PROLOGUE
Lio never imagined this day would really come. Again. Because the last time he stood waiting at the altar, it ended up with the bride leaving him for his older brother. Kaya isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya magpapakasal.
But there he is; once again standing in front of an altar waiting for his bride. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na sa loob ng isang maliit na chapel ang altar na kinatatayuan niya. Instead, he was in front of a makeshift altar, an arbor decorated with white, red and orange flowers. And he was facing the wind and waves at his and Didi’s late afternoon beach wedding as he wait for his bride to arrive.
Ramdam niya iyong sinasabi ng ibang kinakabahang tao na parang may mga paru-paro sa tiyan niya. Ramdam din niya na para bang nakadikit siya sa isang malaking pugon na napakainit. Butil-butil ang pawis sa noo niya. Para siyang maiihi pero hindi naman puno ang pantog niya. Para siyang masusuka pero wala namang laman ang tiyan niya maliban sa kapeng may halong whiskey na iniabot sa kanya ng best man niyang si Brandon. Pampalakas ng loob daw iyon. And he should know since just a few months ago, he did the same thing for Brandon.
Nag-aalala siya na baka kapag pinanood nila ni Didi ang video ng kasal nila sometime in the future ay makikita niya ang sarili na parang hindi desidido at gusto nang umatras sa kasalang iyon. Bagay na sa totoo lang ay ilang beses na pumasok nga sa isip niya mula pa noong isang linggo.
Pero alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon. Hindi niya gagawin iyon kay Didi. He may not be sure of a lot of things about their relationship but one thing he was very sure about was that he never wanted to hurt her again. Patong-patong na ang sakit na idinulot niya sa babae. At hindi niya iyon dadagdagan pa. Lalo na ng isang kasalanang kasinlaki at walang kapantay na sakit ang katumbas tulad ng pag-atras sa kasal nila ngayon.
He was a bastard. An insensitive asshole. Kahit siya ay nahihiya sa sarili dahil sa mga pagkukulang niya kay Didi mula pa nang magkamali ang dalaga na pagkatiwalaan at mahalin siya. Pero kahit siya ay hindi maggagawa kay Didi ang ginawa ng ex-fiancee niya sa kanya. No one deserves the horrible humiliation, hurt and anger he felt the day his former bride decided to do a re-enactment of the movie The Runaway Bride. Ang kaibahan lang sa naturang pelikula ng nangyari sa kanya ay sa wedding rehearsal siya tinakbuhan ng dating bride niya at hindi sa mismong araw ng kasal nila.
“Ready to enter the same crazy world I live in, pare?” may pagbibirong tanong ni Brandon sa kanya. Tinapik pa siya ng kaibigan sa balikat. Hindi niya malaman kung masaya ito para sa kanya o nakikisimpatya.
“Yeah, I guess so,” sagot niya. At inihanda ang ngiting alam niyang nanaisin ni Didi na makita sa mukha niya habang naglalakad ang babae palapit sa kanya.