“May kasalanan ka ba sa akin kuya? Bakit ang sweet mo ngayon? May ginawa ka ba kay Sebastian kaya ka nagsasalita ng ganyan?” naluluha na sabi ko dahil sobrang kabog ng dibdib ko. “Sana nga pwede kong bugbugin ang gagong yun, pero hindi ko kaya dahil alam ko na magagalit ka at mahal mo siya, isa pa tatay siya ng pamangkin ko kaya paano ko siya mabugbog.” Natatawa sa sabi niya sa akin. “Sige na princess mauna ka nang pumasok sa loob.” Binitawan niya ang kamay ko at pilit na pinasok sa loob ng taal Vista hotel. Nagtataka man ay dahan dahan na akong pumasok pero habang papasok ako sa loob ay may nadadaanan akong mga petals ng rosas na nakakalat sa sahig ng hotel, mag mga empleyado din ng hotel na lumapit sa akin at nagbibigay ng isang tangkay ng rosas. Napalunok ako habang nakatingin sa pali

