“Diana, Anong ginagawa mo dito? Kamusta ka na?”ngumiti ako at lumapit sa kanya para mag beso kahit na sobrang kabog ng dibdib ko. Pero akmang hahalik pa lang ako sa pisngi niya ng sampalin niya ako ng malakas sa mukha. “Ahas ka! Ang kapal ng mukha mo na ngumiti sa akin samantala inahas mo sa akin ang fiance ko.” Saad niya at muli akong sinampal sa kabilang pisngi ko. “Ahh..” muli akong napa daing sa paghawak niya sa buhok ko. “Ahas ka ang kapal kapal ng mukha mo.” Aniya na hinila ang buhok ko palabas ng aking opisina. Gusto ko siyang labanan pero iniisip ko ang bata sa kanyang tiyan. “Sandali Diana nagpapaliwanag ako.” umiiyak na pakiusap ko sa kanya at pilot na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko. “Paliwanag? Para ano? Para utuin ako? Hinding hindi mo ako mauuto Almirah dahil ala

