Malakas na hangin ang humampas sa kanila nang banggitin ng pinuno ng tulisan ang kanyang ngalan.
Agad na nagpantig ang tainga ni Gadel sa narinig niya. Tinitigan niyang mabuti si Ignis. Isang katanungan ang umikot sa isipan ni Gadel kung ito ba talaga ang isa sa mga dragun na kailangan niyang hanapin? Maaari rin kasing kapangalan lamang ito ngunit ang pangalan na iyon ay bihira.
"Umpisahan na ba natin?" Ngisi ni Ignis, inihanda nito ang kanyang espada pati ang sarili.
Pinagmamasdan pa rin siya ni Gadel. His human form is quite different, but one thing for sure stayed. One thing that marked that dragon was his scar in his eye.
Ngayon oras na para siya naman ang ngumisi. He didn't expect that a deity's treasured creation would be a leader of bandits.
"Nagwangis tao ang isang immortal at bilang isang kriminal pa," saad ni Gadel, inilahad niya ang kanyang palad para i-pokus doon ang kanyang natitirang enerhiya.
He's summoning the sword that possessed the first emperor's soul.
Tumawa si Ignis sa itinuran ni Gadel, hindi makapani-paniwalang iniling-iling pa nito ang kanyang ulo at sinabi, "Matalas talaga ang emperador,"
"Nakilala mo agad ako." Dagdag ni Ignis at pumalakpal.
'Mukhang may silbi rin ang binigay sa akin ng hukluban,' wika ni Gadel sa kanyang isipan. Ang scroll ang nagbigay simbolo at ideya sa kanya.
"You still got that scar, it gives everything away," wika ni Gadel sa lenggguwaheng inglis.
Tumayo na si Gadel ng maayos at hinawakan ng mabuti ang kanyang espada. Matalim siyang tumingin sa direksyon ni Ignis.
"Tama ka. Paano mo ba naman makakalimutan kung ikaw ang gumawa," wika ni Ignis, nag-igting ang panga niya kasabay nito ang pagpapalit ng kulay ng kanyang mata.
It's turning into a yellowish color; it's the color of a dragon's eye.
"Ang kulay ng kanyang mata ay nag-iiba!" wika ni Lry na nakasilip habang nagtatago sa likod ni Ava.
Nang marinig iyon ni Ignis, dumako ang kanyang paningin sa kinaroroonan ng bata.
Hindi naman nagustuhan ni Gadel iyon at saka hiniharang ang sarili bilang proteksyon.
Saglit na nanlaki ang mata ni Ignis sa aksyon ni Gadel. He couldn't believe his eyes.
"Marka iyan ng iyong pagkatalo," wika ni Gadel.
He wasn't having fun making everyone else miserable. He has to do it. It's his safety that comes first, kaya naman lahat ng banta ay kinokonsidera niyang lapastangan at hinahatulan ng kaparusahan.
Ang unang umatake ay si Gadel. Inangat niya ang kanyang espada at buong lakas na sumugod sa kinaroroonan ni Ignis. '
Damn,' daing ni Gadel sa kanyang isipan nang walang kahirap-hirap na sinalubong ni Ignis ang kanyang pag-atake.
Sinalo ni Ignis ang patalim sa kanyang kamay. Hinigpitan niya pa ito habang mas sumasama ang tingin niya kay Gadel.
"Inasahan ko ang iyong pagmamakaawa sa pangalawa nating pagkikita. Hindi ka pa rin talaga nagbabago," wika ni Ignis habang humihigpit ang hawak niya sa patalim. Kung aaminin man ni Ignis mayroon ngang nagbago sa emperador, masyado pa iyong maliit na bagay para purihin at pansinin. The emperor has done a lot worse than that. It can't easily be forgiven.
Sinubukan hatakin ni Gadel ang kanyang espada ngunit hindi niya magawa dahil sa lakas ni Ignis.
'He wasn't this strong before, or is it because the body I possessed weak?' takang tanong ni Gadel sa kanyang sarili. Totoo nga na mahina talaga ang pangangatawan ni Stirl simula pa lamang ng bata sila.
