Naging masaya ang naman ang pagdalaw namin sa pamilya ni Sebastian at pagkatapos niya kaming ipakilala sa pamilya ay dinala ma niya kami sa bahay niya dahil doon na daw kami titira. Noong una hindi pumayag Sina mommy dahil hindi pa naman daw kami kasal pero hindi rin pumayag si Sebastian na hindi niya kami makasama kaya wala rin nagawa ang reklamo ni mommy. “Mahal kailan mo plano e-enroll si Sutton sa school?” Tanong sa akin ni Sebastian habang kumakain kami ng almusal. “Maybe next month mahal, bakit?” “Hmm so pwede na iwan muna natin siya kila mama? May business trip kasi ako sa amsterdam, at gusto ko na isama ka para maka-pasyal na rin tayong dalawa.” aniya sabay kindat sa akin. “Hmm, pwede naman pero kailan ba ang alis business trip mo?” Balik tanong ko. Alam ko naman na mapagkak

