Mula ng makalabas ng ospital si mommy at daddy ay minsan na lang din matulog sa bahay si Sebastian at minsan ay sinusundo na lang niya kaminni Sutton para doon matulog sa bahay niya. Ang sabi niya hindi pa niya nasasabi sa pamilya niya ang tungkol sa amin ni Sutton dahil hindi pa maayos ang sa kanila ni Diana. Gusto niya daw na kapag ipinakilala niya kami ay wala ng problema tungkol kay Diana dahil ang alam ng pamilya niya ay si Diana ang fiance niya at ama ng dinadala nito lalo pa at alam din ng mga magulang ni Diana ang nangyari at tungkol sa pinagbubuntis nito. Naiintindihan ko naman si Sebastian at alam ko na ayaw niya malagay sa kahihiyan ang pangalan nila ni Diana lalo na at mga kilala sila sa larangan ng business. Lalo na si Sebastian na hindi lang sa business kilala kung hindi pati

