Nang gabing iyon ay naging maayos ang pakikitungo ni mommy kay Sebastian at kahit si daddy na hindi masyado nakakapagsalita ay ngumiti din kay Sebastian kaya alam ko iyon na ang umpisa ng pagtanggap nila sa amin ni Sebastian. “Tita, gusto niyo ba na ipa therapy natin si Tito para mabilis ang pag galing niya?” Tanong ni Sebastian kay mommy ng kumakain na kami. Saglit na naman na tumingin si mommy kay Sebastian at tumingin sa akin. “Mom, mas maganda kung mapa therapy natin si daddy.” Saad ko na humawak sa kamay niya. Kung kanina lang ay nagkasagutan kaming dalawa ngayon ay malumanay akong nagsasalita sa kanya. Humingi na din ako sorry sa kanya dahil sa mga sinabi ko at ganun din naman siya. “Ah, wag na muna siguro. Sa susunod na lang kapag naka bawi na ang kumpanya.” Sagot ni mommy na sim

