Kabanata VIII

2073 Words
Sa muling paglalakbay ni Gadel napadako siya sa isang baryo na alam niyang malapit sa imperyo. Dumating siya roon matapos niyang lakbayin ang kagubatan ng ilang mga araw at gabi. Kahit pa lumaki siya sa palasyo, parang natural na kay Gadel ang pakikipagsapalaran. His life has never been that easy, his life is always at stake, in danger. Gold-spooned kung ituring pero sa likod ng mga maskara, gusto nilang kontrolin at manipulahin si Gadel. Lumingon-lingon siya sa buong lugar. Mukhang may pagdiriwang na nagaganap sa baryong ito. He never permits festivals or anything related to that. Kaya naman may halong emosyon si Gadel habang pinagmamasdan ang mga tao bata man o matanda sumasayaw at umiindak sa tugtugin. Umupo si Gadel sa isang tabi habang nanonood. Hindi niya alam na ganito pala kasaya ang pagdiriwang ng fiesta, hindi niya ito pinahihintulutan noon dahil inaakala niya magsasayang lamang ng oras at salapi. Sa kanyang pagmamasid napansin ni Gadel ang grupo ng mga kawal. May simbolo sa kanilang mga kasuotan at ang simbolo ito ay katunayan na nagsisilbi sila sa imperyo. Hindi sinasadyang marinig ni Gadel ang usapan nila. Kawal sila ng palasyo, sa pagtataka ni Gadel hindi niya maiwasan sundan ang mga ito. Kung may makukuha si Gadel na impormasyon sa pamamagitan ng pakikinig sa usapan ng mga kawal na ito. Hindi magdadalawang isip si Gadel na gawin iyon. "Ngayon lang ulit tayo nagkaroon ng pahinga," wika ng isa sa mga lalaking kawal, hinihimas-himas pa nito ang kanyang balikat. "Dahil iyon sa emperador. Nadagdagan ang ating mga gagawin dahil sa hindi inanunsiyong dahilan," wika pa ng kawal. "Hindi niyo ba alam ang nangyayari sa imperyo?" tanong ng isa pang kawal, sa pagkakataong ito ay isang babae. Maaari ring mag rehistro ang mga kababaihan kung may kakayahan sila sa pakikipaglaban. "Halata namang inililihim iyon ng mga opisyales," wika ng kawal. 'Kung inililihim pa. Ang ibig sabihin ba no'n hindi pa kumikilos si Stirl?' tanong ni Gadel sa kanyang isipan. Malaking palaisipan sa kanya kung ano ba talaga ang pinaplano ng kapatid. Sinundan ni Gadel ang mga ito hanggang sa pumasok sila sa isang tuluyan kung saan ang pangunahing binibenta ay alak. Ingay ng hiyawan ang nakapukaw ng pansin ni Gadel pagkapasok na pagkapasok niya. Humanap ng puwesto si Gadel katabi ng talahanayan ng mga kawal. Pasimple siyang nagkunwari nagbabasa sa nakita niyang dyaryo sa ibabaw ng lamesa. "Kumakalat ang balita na ang emperador ay mayroong malubhang sakit," wika ng kawal. Nagpantig ang tainga ni Gadel sa narinig. Ang emperador may sakit? Sa haba ng pamumuno ni Gadel, hindi kailanman nasagi sa kanyang isipan na magpakita ng kahinaan sa kanyang mga taga sunod. "Hinaan mo ang iyong tinig. Mahahatulan ka sa iyong kadaldalan." Pagsuway naman ng isa niyang kasama. "Wala pang tagapagmana ng trono. Siguradong magkakagulo ang mga maharlika't aristokrata kapag nalaman nila iyon," wika ng naunang kawal kanina. Naiyukom ni Gadel ang kanyang palad. Maaari kasing mag-agawan ang mga ganid, at sekretong nagnanais ng kapangyarihan, lalong lalo na walang prinsipe. Masyadong nalunod si Gadel sa pagiging emperador, nilaan niya ang oras para lutasin ang bawat suliranin ng