“Seb, pwede ba na sa bahay muna kami matulog ngayon ni Sutton? Wala kasi sila kuya at kailangan din umuwi ni ate sa bahay nila.” Ani ko kay Seb habang nasa daan kaming dalawa. Kunot noo na tumingin naman siya sa akin. “May problema ba sa bahay niyo mahal?” tanong niya at muling tumingin harap ng sasakyan. “Wala naman pero ayaw ko naman na isipin ni kuya na pinababayaan ko si daddy at mommy.” Sagot ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay. “It's okay mahal, kung gusto mo doon na muna tayo, yun ay kung okay lang din sa parents mo na doon ako sa inyo. Ayaw kong malayo pa sa inyo ng anak ko Almirah kaya hindi ko kakayanin na hindi kayo makasama o makita ng kahit isang gabi lang. Isang oras ng lang na hindi tayo mag kita para na akong mababaliw dahil sa sobrang miss k