Gadel hissed.
Dumadanak ang dugo nagmumula sa palad ni Ignis ngunit kung gaano rin kabilis ang pagsugat ng patalim gayundin ang pag galing.
Nang makalayo na si Gadel, saka naman nagpakawala ng nag-aalab na apoy si Ignis nag-korte itong espada. Ngayon dalawa na ang kanyang hawak.
"Siguraduhin mong makikitil mo na ako sa pagkakataong ito." Ngumisi si Ignis bago tumakbo, winasiwas niya ang espada na siya namang sinalubong ng espada ni Gadel.
"Nagpapatawa ka ata, isa kang immortal," tanging wika ni Gadel. Paano niya ba ito tatapusin kung sa una pa lang hindi ito maaaring mamatay.
"Oh, saan mo narinig ang bagay na iyan? Kala ko'y hindi mo alam kaya mo sinugod ang tirahan ko," komento naman ni Ignis saka niya inangat ang isa pa niyang espada, ang gawa sa elementong apoy.
Dumaplis sa tagiliran ni Gadel iyon na nagsanhi para mapaatras siya ng isang hakba.
"Argh." Dumaing si Gadel sa sakit. Mas masakit ito dahil sa alab ng apoy.
"Kung ganito kalakas noon, bakit hinayaan mong matalo ka," wika ni Gadel nang maramdaman niya ng enerhiya nanggagaling kay Ignis.
He can't help but feel somewhat hesitant about attacking. Alam ni Gadel ang kakayahan niya at kung anong lakas ang natitira.
Hindi lamang sumagot si Ignis sa tanong ni Gadel. Mas lumawak ang kanyang ngisi na nagpakunot ng noo ni Gadel.
Gadel's jaw clenched as he lunged again. Sinubukan niyang ibahin ang stratehiya ng pag-atake, mas binilisan niya ang pagtakbo upang mabigla ang kalaban.
Napangisi si Gadel ng magtagumpay sa kanyang ginawa.
Naapatras at nawalan ng balanse si Ignis ng magpakawala si Gadel ng mahika. Gumamit siya ng ilusyon para linlangin ang kalaban saka niya winasiwas ng buong lakas ang kanyang armas. "
I see, mayroon pa lang pagbabago. Ginagamit mo na rin ang iyong isip. " Hinawakan ni Ignis ang kanyang panga sunod nito ang nasugatan niyang braso.
In the blink of an eye, Ignis's wound disappeared as if Gadel hadn't just attacked him.
"You seemed like a mindless savage before," komento ni Ignis.
"You'll never learn your lesson if you're still reckless," dagdag pa nito.
Hindi na nakapagsalita si Gadel ng wala pang isang segundo nasa harap na niya si Ignis, wala na siyang nagawa kung hindi ang magulat bago siya tumalsik at tumama sa isang puno.
Naramdaman na lamang ni Gadel ang p*******t ng buo niyang katawan, mukhang napuruhan siya.
Unti-unting tumayo si Gadel habang hawak-hawak niya ang kanyang tagiliran, kahit na bumagsak siya hindi niya binitiwan ang espada. Oras kasi na mabitawan niya ito, maglalaho ang espada ng parang bola at kapag nangyari iyon kinakailangan niya ulit mag-ipon ng enerhiya upang tawagin ulit. He summoned the sword with his remaining energy, but the mana wasn't enough to repeat the same process.
"Hindi ka ba susuko? Malay mo sinuwerte ka no'ng napatumba mo ko noon," wika ni Ignis.
Dinura naman ni Gadel ang namuong dugo sa kanyang labi bago magsalita, "Kung swerte man iyon o hindi. Hindi mababago no'n na minsan na rin kitang pinatumba,"
"It can happen again," dagdag pa ni Gadel.
Tumango-tango si Ignis ngunit hindi siya nagsalita. May punto naman kasi ang sinabi ni Gadel. Tinaas ni Ignis ang dalawa niyang kamay at sabay bitaw sa parehas na armas. Nagtataka namang tiningnan siya ni Gadel, iniisip kung nagdedeklara ng pagkatalo pero impossible naman iyon.
