Napapakagat labi ako tuwing naaalala ko ang naging engkwentro namin ng lalaki kanina. Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Max nang naabutan kami nito sa hindi magandang posisyon ng lalaki. Ang lalaki naman ay cool na cool na iniba ang usapan. Dinivert nito ang atensiyon ni Max sa pagturo sa pasyenteng nasa likuran ng sasakyan. Isinakay na ito sa stretcher at mabilisang ipinasok sa ospital. Sumunod na rin kami dahil sinabi ni Max na hintayin ko siya.
Sigurado akong magtatanong sa akin si Max tungkol sa nangyari.
Ngayon nga ay nakaupo ako sa pinakaunahan ng mga 3-seater public chair na itinuro ni Max sa amin. Para iyon sa mga pasyenteng naghihintay na macheckup niya. Gabi na at tapos na ang clinic hours kaya wala na nakaupo roon maliban sa akin at kay Lola Auring. Mula roon ay tanaw ko ang emergency room kung saan pumasok si Max at ang lalaki kanina.
“Iha, mauuna na ako,” napapapikit nang turan ni Lola Auring sa akin.
“Sigurado po kayo? W-wala po kayong kasabay maglakad. Hintayin na lang po natin si Max para macheck-up po kayo.” Napahawak pa ako sa may bandang likuran ng matanda na ika pa niya kanina ay bahagyang sumasakit.
“Kuu, wag na iha! W-wala naman ako pambayad sa check-up na ‘yan. Saka naghihintay na sa akin ang mga apo ko. Hindi natutulog si Enteng ‘pag hindi ako katabi nun,” paliwanag ni Lola Auring. Tinutukoy nito ang pinakabata nitong apo. Hinawakan pa nito ang dalawa kong kamay pagkatapos tumagilid para humarap sa akin. “Awww….”
“La, saglit na lang po.” Napuno nang pag-aalala ang aking mukha nang makita kong dumaing si Lola.
Napangiti nang pilit si Lola nang muling tumingin sa akin. Hindi na rin naitago ang pagsirit marahil ng kirot sa may likuran nito.
“May problema ba, Patring?”
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Max. “Thank God andito ka na, Max! Si Lola kasi.. S-sumasakit daw ang lik…” Napaismid ako dahil nabitin ang sasabihin ko nang makita ko ang papalapit na naman na lalaki.
“Oh, Lenus!” tugon ni Max pagkatapos sundan ang aking tinitingnan. “Come here!”
Napataas pa ang kilay ko habang patuloy na lumalapit sa amin ang lalaking estranghero. Saglit din itong napahinto sa paglalakad nang mapagsino ako.
Binuksan ni Max ang kaniyang clinic at nagpatulong sa lalaki upang dalhin si Lola sa loob ng kwarto.
“Saan po ang masakit, Lola?” malumanay na tanong ni Max kay Lola Auring.
“D-dito…” turo ni Lola sa nasaktang bahagi ng katawan.
“D-dito po?” Hinawakan din ni Max ang likuran ni Lola na ikinaigik ng matanda. “Ano po ba ang nangyari at sumasakit ang inyong likuran?”
Tumingin muna sa akin at sa di ko kilalang lalaki si Lola Auring. “Muntik na kasi kaming masagasaan kanina.”
“Masagasaan?! K-kami? Kayo ni Patring?” Pinaglipat-lipat ni Max ang tingin sa amin ni Lola, halata ang concern sa aming dalawa ni Lola.
Hindi ko napigilang bumaling sa lalaking nakasandal sa may pintuan ng clinic bago ako napatango na may alanganing ngiti. “Nabunggo ko si Lola kasi iniwasan ko ‘yung sasakyan na mabilis.”
Tumahimik ang paligid nang ilang minuto at nang itinaas ko ang aking ulo ay napansin kong nakatitig si Max sa lalaking nasa may pintuan. “Is he the one driving the car?” Inginuso pa ni Max ang lalaki. “Kaya ba naabutan ko kayo kaninang halos magkadikit na dahil siya ang nakaaksidente sa inyo?”
“Hey, man! T-Teka lang.. Are you accusing me of intentionally hurting them?” Napataas nang kaunti ang boses ng lalaki habang itinuturo ang sariling dibdib. “Natural naman na mabilis pagpapatakbo ko dahil may emergency. Hindi ko sila nakita dahil madilim sa lugar. Hindi ko sila nasagasaan, muntikan lang. Magkaiba ‘yun, pre. What about what she did to me? Amoy itlog pa nga rin ako ‘gang ngayon kahit nagpalit na ako ng damit. ‘Yung ginawa niya ang intentional!” sabay duro sa akin.
“T-teka lang mga iho, iha, w-wag na kayong mag-away,” pigil ni Lola Auring. “Ako na ang humihingi ng paumanhin. Uuwi na kami. Pasensiya na sa abala.”
“Pero ‘La, kailangan natin ipacheck-up ang likod niyo,” pigil ko kay Lola Auring at muling humarap kay Max.
Itinuloy ni Max ang pagsusuri kay Lola Auring. Napapalatak na lang ito nang makita ang medyo nangingitim na bahagi sa likuran ni Lola. “Kailangan ma-Xray ni Lola,Patring.”
“W-wala akong pambayad, iho,” malungkot na bumaling sa akin si Lola. “T-tulungan mo akong tumayo, Patring. Mawawala rin ito bukas at baka nabugbog lang kanina. Malayo sa bituka.”
“I insist,” pamimilit ni Max. “Lenus?”
“Oh?” Nakataas pa ang isang kilay nito.
“Aminin man natin o hindi, you are partly to blame. So, pakisamahan na lang sila Patring sa X-Ray room.”
“Bakit ako pa? Tatawag na lang ako ng aide o pwede rin namang ikaw na ang sumama,” maaskad na sagot nito.
Pinigilan ko ang sarili ko na sumagot dahil naiinis na naman ako sa kasupladuhan ng lalaki. “Max, okay lang. Ako na lang ang sasama kay Lola.” Tumayo na ako para kunin sana ang wheelchair na malapit sa kinaroroonan ng lalaki pero pinigilan ako ni Max.
“Lenus, please…”
Humugot nang malalim na hininga ang lalaki. “Fine!”
Inalalayan ng lalaki si Lola Patring at tahimik naman akong sumunod sa kanila patungong 2nd floor. Pinindot ng lalaki ang call button ng xray room at bumungad sa amin ang babaeng technician.
“Lenus,” bati nito sa lalaki na may kasamang nakakahalinang ngiti. “Patient mo?”
“Uhm, sort of. Can you assist them, Sandra?” sabay banayad na hawak sa braso ng babae.
“Syempre naman po, Doc.”
Inalalayan ng babaeng technician si Lola Patring papasok sa Xray room. Naiwan kaming dalawa sa labas. Lumayo ang lalaki nang tumunog ang cellphone nito. Ako naman ay umupo sa gilid habang pasimpleng sinusulyapan ang lalaki. Engross na engross kasi ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya na sa hinala ko ay babae dahil tinawag niya itong “baby.” Pinutol lamang nito ang pakikipagharutan sa telepono nang inilabas na ng babaeng technician si Lola Patring.
“Thanks, Sandra.” Nginitian nito ang technician nang maiabot na nito sa lalaki ang resulta ng xray. Inilagay naman ng doktor ang Xray film sa viewing box na nasa gilid ng xray room. In-on nito ang ilaw at pinag-aralan ang film.
Wala akong nakitang kahit anong reaksyon sa mukha ng lalaki. Pero kahit na gayunman, napangiti na lang ako dahil alam kong okay ang xray ni Lola. Humarap ito muli sa technician at nagpasalamat.
“Oo naman. Kaw pa!”
Nag-usap pa nang ilang minuto ang mga ito kaya hindi ko naiwasang mapairap sa parang lampungan ng dalawa. Halos yakapin na ng babae ang isang braso ni Lenus na hinahayaan naman nito. Napapaisip tuloy ako kung ilang babae ba ang nahulog na sa karisma ng doktor na ito. Wala pa nga atang isang oras ay halos 3 babae na ang nakaringgan ko na sinu sweet talk niya.
Napalunok ako ng laway dahil bigla siyang tumingin sa akin. Nahuli niya ang aking pag-irap na may kasama pang ismid.
Tumikhim ito. “Gotta go, Sandra. See you around.”
Tahimik kaming bumalik sa clinic ni Max. Inabot nito ang film kay Max.
“What’s the result, man?” Max asked.
“Nothing to worry about.” Nagkibit-balikat pa ito.
“Dapat pinaliwanag mo na sa kanila.”
Tinapik ng lalaki ang balikat ni Max. “It’s your job, Max. I guess I need to go first. Kay Megan na lang ako sasabay pauwi.”
“Paalam po, Lola,” ika nito kay Lola Auring bago ito umalis. “Ingat po kayo palagi. Pahinga rin kung minsan.” Kinindatan pa nito si Lola bago tuluyang lumakad palayo.
Ni lingon o saglit na tingin ay walang ibinigay ang lalaki sa akin nang umalis siya. Hindi ko tuloy alam kung galit pa ba siya sa akin sa ginawa kong pagbato ng itlog sa kaniya kanina o sadyang di niya trip ang beauty ko.
Tsk. Tsk…
Naipilig ko ulo ko nang mapagtanto kong napapatagal na ang pag-iisip ko sa lalaking sa tingin ko naman ay palikero.
Pansamantalang naalis sa isip ko na minsan na pala akong napahamak sa kamay ng isang palikero.
“Patrice? Are you listening?”
Ibinalik ko ang tingin ko kay Max na di ko man lang narinig na nagpapaliwanag na pala ng resulta ng xray ni Lola.