imperyo. "Kung papabalikin si Prinsipe Stirl. Siguradong malaki ang tsansa sa kanya mapunta ang trono," dagdag pa nito. "Kung ako ang papipiliin, mas ninanais kong si Prinsipe Stirl ang mamuno sa imperyong ito," wika ng kawal. "Sumasang-ayon ako," wika pa ng isang kawal. "Ngunit hindi pinahihintulutan ang pagpasok ng prinsipe sa teritoryo. Wala tayong iba magagawa kung hindi ang pagtabuyan ito," wika ng isa pang kawal. Kung may mga kawal pala na titiwalag para supportahan si Stirl. Bakit hindi na lamang rebellion ang isinagawa ng kapatid? Dahil ba sa impluwensiya ni Gadel kaya walang nagtangka sumalungat? "Kailangan nating gawin iyon kung hinihiling pa nating mabuhay," wika ng kawal. Hindi nakaimik si Gadel sa minumungkahi nila. Hindi tulad noon, iba na ang pananaw at kung paano mag-isip ni Gadel ngayon. Kung dati walang sabi-sabi tatabasan niya ng dila kung sinuman ang mapangahas na magsalita, kahit pa katotohanan sinasabi pero kung negatibo ito tungkol sa emperador. Matinding kaparusahan ang nag-aabang at ihahatol sa kanila. "Naalala ko, kinakailangan kong makabalik sa aming tahanan ng maaga. Kaarawan kasi ng aking anak." Pagpapaalam ng isa sa kawal. Nang mapansin ni Gadel na tumayo ang isa sa mga kawal at iyong pinakamadaldal sa grupo upang magpaalam. Sinundan ito ni Gadel. Tahimik at buong ingat na sinundan ni Gadel ang yabag at patutunguhan nito. Nang makarating na sila sa madilim na eskenita, buong akala ni Gadel hindi alam ng kawal na nakasunod siya. Laking gulat ni Gadel nang lingunin siya ng kawal pero agad ding bumalik ang kanyang malamig na ekspresyon. "Kapansin-pansin ang pagsunod mo, ginoo," wika ng kawal habang ang isang kamay niya ay nasa hawakan na ng espada. Ngayon na kaharap ito ni Gadel, mas makikita ang pisikal nitong itsura. Kayumanggi ang kulay ng balat at may pagkasingkit ang mata. Naalala tuloy ni Gadel ang usap-usapang magiting na kawal na nagngangalang, Teo. Pinupuri ito ng halos lahat ng nasa imperyo. Ang paglalarawan nila ay tugmang tugma sa itsura ng kaharap ni Gadel ngayon. "My bad, masyado kitang minaliit." Pumikit si Gadel habang hinihilot niya ang kanyang sentido. Sa lahat ng pupunteryahin niya iyong isa pa sa magagaling. Hindi niya inaasahan na matalas ang pakiramdam nito. This knight looked clumsy, and that made Gadel think him easy to deal with. Umikot ang tingin ni Gadel sa paligid, mukhang sinadya rin ng kawal dalhin siya sa madilim na eskenita upang hindi makalikha ng ingay at gulo. "Ano ang pakay mo?" diretsong tanong ni Teo. "Nais ko makausap ang emperador at gusto kong hilingin ang iyong tulong," diretso ring sinagot ni Gadel ang tanong. Hindi niya kailangan itago ang pakay niya kung may baraha siyang ilalabas. "Sino ka para maghangad na makaharap ang emperador?" tanong ni Teo, hindi tumaas ang boses nito ngunit pinapakita niya na impossibleng mangyari iyon. Binaba ni Gadel ang talukbong sa kanyang ulo, nakasuot siya ng itim na balabal. Ito ang bahara kanyang gagamitin. "Si Stirl." Pagpapakilala ni Gadel gamit ang katauhan ng kanyang kapatid. Hindi siya nakakasigurado na gagana ito. Batay din sa usapan ng mga kawal kanina, kahit na ninanais nilang kampihan si Stirl hindi maaari dahil magiging kapalit nito ang kanilang buhay. Kaya inaasahan din ni Gadel ang pagtanggi nito pero hindi ibig sabihin non ay susuko siya. Laging may solusyon sa problema lalo na at desperado siya. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't hindi ka pinapahintulutan tumungtong sa imperyo?" Gulat na tanong ng kawal. Hindi niya inaasahan na ang prinsipeng pinag-uusapan nila kanina lamang ay nasa harapan niya ngayon. "May paraan kung nanaisin," wika ni Gadel. Sa pagtatago sa balabal nakalusot siya sa iilang mga kawal. Kung sakali makabalik siya sa tunay niyang katawna sisiguraduhin niya mas titinag ang pagbabantay. Kung siya madali siyang nakapasok sa unang baryo ng imperyo, paano na lamang ang mga ispiya ng mga kalaban na nais sakupin at patumbahin ang imperyong ilang dekada pinotektahan ng lahi ng Jasxiel? "Bakit nais mong makausap ang emperador kahit alam mong sa segundong makita ka niya, dugo mo ang walang tigil na dadanak?" seryosong saad ni Teo. "Sa paraan ng iyong pagsasalita paano ka nakasisigurado kung sino ang unang malalagutan ng hininga," wika ni Gadel. "Nagbabalak ka ba ng isang rebelyon? Binabalak mo bang paslangin ang emperador?" seryosong tanong ni Teo. Is it the fight for the throne? Bakas sa mukha ni Teo ang pagkabahala at takot. Hindi niya nanaisin magkaroon ng kaguluhan ngayon dahil may malaking tsansa na maiipit ang kanyang mga mahal sa buhay. "Huwag mong ituloy kung wala kang plano, prinsipe. Marami ang madadamay sa iyong hangarin," wika ni Teo, mayroon pa rin itong paggalang. Base sa ekspresyon ni Teo mukhang nagdadalawang isip itong maglahad ng palad upang tulungan si Gadel sa kanyang pinaplano. Huminga ng malalim si Gadel bago kinuha ang dagger. Mas mabuting hindi siya magpakita ng mahika upang linlangin ang kalaban. Kung aakalain ni Teo mahina ang pangangatawan ni Stirl katulad ng usap-usapan pa noon, hindi rin ito maglalaan ng lakas. Pretend to be weak just to catch him off guard. "Prinsipe Stirl, nirerespeto ko at hinahangaan ngunit hindi ko po magagawa ang iyong kahilingan." Bahagyang napayuko si Teo kahit labag sa kalooban niyang tanggihan ang prinsipe wala siyang magagawa. "Sa halip nais ko po kayong ihatid pabalik," saad ni Teo. Walang sabi-sabi sumugod si Gadel. Sinugatan niya ang kaliwang braso ni Teo upang hindi nito mahugot ang kanyang armas. Dumaing si Teo sa sakit pero hindi naging hadlang sugat niya sa braso. Iginalaw niya ang braso at kinuha ang espada ngunit huli na ang lahat. Pumunta si Gadel sa likuran nito upang sikuhin ang batok ni Teo, isa iyon sa mabisang paraan para mawalan ng malay ang kalaban. Pinagmasdan ni Gadel ang walang malay na kawal. Kibit balikat na tinanggalan niya ito ng baluti at binulong, "Kung pumayag ka lang sana," Hindi gugustuhin ni Gadel mawalan ng isang mahusay na kawal. He won't verbally admit it but Teo seems a jewel within the empire. Balak lang sana hiramin ni Gadel ang baluti ng kawal. Magpapanggap siya bilang kawal upang makapasok sa palasyo ng walang makakapansin. Nang maisuot na niya ito, iniwan niya sa madilim na eskenita ang kawal. Ilang oras lang siguro iyon mawawalan ng malay. Mas mabuting makapasok na siya sa palasyo bago pa magkaroon ng malay ang kawal. Kung may karwahe lang siya siguradong