Malalakas na busina ang nakapag-pabalik sa aking wisyo. Halos mabingi ako sa sunod-sunod na narinig. "Put*ng ina! Kung magpapakamatay ka huwag kang mandamay!" Sigaw ng matandang lalaki habang nakadungaw sa minamanehong jeep. Galit na galit ito habang nakaduro ang kamay sa akin. Sa kaba at takot na naramdaman ay hindi ko na napigilan ang paghikbi. Mabilis akong tumakbo, hindi ko na narinig ang iba pang sumisigaw sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakakatawid ay pinaharurot na nila ang kanya-kanyang sasakyan. Nakayuko ako habang ang isang kamay ay nakatakip sa aking bibig para pigilan ang malakas na paghikbi. Kahit nanginginig ang mga binti ay sinikap kong maglakad. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Napa-angat ang ulo ko ng may naramdaman na humawak sa aking kamay at mabilis akong hinila

