"Good morning, Coligne." Masiglang bati ni Vincent at nagawa pang kumindat sa akin.
Hindi maitago ang pagkislap ng mga mata nya habang nakatingin sa akin.
Hindi ito ang unang beses na tinitigan nya ako ng may paghanga at ngiti sa labi. Sa pagkaka-alam ko ay ginagawa nya iyon sa lahat ng matipuhan nyang babae.
Saglit ko lang syang nilapatan ng tingin at agad din na nilagpasan.
Napahinto ako sa paglalakad ng may sumagi sa aking isipan. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago umikot para harapin syang muli.
Alam kong sanay na sya sa pakikitungo ko at hindi naman ito nagsasawang kausapin at pansinin ako sa kabila ng pag-iignora ko sa kanya.
Iniiwasan ko ang mapalapit sa kanya. Dahil ayokong dumating ang araw na isa na rin ako sa mga babaeng paglalaruan lang nya.
Yes, I admit that I had a crush on him but that was a long time ago.
Iba na ngayon, maraming nagbago at nawala kasama na roon ang sikreto kong paghanga sa kanya.
Hindi na ako nagulat ng paglingon ko ay nakatitig parin ito sa akin at nakangisi. Mukhang sya pa ang nagulat sa ginawa kong pagbalik-tingin sa kanya.
Sino nga ba ang hindi mahuhulog sa lalaking may mapupulang labi na daig pa ang babae. May kulay abong mga mata na tumitingkad sa tuwing tumatawa sya. Halos mapairap ako sa sarili dahil hindi ko mapigilan ang purihin ito.
"Morning, Vincent." Mahina kong tugon habang diretso ang titig sa mga mata nya.
Bahagyang umawang ang labi nya na parang hindi makapaniwala sa narinig. Mabilis na kumunot ang noo nya at nagtataka akong tinitigan na para bang isa lamang akong ilusyon.
Agad akong nainis sa reaksyon nya, para itong nakakita ng maligno. Hindi ko alam kung natatae ba sya o ano. Bago pa man sya makapag-salita ay mabilis na akong tumalikod para tumungo sa labas.
"Ice, let's go male-late na tayo." Narinig kong sigaw ni kuya sa kanya.
"Cole, did you heard that?!" Hindi makapaniwalang sabi nya sa kapatid ko. Nakasunod na sila sa likuran ko.
"Heard what?" Bakas ang kuryosidad sa tono ng kapatid ko.
Narinig ko ang pag-tunog ng sasakyan kaya nauna na akong pumasok sa backseat.
"For the first time in my 20 years of existence. She finally responded to my greetings." Parang hindi parin makapaniwala ang tono ng pagsasalita nya. Muli nya akong tinapunan ng tingin na para bang merong mali.
Tawa lang ang isinagot ng kapatid ko sa kanya at makahulugan akong tinitigan.
'Seriously? Tinalaban kana ba ng kalandian ni Ice?' Seryoso syang nakatitig sa akin ng may pagtatanong.
Bumuntong hininga lang ako at nag-iwas ng tingin kay Kuya.
Simula nang masira ang sasakyan ni Kuya ay lagi na kaming nakiki-sabay kay Vincent dahil lagi rin naman itong kasabay ni kuya sa pagpasok.
Matalik silang mag-kaibigan, simula highschool pa lang ay sila na ang napagkakamalan na mag-kapatid dahil hindi sila mapag-hiwalay.
Mabait naman si Vincent pero hindi iyon sapat para makalimutan ko ang mga kapilyuhan nyang pinag-gagawa noong bata palang ako.
Ngayon palang kinikilabutan na ako sa iniisip na kailangan ko syang akitin. Dahil iyon ang gustong kondisyon ni Faustin.
Noong una ay tumanggi ako dahil ayoko talaga. Pero mas mainam na ito kaysa naman mapahiya ako sa buong eskwelahan.
"Cole, sigurado ka bang hindi nakulam ang kapatid mo?" Tanong nya sa kalagitnaan ng traffic, tila malalim pa rin ang iniisip. Pinagmasdan ko ang pagbabago ng ekspresyon nya sa front mirror.
Tinawanan lang sya ni kuya at sinabing mag-focus sa pagmamaneho.
Pagtapat ng sasakyan ni Vincent sa gate ng school namin ay hinanda ko na ang sarili ko para bumaba pero naunahan agad ako ni Vincent sa pagbukas ng pinto.Tumikhim ako at nagpasalamat.
"You're always welcome." Nakangiti nyang sabi.
"Ice, mahuhuli na tayo sa klase!" Sigaw ni Kuya mula sa passenger seat.
"Bye, Coligne" Bulong nya sa aking tainga at kumindat pa bago mabilis na bumalik sa driver seat. Bumusina pa sya ng isang beses bago pinaandar ang sasakyan.
Nakahinga na ako ng maluwag, kanina ko pa iyon pinipigilan. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayaning magpanggap ng ganoon katagal.
'Nagawa mo ngang mandaya sa exam eh.' Bulong ng konsensiya ko bago mapaklang napangiti sa sarili.