mas mapapadali ang pagpunta niya sa palasyo, medyo malayo-layo rin ang distansya ng baryo sa palasyo. Mabilis niyang tinahak ang daan. Alam na niya ang pasikot sikot sa lugar na ito dahil noong prinsipe pa lamang siya, madalas siyang tumakas at maglibot-libot sa iba't-ibang lugar lalong lalo na kapag maganda ang tanawin. Hindi siya marunong makipagsalamuha sa mga taong hindi niya pa nakilala, kaya naman iniiwasan niya ang matataong lugar. Tanaw tanaw na ni Gadel ang palasyo. Ang liwanag na nagmumula sa palasyo ay likha ng mahika. Walang pagdadalawang isip tumakbo si Gadel papunta roon, nagtago siya agad nang makarinig siya ng ingay. Tumikhim siya nang maalala niyang nakasuot pala siya ng baluting may simbolo ng imperyo. Ibig sabihin walang magdududa sa kanya kahit magpasalit-salit pa siya sa lugar. "Natagpuan daw nila si Teo sa madilim na eskenita at wala itong malay," wika ng kawal na nagbigay pag-aalala sa iba. "Nawawala rin ang baluti nito. Ang motibo siguro ng umatake kay Teo ay makapasok sa imperyo," karagdagang wika pa ng kasamang kawal. "Kaya mas maging mausisa at alerto," pagpapaalala niya sa iba at sa sarili. Napalunok naman si Gadel. Hindi niya kasi inaasahan na mahahanap agad ng iba si Teo. They're good and fast. Kalkulado na sana niya ang mangyayari pero ngayon mukhang kailangan niyang mag-iba ng plano. "Tsk. It's too soon," komento ni Gadel. Kararating niya pa lamang sa palasyo. Napagpasiyahan ni Gadel na patagong umikot sa palasyo, dumaan siya sa kagubatan na pumapalibot sa palasyo. Nang makarating siya kung nasaan ang balkonahe ng kuwarto ng emperador, binabalak na sana niyang umakyat ngunit mayroong pumigil sa kanya. Napaluhod si Gadel dahil may tumama sa kanyang likuran. Lumingon si Gadel upang tingnan kung sino iyon. Isang babaeng kawal ang nakatayo sa kanyang likuran. Mayroon itong kulay rosas na mahabang buhok, nakatali ang buhok at prente itong nakatayo. Inaabangang niyang tumayo rin si Gadel mula sa pagkakaluhod nito. "Sino ka?" tanong ni Gadel. Madilim sa lugar na kinaroroonan nila kaya naman hindi inaasahan ni Gadel na mahanap siya nino man. Masyado niya talaga minamaliit ang mga kawal ng palasyo. Buong akala niya noon mga pabaya ito sa kanilang gawain, pero ngayon alam niyang mali ang kanyang inaakala. "Sino ka?" Pangalawaang tanong ni Gadel sa babaeng kawal. Hindi mahaba ang pasensiya ni Gadel para tanungin ito sa pangatlong pagkakataon. "You should've known the moment you saw me," tanging sagot ng kawal sa kanya. Napataas naman ang kilay ni Gadel sa itinuran nito. Nabalot ng pagtataka nang mapansin ni Gadel na kuminang ang simbolo na nasa noo ng kawal. Nanlaki ang mata ni Gadel ng makilala niya ang simbolo. Isa ito sa mga nakatala sa scroll na ibinigay sa kanya ng hukluban. Kung tama ang kanyang memorya nakita niya rin ang simbolong ito sa isang espada. "Aer?" tanong ni Gadel. Ang salitang hangin ay Aer sa lengguwaheng latina. Mukhang natagpuan ni Gadel ang pangalawang dragun. Ngumisi ang babaeng kawal pagkatapos magsalita ni Gadel. Namangha siya sa bilis nito mag-isip. Umikot ang katanungan sa isipan ni Gadel ang bagay na iyon, isang kawal ng imperyo ang dragun ng hangin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD