DIDI

843 Words
Naka-set ang alarm clock sa bedside table ni Didi ng five o’ clock ng umaga. Pero thirty minutes bago mag-alas singko ay gising na siya at nasa loob na ng bathroom niya at nagbababad sa bath tub. Nilanghap niya ang halimuyak ng flower scented bath gel niya habang kinukuskos niya ang mga binti gamit ang hawak na loofah. Gusto niya pag-ahon niya ay humahalimuyak sa bango ang buong katawan niya. Iyong tipong isang dipa pa lang ang layo ng isang tao sa kanya ay malalanghap na niyon ang mabangong amoy niya.          Karaniwan namang maaga talaga siyang gumising. Minsan nga ay mas maaga pa sa four-thirty lalo na kung may rush orders na cakes, pies o cupcakes sa bakeshop niya. O kaya kapag may kailangan siyang i-bake at i-design na wedding cake, groom’s cake at wedding favor cookies. Kapag ganoon, alas tres ng umaga ng araw bago ang kasal pa lang ay nagbi-bake na siya kasama ang staff niya. Pero nitong nakalipas na dalawang buwan ay tuwing umaga ng Biyernes lang talaga siya nagbababad muna sa bath tub pagkagising na pagkagising niya sa umaga.          At tulad ng ibang nagdaang Biyernes ng umaga ay excited na naman siya pagdilat pa lang ng mga mata niya. Not because it was the start of the weekend. Kung hindi dahil ngayong araw ang nakatakdang pagpunta muli ng ex-boyfriend niyang si Lio dito sa bahay niya. Darating si Lio para sunduin ang aso nilang si Chinoy. Fridays, Saturdays and Sundays kasi ay dinadala ni Lio sa bahay nito. Minsan naman sa Raymundo and Pahanilag Vet Clinic and Pet shop dinadala ni Lio si Chinoy. Ang naturang vet clinic and pet shop ay pag-aari ni Lio at ng kaibigan nitong si Brandon.          Si Lio ang nag-alaga kay Chinoy habang buong araw siyang nasa Sweet Ices Bakeshop, ang pag-aari niyang bakeshop na nag-i-specialize sa wedding cakes bagamat nagbebenta rin siya ng iba’t ibang klase ng cakes at baked goods.          She knew that this shared custody thing they have going on for Chinoy was really crazy. Sino ba namang nakarinig ng dating magkasintahan na pinagpapasa-pasahan ang alagang aso na para bang anak nila iyon? Pero hindi pwedeng angkinin ni Didi na aso lang niya si Chinoy. Kasi dalawa sila ni Lio na umampon, nag-alaga at nagmahal sa asong natagpuan nila sa labas ng isang fastfood chain na madalas nilang nadaraanan papunta sa pet shop at vet clinic ni Lio. At nang maghiwalay sila ni Lio two months ago, iyon ang isang bagay na hiniling at ipinakiusap ng binata sa kanya. Ang patuloy na makita at makasama si Chinoy. Pumayag naman siya dahil alam niya na napamahal na rin talaga kay Lio ang aso. And somehow, the dog was indeed like their own child. Walang balak si Didi na baguhin ang custody arrangement nila. Dahil bahagi ng rason kung bakit siya pumayag sa hiling ni Lio tungkol kay Chinoy ay para patuloy niyang makita at makausap ang dating nobyo. Kahit pa pawang tungkol kay Chinoy lang ang pinag-uusapan nila sa linggo-linggong pagkikita nila, ayos lang sa kanya. Dahil ang paghihiwalay nila two months ago ay hindi niya kagustuhan kundi kagustuhan ni Lio.          Oh, their parting was amicable. Walang drama. Walang sampalan. Walang third party involved. Parang pang-showbiz couple nga ang sagot nila sa tuwing may nagtatanong kung bakit sila naghiwalay.          “It just didn’t work out.”          “But we’re still good friends.”          “It was a mutual decision.”          Pero para sa mga malalapit na kaibigan ni Didi at ng iba pang taong lubos na nakakakilala sa kanya, alam ng mga iyon na hindi mutual decision ang naging paghihiwalay nila ni Lio. Dahil desisyon lang ni Lio ang maghiwalay sila. Labag sa loob niya ang makipag-break sa ex-boyfriend niya. Pero ano’ng maggagawa niya kung para kay Lio ay hindi na dapat pang magpatuloy ang halos dalawang taon din nilang naging pagsasama?          Hindi na siya mahal ng lalaki. No, mali pala. Hindi pala tamang sabihing hindi na siya mahal ng lalaki dahil hindi naman siya talaga minahal ng lalaki kahit sa simula pa lang ng relayson nila. At twenty-eight, she thought she had finally found the man who was one day going to be her husband. But at thirty, after a blissful two years with him, she realized it was all a dream that turned into a nightmare the night he left her broken. What they had was a relationship based on companionship and lust on his part. Sa panig lang niya mayroong pag-ibig.          At nang matuklasan ni Lio na lumalalim na ang damdamin niya para dito at nagsisimula na siyang makarinig ng imaginary wedding bells, nagdesisyon ang binata na putulin na ang relasyon nila. And he even tried to do it in such a way that made it clear to her that it was his entire fault and not hers, never hers. Kulang na lang ay akuin ni Lio pati pag-asassinate sa lahat ng historical figures sa mundo dahil sa labis na guilt na nadarama nito habang nakikipaghiwalay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD