“Nakita mo kung gaano ako ka lugmok noon ng iwan ako ni Almirah. Tapos sinabi mo nakalimutan ko na lang kasi may iba na siya. Kahit alam mo naman na wala pero pinilit mo na isiksik sa utak ko na mas pinili ni Almirah ang kaibigan ko dahil may pera. Alam mo kung ano pa ang masakit? Nakita mo ang paghihirap niya sa ibang bansa ng pinagbubuntis niya ang anak naming dalawa pero nag kunwari kang walang alam sa lahat. Ilang beses din kitang tinanong noon kung may alam ka ba sa ginawa akong lokohin ni Almirah pero ano sinabi mo?” Galit na sigaw ko habang dinuduro siya sa semento. “ Sebastian pakinggan mo muna ako please." Umiiyak na pakiusap niya. “Pakinggan? Para saan? Para sa bago mong kasinungalingan?" Tiningnan ko siya ng masakit sa mata. Hindi na niya mabibilog ang ulo ko pagkatapos Mal

