Kabanata VII

2012 Words
Naalimpungatan si Gadel nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha. Nanggagaling ito sa nakabukas na bintana. Naka-ilang pikit muna si Gadel bago niya naimulat ng tuluyan ang kanyang mata. Dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga. Napakunot ang kanyang noo nang malaglag ang piraso ng basang tila, mukhang nalaglag ito mula dahil nakapatong ito sa kanyang noo. Nagtatakang lumibot ang paningin ni Gadel sa kanyang kapaligiran. Kasalukuyan kasi siyang nasa isang malambot na kama at mukhang desente ang kuwartong kinaroroonan niya. "Nasaan ako?" tanong ni Gadel, paos at nanunuyot ang kanyang lalamunan. Ang huling naalala niya ay ang pagtutunggali nila ni Ignis. The memory flashes through his mind in a split second, naging dahilan iyon para mapahawak si Gadel sa kanyang ulo. 'Nasa kagubatan pa kami noon,' wika ni Gadel sa kanyang isipan. Binabalak niya ang tumayo nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad kay Gadel ang gulat na ekspresyon ni Ava. Mukhang hindi rin inaasahan din ng dalaga ang paggising ni Gadel. Naputol ang kanilang titig sa isa't-isa nang sumilip ang mga bata mula sa likod ni Ava. Ang kanilang mata ay unti-unting kumikinang sa galak ng makitang gising na si Gadel. "May malay na siya!" malakas na hiyaw ni Lry, inanunsyo niya ito kahit nakita naman ng iba. Sa reaksyon nila napaisip si Gadel kung ano ba ang naging kalagayan niya nong nawalan siya ng malay? Sympre naalala niya rin kung paano naparalisado ang katawan pagkatapos siyang ihagis ni Ignis. Ang lakas ng isang immortal na pinagkalooban ng ganoong elemento at enerhiya ay malabong matalo sa simpleng paglalaban. Kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ni Gadel dahil natalo niya si Ignis sa una nilang paghaharap pero noong tinanong niya iyon ang tanging sagot na binigay ay, "Ang lahat ng nangyayari ay may rason," Natigil naman sa pag-iisip si Gadel nang marinig niya ang boses ni Ava. "Frio, kumuha ka ng maiinom. Siguradong nanunuyot ang lalamunin niya." Utos ni Ava kay Frio na siya namang sinunod. "Ako na bahala para sa medisina." Pagpresenta ni Zeno, dali dali siyang tumakbo para sumunod kay Frio. "Ako rin may kukunin!" wika ni Lry na mayroong malawak na ngiti, nasasabik siyang ipakitaang nakita niya sa labas. Isa-isang umalis ang mga bata. Naiwan silang dalawa. Muli binalot ng katahimikan ang kuwarto. "Ehem." Tumikhim si Gadel bilang paninimula at saka nagtanong, "Anong nangyari nang nawalan ako ng malay?" Kahit anong pagpiga niya sa kanyang isipan, hindi niya maalala na pumunta sila sa lugar na ito. Masyadong maliit ang pangangatawan ni Ava lalong lalo na ang mga bata para mabuhat siya papunta rito at isa pa, malaking problema rin nila ang salapi. "Noong nawalan ka ng malay. Pinag-utos ni Ignis sa kanyang mga tagasunod na dalhin tayo sa ligtas na lugar," wika ni Ava. "Delikado raw ang manatili sa kagubatan lalo na't wala kang malay at gabi na," pagpapatuloy na wika ni Ava. "It's been two days," saad ni Ava. Nanlaki naman ang mata ni Gadel sa bagay na iyon. Hindi niya naransan iyon, kahit na lumaban siya sa mga gyera ng ilang araw na walang tulog, hindi siya nagtatagal ng paghinga. He's always on alert. Hindi niya alam kung kailangan susulpot ang panganib. "Nag-iwan din sila ng salapi upang ating magamit," saad ni Ava at pinakita ang iilang kagamitan at salapi na iniwan ng grupo nila Ignis. Nakayuko siya habang nakikinig, iniisip kung saan nanggaling ang salaping iyon. "Nagpanggap lamang sila bilang mga tulisan upang itaboy ang mga kriminal na nagtatago sa kagubatan," pagpapaliwanag pa ni Ava dahil napansin niya ang ekspresyon ni Gadel. Tumango-tango naman si Gadel bilang tugon. Mas magulo kung iisipin niyang tulisan talaga ang dragun. They are the treasured creation of deity, kaya naman nakakagulat para sa kanya. "Alam kong marami ka ng katanungan lalo pa't nasaksihan mo iyon," wika ni Gadel, diretso siyang tumingin sa mata ng dalaga. "Oo, hindi naman maiiwasan pero hindi naman ako naghahangad ng kasagustan," sagot ni Ava kay Gadel. "Kung kailan mo balak sabihin. Maghihintay ako," wika ni Ava. Kahit gusto niyang itanong mas minabuti niyang wag na usisain pa. Huminga ng malalim si Gadel bago niya sinimulan ang pagsasalita, "I'm a emperor, Gadel Jasxiel." Sinimulan niya ang pagpapakilala sa kanyang sarili. Walang ingay na nakinig lamang si Ava. Napahawak siya sa kanyang labi sa nalaman. There's a train of thoughts. "Kilala ako ng mga karatig imperyo at ng lahat sa aking kalupitan," wika ni Gadel. Kahit alam niyang maaaring lumayo ang loob ng dalaga. Hindi niya maiwasan ilantad ang katotohanan sa lahat at totoo sa kanyang pagkatao. Gusto lamang niya maging totoo. "Si Stirl naman ay ang aking kapatid, at mukhang nagkapalit kami ng katawan sa hindi malamang dahilan," karagdagang wika ni Gadel. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw kay Gadel ang lahat, nagdadalawang isip pa rin siya kung ninanais ba talaga ni Stirl ang trono. "Balak ko siyang kausapin kaya ako naglalakbay papuntang imperyo," wika ni Gadel. Nais niyang makaharap ito. "Nangyari ito matapos kong parusahan ang isang saintess, pinapatay ko siya sa harap ng madla kasama ng iba pang nasa cathedral," wika ni Gadel, naalala niya iyong araw na nangyari iyon. Parnag hindi sumasang-ayon ang kalangitan sa kanyang binabalak ngunit pinagpatuloy niya pa rin ang pagpatay. "Gadel..." wika ni Ava. Wala pang nakatala sa kasaysayan na lumaban at sumalungat sa cathedral ang isang pinuno bukod tanging si Gadel ang napangahas gumawa nito. "Ang nakaharap nating pinuno ng tulisan ay isa rin sa tinangka kong paslangin. Isa siyang immortal na nilalang," pagpapatuloy ni Gadel. Si Ignis na mayroon marka o peklat sa kanyang mata, kagagawan iyon ni Gadel kaya naman mas lalong naguluhan ng kanynag isip kung bakit madali kay Ignis na palayain at hindi maghiganti? Sanay siya sa ganoong sitwasyon, paghihiganti, kalupitan at iba pa. His words and the warmth, it's new to him. Lumapat ang kamay ni Ava sa likod ni Gadel. Ngumiti ang dalaga upang ipaalam na hindi nagbago ang tingin niya kay Gadel. Bumaba ang tingin ni Gadel, umiiling at napayuko siya sa kahihiyan bago niya hinawakan niya ang kamay ni Ava at sinabi, "Ako ang emperador na nag-utos na magsimula ng gyera at nadawit ang inyong baryo sa paglusob," Nanlaki ang mga mata ni Ava. Maraming emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata, para bang naalala nito ang sinapit noon sa digmaan. Si Gadel naman hindi mawari ang nararamdaman pero isa ang malinaw kumikirot ang kanyang puso nang magpakita ng lungkot si Ava. Wala ulit nagtangkang magsalita. Si Gadel hinihintay ang sasabihin ni Ava habang si Ava naman ay sinusubakan pa ring i-proseso sa kanyang isipan ang inamin ni Gadel. Napalingon silang dalawa ng may tumunog banda sa pintuan. Nanlaki rin ang mata ni Lry sa kanyang narinig, nakanganga ito sa gulat at nabitawan din ang mga bulaklak na kanyang pinitas at inipon na nanggagaling sa labas. Ang pananabik at saya ni Lry ng magising si Gadel ay napalitan ng takot at poot. Walang sabi-sabi tumakbo ito palabas, habang si Zeno naman inilapag muna ang mga medisina kanyang kinuha bago habulin si Lry sa labas. Tahimik lamang na nakatayo si Frio sa pintuan bago lumapit at inabot ang inumin na kanyang kinuha. Nais mang bawiin ni Gadel ang sinabi. Alam niyang wala ng bawian iyon, alam niyang hindi na maaaring kasinungalingan. Masyado na siyang makasalanan upang dagdagan pa. "Kakausapin ko lang sila," wika ni Ava, kita rin ang pagpipigil ng emosyon ni Ava. Tumango si Gadel bilang sagot. Ngayon naramdaman niya ang panunuyot ng kanyang lalamunan. Tumayo naman si Ava at saka lumabas. Nanatili si Frio sa tabi ni Gadel. "Narinig mo rin ang aming pinag-uusapan, hindi ba?" Pagbasag ng katahimikan ni Gadel. Nagtataka siya kung bakit nanatili sa kanyang tabi si Frio matapos malaman ang totoo. Sa una hindi naman talaga balak ilihim ito ni Gadel, wala lang siyang dahilan para ipaalam. He thought they're just the people he met in his journey and they're insignificant to him. Mga taong kakalimutan niya rin pagkatapos makabalik sa tama niyang lugar. "Oo." Tipid na wika ni Frio. "Bakit mo ginawa iyon?" dagdag na tanong pa ni Frio kay Gadel. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan para maintindihan. "Ang lahat ng nangyayari may dahilan, hindi ba?" dagdag pa ni Frio. "Dahil kinuwestiyon nila ang aking pamumuno. Simpleng dahilan." Kibit balikat ni Gadel. Ayaw niya ipakita ang pagsisisi sa kanyang mukha. Namuo naman ang luha sa mata ni Frio. Nahigit ang hininga ni Gadel sa nakita. Kahit pa hinuli ito ng mga tulisan nang mga nakaraang gabi, hindi ito lumuha bagkus sinubukan ng bata itago ang kanyang takot. Tumahimik si Frio, umupo na lamang ito kung saan nakaupo si Ava kanina. "Noong nakipagtunggali ka sa pinuno ng tulisan. Alam kong hindi ka masamang tao," seryosong wika ni Frio. Mas lalong nakaramdam si Gadel ng konsensiya, malaki ang puso ng batang ito at alam ni Gadel na hindi siya karapat-dapat na mapatawad nito. Noong mga oras na iyon hindi alam ni Gadel kung bakit itinaya niya ang kanyang buhay pero ngayon malinaw na, may nararamdaman siyang pag-aalala sa mga batang ito at kay Ava. He's heartless to even want their warmth when he caused them nightmare. Hindi na lang umimik si Gadel dahil alam niyang wala na siyang magagawa kahit na humingi siya ng kapatawaran. Namatay na ang mga mahal nila sa buhay, nagulo ang tahimik nilang pamumuhay. Masyadong makasarili naman si Gadel kung hihingi pa siya ng pangalawang tsansa at mapatawad? Haharapin niya na lang ang galit at poot nila ng walang reklamo. Lumipas ang mga oras bago bumalik si Ava na may dalang pagkain, at mukhang pababa na rin ang araw. Nagulat naman si Ava nang makitang naghahanda na si Gadel para lumisan. Plano na sana nitong lumabas sa pamamagitan ng bintana, nasa pangalawang palapag kasi ang kuwartong tinutulugan ni Gadel. Masyado pang mahina ang pangangatawan nito para maglakbay. "Salamat," tanging wika ni Gadel. Sa pangalawang pagkakataon nasabi niya iyon. Gusto niyang magpasalamat sa pag-aalaga nito sa kanya. The warmth they brought melted Gadel's stone-cold heart. Ang mainit nilang pagsalubong ang ibabaon ni Gadel sa kanyang isipan. "Saan ka pupunta? Pababa na ang araw at magiging delikado ang kagubatan pagsapit ng gabi," saad ni Ava. Impit na napangiti si Gadel sa pag-aalala nito. Kahit pa nalaman ng dalaga ang katotohanan, mukhang nag-aalala para sa taong sumira ng tahimik nilang buhay. "Kailangan kong gawin ang dapat kong gawin, Ava." saad ni Gadel. Parang mas kinukumbinsi niya pa ang sarili kaysa sa kanyang kausap. "Wala ng oras pang natitira," wika ni Gadel. Ang dalawang araw na nawalan siya ng malay, marami na sigurong nangyari sa imperyo. May tatlong dragon pa siyang dapat mahanap at makahingi ng kapatawaran. Ang kanyang unang layunin ay napalitan. "Gadel..." tawag ni Ava, malungkot itong nakatingin sa kanya. "Alam kong binabalak niyo rin na manatili rito. Maganda ang pagiging pamumuhay niyo sa lugar na ito," wika ni Gadel, napansin niya kasing tahimik at mapayapa sa lugar na ito at isa pa malapit sa mga lugar katulad ng pamilihan, plaza at iba pa. "Balak ko pa lamang sabihin sa 'yo eh," saad ni Ava. Ngumiti lang si Gadel bilang tugon bago nagsalita at magpaalam, "Kinakailangan ko ng lumisan," Kahit na mabigat sa pakiramdam ni Gadel. Napalapit ang loob niya sa dalaga at sa mga bata, hindi niya pwedeng aminin na hinihiling niya na makasama ang mga ito sa paglalakbay dahil sa panganib na maaari sasalubong sa kanila. Mas ikabubuti niya na umalis at hayaan silang mamuhay dito. "I bid my farewell," Tumalon mula sa bintana si Gadel. Madali lang iyon sa kanya dahil mababaw lang din, pagkalapat ng kanyang paa sa labas. Napalingon siya sa bahay na iyon at saka napansin ang tatlong batang nakadungaw sa bintana. Ang tatlong iyon ay nakatingin sa kanya, mayroong mga luha sa kanilang mata habang kumakaway bilang pamamaalam. Mukhang rinig pati hanggang sa unang palapag ang usapan nila Ava. Parang may nabunot sa dibdib ni Gadel. Mukhang hindi siya kinamuhian ng mga ito. He felt shame for having a relief out of it. Sinuklian niya ang pagkaway ng mga ito at saka tumakbo papasok sa kagubatan. At doon magsisimula muli ang paglalakbay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD