“But that means magiging magkapareha sina Lio at Didi. At madalas rin nilang kakailanganing magkita at mag-usap para sa mga kailangan sa kasal nina Great at Brandon. Iyon ang duties ng maid of honor at best man, hindi ba? Iniisip ko lang ang kapatid mo, Greta. Kaya sa tingin ko mas mabuti kung si Milly na lang ang kunin mong maid of honor. Para hindi na maging nakaka-asiwa pa para kina Didi at Lio ang sapilitan silang magkasama ngayong hindi na sila magka-relasyon,” naka-arko ang mga kilay na sabi ng ina ni Didi.
“Who said we’re not together anymore? Of course, we’re still together,” biglang pahayag ni Lio saka nito itinaas ang magkasalikop na mga kamay nila.
Gulat na napasinghap si Didi sa magkahalong gulat at aaminin niya, tuwa. Pero agad rin niyang kinontrol ang sarili nang maisip na malamang sinabi lang iyon ni Lio para wala nang maiprotesta pa ang ina niya sa desisyon nina Ate Greta at Brandon na siya ang gawing maid of honor. Sinabi lang iyon ni Lio para hindi na siya mapahiya pa kung patuloy na igigiit ng ina niyang hindi siya bagay sa posisyon bilang maid of honor ng sariling kapatid. At malamang para suportahan din ang desisyon nina Brandon at Greta para sa kasal ng mga ito.
“Pero ang sabi sa akin ni Didi ay hiwalay na kayo,” puno ng pagdududang sabi ng ina niya habang pinagpapalipat-lipat ang tingin sa mga mukha nila ni Lio.
“Yeah, we broke up but now we’re together again. Kaya walang problema kung kailangan man naming magkasamang tulungan sa wedding preparations sina Brandon at Greta,” kaswal na kaswal ang tono ni Lio. Kunwari pa ay wala sa loob na ipinatong nito sa ibabaw ng mesa ang magkasalikop na mga kamay nila.
“Totoo ba ito, Didi? Nagkabalikan na kayong dalawa? Bakit hindi mo ito nabanggit sa akin?” nag-iinterogang baling sa kanya ng ina niya.
“Hindi ang relasyon nilang dalawa ang pinag-uusapan natin dito, Audra, kundi ang paghahanda sa kasal nina Greta at Brandon,” paalala ni Dr. Felipe sa ina niya.
“Oh, oo nga pala!” sambit ng ina ni Didi.
Pero bago ito bumaling kay Ate Greta ay pinukol muna siya nito ng nagbabantang tingin. Kaya nasisiguro ni Didi na bago siya umalis mamaya ay kokornerin siya ng ina para interogahin na tila ba isa siyang suspek sa isang malagim na krimen. Nais kasi ng ina niya na updated ito sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Iyon lang ang tanging paraan para makatakas siya sa linggo-linggong pakikipagkita sa ina at pamilya nito. Kuntento na ang ina niya na hayaan siyang hindi linggo-linggong nagpapakita rito basta araw-araw naman ay tinatawagan niya ito para sabihin dito kung ano ang nangyayari sa kanya.
“Greta, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Si Didi talaga ang gusto mong maging maid of honor?” tanong ng ina niya sa ate niya.
Bagay na nauunawaan niya. Lalo pa at ang ina niya ang punong dahilan kung bakit hindi siya naging malapit kailanman sa sariling mga kapatid. Ang labis na hindi niya maunawaan ay kung bakit siya nga ang pinili ni Ate Great para maging maid of honor nito. Nilingon niya ang kapatid at bahagya siyang nagulat nang makita ang simpatya sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
“I’m sure, Mom. Si Didi ang gusto kong maging maid of honor,” tugon ni Ate Greta sa ina nila. Pagkuwan ay inilahad ng ate niya ang kamay nito sa direksyon niya, inaanyayahan siyang gagapin iyon. Kusa namang umangat ang libreng kamay niya para hawakan ang kamay ng kapatid. Marahang pinisil ni Ate Greta ang kamay niya.
“Alam ko hindi naging masyadong maayos ang relasyon natin sa isa’t isa, Didi. At aaminin ko na kasalanan ko iyon. Ako ang ate pero for the past years, hindi ako umaktong ate sa iyo. Kaya gusto kong bumawi ngayon. Please, be my maid of honor?” may himig ng paghingi ng paumanhin at pakiusap sa tono ng ate niya.
Maluha-luhang nginitian niya ang kapatid. Parang masuyong haplos sa puso niya ang mga salita nito. Sapat na iyon para mabura ang lahat ng hinanakit sa dibdib niya dahil sa naging pagtrato ng kapatid sa kanya mula pa noong mga bata sila. Tila nahuhulaan naman ni Lio ang nadarama niya dahil inakbayan siya ng binata at masuyong pinisil ang balikat niya. Napapitlag siya sa gulat.
Ngayon lang siya inakbayan ni Lio sa harapan ng ibang tao. Saglit na nadiskaril tuloy ang takbo ng isip niya. Lio has never been an affectionate boyfriend when they were with other people. Hindi kasi ito naniniwala sa public displays of affection maliban sa pagho-holding hands.
Pero kapag sila na lang dalawa ang nasa isang silid ay daig pa ng binata ang sawa kung makalingkis sa kanya. Laging nakayakap ang binata sa kanya mula sa likuran habang nagbi-bake o nagluluto siya sa kusina niya o kaya naman ay sa kusina nito. Lagi rin itong naka-akbay sa kanya kapag nanonood sila ng DVD sa sala o sa kwarto. Laging humahalik sa kanya, madalas sa labi pero minsan kahit saang bahagi ng mukha o katawan niya. Panay ring nakayakap ang mga braso sa baywang niya kahit maglalakad lang sila mula sa sala patungo sa kwarto o kaya sa dining room.
Pero sa harap ng ibang tao, kamay lang niya ang tanging hinahawakan ni Lio. Ginagawa lang ng binata iyon kapag inaalalayan siyang bumaba mula sa kotse o hagdan. At bibihira pang magtagal ng dalawang minuto ang pakikipag-hawak kamay nito sa kanya.
Nang tanungin niya si Lio noon kung bakit ganoon ito, ang sagot nito ay hindi raw kasi ito naniniwala sa public displays of affection. It was not because he was ashamed to show his care and concern for her. Sadyang may tamang lugar lang daw para sa mga ganoong bagay. Inamin din nito na sa tuwing magkakalapit daw kasi sila, hindi nito mapigilan ang likas na reaksyon ng p*********i nito sa kanya. Kaya umiiwas lang itong maakusahang p*****t kapag nakita ng ibang tao ang umbok sa harapan ng pantalon nito sakaling yakapin o hagkan siya ng binata in public. Bagay na pinaniniwalaan niya because he had always been insatiable in bed. He was her first lover but he was all that she needed to learn from. He taught her all she needed to know about her own sexuality.