"Mukhang hindi na tatagal ang enerhiya mo. What if we take this duel hand to hand? " Mungkahi ni Ignis dahil kagaya ni Gadel may abilidad siya makita ang enerhiya ng kalaban.
"Fine with me," Ngisi ni Gadel at binitawan ang armas, naglaho ito sa isang iglap at sabay nito ang paglaban ng dalawa gamit ang kanilang mga kamao.
Buti na lang nakakaiwas si Gadel sa bawat atake ni Ignis, pero noong nakahanap ng kahinaan sa kalaban si Gadel hindi siya nagsayang ng oras at saka umatake pero ang hindi niya alam na hinihintay lang siya ni Ignis umatake.
Sa isang iglap, lumapat ang likuran ni Gadel sa lupa parng naparalisado ang kanyang buong katawan sa lakas ng pagtama at pagbagsak. Lumalim ang paghinga niya dahil sa sakit na naramdaman.
"I guess, I loss." Pagtanggap ni Gadel sa resulta, napatingin siya sa kalangitan. Ang mga bituin ay kumikinang sa kalangitan.
"My life flashes before my eyes," tuloy-tuloy na wika ni Gadel, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanyang isip.
Siguro dahil ngayon lang siya humantong sa punto na nanganganib ang kanyang buhay, ngunit wala na siyang magagawa. He laid down there reminiscing everything before his life ends.
"Isang araw nakaupo ako sa posisyong ninanais ng iba," pinagpatuloy niyaang kanyang sinasabi.
Naalala niya iyong mga oras na pati mga kadugo niya ay tinatangka siyang paslangin ng patalikod.
Hindi naiiba roon si Stirl, ngayon na nagpalit sila ng katawan.
"Hindi mo talaga aasahan ang biglaang pagbabago ng tadhana," saad ni Gadel.
Kahit na napapalibutan siya ng mga mahikang proteksyon. Mukhang may nakalusot pa rin.
"Tinatanggap ko ang aking pagkatalo," saad ni Gadel.
"Palayain mo sila dahil wala silang kinalaman sa bagay na ito." Bumaling ang kanyang paningin kila Ava.
His eyes was trying to bid farewells.
Unti-unting sinara ni Gadel ang kanyang mga mata, naghihintay na may patalim na tatarak sa kanyang puso at tutuldok sa kanyang buhay.
Ilang minuto ang nakalipas bago imulat ni Gadel ang kanyang paningin at hinanap si Ignis. Prenteng nakaupo sa sanga ng isang mayabong na puno ang dragun na nagwangis tao habang ang mga taga sunod nito'y nakatayo sa ilalim ng punong iyon.
Nilingon ni Gadel upang kausapin si Ignis. May lakas pa naman siya para iangat ang kanyang ulo "Anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ni Gadel.
"Tapos na ang laban. Kaya naman dapat lang na magpahinga ako para mabawi ko ang nasayang kong enerhiya sa laban natin," saad ni Ignis, nakapikit ang mata nito habang diretsong nakaupo.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang buhay ko ang kapalit ng aking pagkatalo," saad ni Gadel.
"Just kill me and get it over with," karagdagang saad ni Gadel.
"Kung ang pagkitil ng buhay ay madali sa 'yo. Ibahin mo kami. We never take someone's life as a trophy as a sign of victory," saad ni Ignis, seryoso niyang tinitigan si Gadel sa pagkakataong ito.
Natahimik naman si Gadel sa sinabi ni Ignis. His hand has been covered been covered with blood ever since he was born. His existence made everyone fell into chaos, madness and bloodbath.
Papatay siya ng nakararami para sa pansariling kaligtasan, hindi siya naging emperador para sa mamamayan. Naluklok siya sa posisyon dahil siya ang unang anak ng yumaong emperador, at dahil iyon ang itinadhana. Naniniwala siyang mas mahalaga ang kanyang buhay kaysa sa iba.
Mas naguluhan ang isip ni Gadel ngayon. He knows what's right and wrong in his own perspective, but everything confused him since he swapped body with Stirl.
No one taught him to forgive.
No one taught him to listen.
'Isa kang emperador, huwag mo hahayaan agawin iyon ng iba,' pamilyar na boses ang umalingawngaw sa isip ni Gadel. It was his deceased mother voice. Her voice echoed through Gadel's mind making him gripped his head tightly. Iyon ang mga katagang paulit-ulit binitawan ng kanyang ina mula pa noong siya ay bata hanggang sa mamatay ito.
Lumapit naman si Ava sa kinaroroonan ni Gadel. Nag-aalala tiningnan ni Ava si Gadel. Nawala ang bumabagabag sa isipan ni Gadel dahil sa presensiya ni Ava. He guess, he fully trusted Ava.
"Bakit ganyan ang ekspresyon mo?" tanong ni Gadel bahagya itong napatawa saka inangat nito ang kanyang kamay upang hawakan ang nakakunot na noo ni Ava.
It helped Ava to ease her frown.
"Nagagawa mo lang tumawa sa lagay na iyan," komento ni Ava at tinulungan si Gadel na i-upo. Sinuportahan nito ang likod ni Gadel.
"Ano ito nag-uusbong na pag-ibig?" tanong ni Ignis, nakababa na ito mula sa pagkakaupo sa sanga ng puno.
"Hindi ko alam ang gusto mo mangyari, Ignis," saad ni Gadel. Hindi niya maisip kung anong mapapala ni Ignis sa pagtapos sa kanya. Akala niya ninanais nitong maghiganti.
"Ang lahat ng nangyayari ay may dahilan, Gadel," misteryosong wika ni Ignis.
"May oras pa, Emperador." karagdagan niyang ani.
'Oras para saan? magsisisi?' saad ni Gadel sa kanyang isipan.
'Tapos na ang oras ko,' dagdag pa ni Gadel.
Hindi ba masyado siyang makasalanan para sa pangalawang pagkakataon. Tama bang humingi siya ng pangalawang tsansa pagkatapos niya kumitil ng mga nagmamakaawang nilalang?
He heard their plea to be saved.
He heard their dreadful screamed.
He heard them crused him as they took their last breathe.
Kahit ganon hindi siya naawa, hindi nagbago ang kanyang isip na pumatay. He was a tyrant and heartless.
Pero bakit ngayon naiisip na niya na masama ang ginawa niya? Mali ang kanyang pamamalakad, dahil ba wala siya sa kanyang trono? Ngayon na wala siyang kapangyarihan at korona, bukod sa kanyang kakayahan.
Bakit ngayon lang? Karapat-dapat ba siyang magpatuloy? o kinakailangan niya munang magdusa at humingi ng patawad.
Iniyukom ni Gadel ang kanyang palad habang ang kanyang puso'y kumikirot sa sakit.
Iyak ng mga bata ang bumasag sa katahimikan. Isa-isa silang tumakbo papalapit kay Gadel.
Si Frio na nagpipigil ng iyak, habang si Lry at Zeno naman ay humahagulgol. Bago sa pakiramdam ni Gadel ay emosyon ng pag-aalala kaya naman hindi niya alam kung paano papatahanin ang tatlong bata.
He tried smiling at them for the first time but he failed. Napalitan ng hagikgikan ang iyakan dahil sa hindi mawaring ngiti ni Gadel.
"Gadel." Pagtawag ni Ignis sa ngalan ni Gadel.
"Ang pagpapatawad ay madali, sana mapatawad mo rin ang iyong sarili gayundin ang ibang tao," seryosong wika ni Ignis.
"Sana may matutunan sa iyong paglalakbay," saad pa ni Ignis, tumalikod ito at kumaway bago tinawag ni Gadel.
"Ignis." Lumingon naman si Ignis nang marinig niya iyon.
Sa pagkakataong ito nagawa na makatayo ni Gadel sa tulong ng suporta ni Ava at ng mga bata. Yumuko siya bilang paggalang sa abot ng kanyang makakaya at saka iwinika ang mga katagang ngayon niya pa lamang masasabi.
"Maraming salamat."