Alas-sais na ng gabi nang nagising ako. Kinusot ko ang namumungay na mata saka kinapa ang gilid ng kama. Napahinga ako ng malalim. Umuwi na kaya sya? Tumungo agad ako sa banyo para makaligo na. Kanina kasi ay hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Pagkababa ko ay una kong nakita si papa na seryosong nakatitig sa akin habang nakaupo sa lamesa. "You owe me an explanation young lady." Matigas na pagkakasabi nya kaya kinabahan ako. Inilihis ni papa ang mata sa akin saka ibinalik sa hawak na cellphone. Inilibot ko ang mata sa sala at ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makita si Vincent habang may hawak na mga plato galing sa kusina. Agad na nagtama ang mga mata namin. Nagawa pang kumindat sa akin habang ako ay naka-awang ang labi. Sunod kong nakita ay si kuya, may hawak na ulam pati

