katawan.
He has to keep fighting the darkness, which is ready to engulf him at any minute now.
Kahit anong laban ni Gadel kusa nang bumigay ang kanyang katawan, humilata siya sa mismong kinatatayuan niya. He heard a loud thud, but he felt nothing.
Tanging pandinig lamang ni Gadel ang gumagana ngayon. Hindi niya maidilat ang mga mata, hindi maigalaw ang kanyang katawan at hindi makapagsalita gamit ang kanyang labi.
Gadel was puzzled as to why Ignis let him go, and if it was for Aer, so she could at least have her revenge on him.
Sayang lang kasi malapit na niyang makaharap ang kapatid pero parang pinaglalaruan ata siya ng tadhana. Getting beaten up by the dragons, bukod sa pinapamukha nilang mahina si Gadel, magulo rin sila at misteryoso.
Kung ang lahat ay may dahilan, pwede bang malaman na agad iyon ni Gadel? Kailangan pa bang subukin siya ng ganito? Kailangan pa ba niyang lagpasan ang mga balakid? Isa ba itong laro sa kanila?
'If it's a game, Damn, I've been playing hard. ' wika ni Gadel sa kanyang isipan. Kung pinaglalaruan lang nila si Gadel, nagtatagumpay sila kasi ngayon pakiramdam ni Gadel ang sakit. Hindi lang sa pisikal, pati sa pag-iisip.
Kahit na nakapikit na ang mata ni Gadel. Rinig pa rin niya ang yabag ng paa ni Aer, mukhang papalapit ito sa kanya.
Hinintay ni Gadel na magsalita si Aer ngunit nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Sa bawat segundong lumilipas mas lalong kinukuwestiyon ni Gadel ang kilos ni Aer, nagtataka kung ano ang pinaplano nito sa kanya at kung ano ang susunod na mangyayari.
Nang biglang maramdaman ni Gadel ang pagbabalik ng kanyang pakiramdam, hindi tulad kaninang namamanhid ang buong katawan niya.
He felt himself getting a little better.
Kung tama ang hula ni Gadel, ginagamitan siya ni Aer ng mahika upang gumaling ang natamo niyang sugat.
"If you die now, it would be a problem later on," mahinang bulong ni Aer pero narinig iyon ni Gadel.
It confuses him even more.
Gusto pa sana magtanong ni Gadel upang makalakap ng impormasyon kung ano ang ibig sabihin ni Aer.
Mas minabuti ni Gadel ang magpanggap ng walang malay nang marinig niya ang mga yabag ng paa, papalapit. Hindi lang isa, marami ang sa tingin ni Gadel ang sumulpot.
Napagtanto ni Gadel na kawal ang mga bagong dating, at ang pinagbatayan niya ay ang pagkalansing ng mga metal ng baluti, pati na rin ang mabibigat na yabag ng mga paa at dahil sa metal na armas.
"Nakaabot siya rito?" malakas na katanungan ng isa nang makita ang nakahigang pisikal na anyo ng prinsipe.
Nasa labas lamang sila ng balkonahe ng emperador.
"Mahihiwalay ang ating mga ulo sa ating katawan dahil sa kapabayaan niyo!" singhal ng isang kawal pagkalapit na pagkalapit.
"Ang mahalaga natagpuan natin siya bago mahuli ang lahat, sana magsilbing aral ito sa lahat at mas maging alerto," seryoso at maawtoridad na wika ni Aer."Anong gagawin natin sa kanya?" tanong
ng isang kawal sa matinis nitong boses.
"Ano pa nga ba..." Base sa boses ni Aer parang naaaliw pa siya sa susunod na mangyayari.
"Ikulong siya sa piitan." Inutos ni Aer na buhatin ang katawan ni Gadel, wala siyang kaide-ideyang nagpapanggap lang si Gadel na walang malay.
Mahina idinugtong ni Aer ang sunod na mga kataga na naging sanhi para kabahan si Gadel, "Para maranasan niya kung gaano kalupit ang sariling niyang imperyo."