Patakbo akong pumasok sa loob ospital at sumigaw na tulungan agad si Diana. “Sebastian anong nangyari?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Ivan. Isa siyang neuro doctor dito sa hospital at ang asawa naman niya ay isa ring OB/GYN at pareho silang nagtatrabaho dito sa ospital. “She's bleeding bro." Sagot ko na agad inilapag si Diana sa hospital bed. “Sebastian ang baby natin." Umiiyak na naman na sigaw ni Diana. " Calm down Diana, walang mangyayari sa baby mo.” Saad ko na at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para lumakas ang loob niya. " Wag mo akong iiwan Sebastian, hindi ko makakaya kapag nawala kayo sa akin ng anak natin.” Saad niya at hinigpitan ang pag hawak sa aking kamay. " Hindi ako aalis Diana dito lang ako, babantay kita okay.” Saad ko at hinalikan siya sa noo. "

