"I'm very disappointed to the result of your exam. But at the same time I'm glad because Ms. Manuel and Mr. Laurente got the highest score." Nakangiting anunsyo ng subject teacher namin.
Wala sa sarili akong lumingon sa likod. Blangko lang ang emosyon nya habang diretso ang tingin sa harap.
Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa ballpen at mabilis na ibinalik ang atensyon sa harapan.
Sa lahat ng papuring natanggap ay ito na ata ang pinaka-ayaw ko. Dahil alam ko na hindi dapat para sa akin iyon.
"As expected ang ating class president parin ang nangunguna sa academics. Everyone make her your role model, a beauty with brain." May halong paghanga na saad ng guro namin. Kung dati ay natutuwa ako at nagagawa ko pang ngumiti tuwing pupurihin nya ako ngayon ay hindi na.
Kahit isang pekeng ngiti ay hindi ko magawa. Bahagya akong yumuko para matakpan ang kabang nararamdaman.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi pa rin maalis ang pangamba sa loob ko. Pakiramdam ko'y parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko.
"Coligne let's go, nagugutom na ako." Aya ng kaibigan kong si Marie. Bahagya pa nyang tinabanan ang tiyan at saka sumimangot. Tumango lang ako saka tahimik na sumunod sa kanila.
"May problema ba Coligne?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Diary, bumuntong hininga muna ako bago sya sinagot.
"Medyo napuyat lang ako kagabi."
Habang kumakain at nagku-kwentuhan sila ay tahimik naman akong nakikinig. Aminado akong hindi ako pinanganak na matalino katulad ni Diary. Kung ano man ang meron ako ngayon ay pinaghirapan kong makuha ito.
Hindi biro ang ginawa kong pag-aaral para maging una sa klase.
"Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang mag-college. I'm sure mas mahirap ang exam doon." Maarteng sabi ni Jona sabay irap sa ere.
"Mag-aral ka kasing mabuti hindi yung puro lalaki ang nire-review mo " Seryosong sabi ko, nakita kong umasim ang kanyang mukha.
"Nagre-review din naman ako palagi pero laging below 50 pa rin ang nakukuha ko. Buti pa sila Coligne at Diary, chill lang palagi. Nagagawa pang tumanga kapag nasa klase." Inosenteng sabat ni Marie, natawa naman ang dalawa sa sinabi nya.
Iniwas ko ang tingin sa kanila at itinuon na lang sa pagkain.
"Marie, read with comprehension kasi dapat sa pag-ibig lang ginagamit ang katangahan hindi sa pag-aaral." Prankang sabi ni Diary kay Marie.
Natawa lang kami ni Jona sa sinabi nya bilang pagsang-ayon. Well, I can't agree more.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa banda kung saan naka-upo si Faustin. Mag-isa syang kumakain sa pinaka gilid ng cafeteria habang may librong nakalapag sa lamesa nya.
Seryoso syang nagbabasa habang nakahalukipkip ang mga kamay. Ngayon ko lang napansin ang maaliwalas nyang mukha palagi kasi syang tahimik at nakayuko. Matangos din ang ilong nya at medyo mahaba ang buhok sa harapan ng mukha.
Sinasadya nya yatang takpan ang mata.
"Don't tell me that you like Faustino?" Nakataas ang kanan na kilay ni Jona nang sabihin iyon.
Napatingin silang tatlo sa akin habang hinihintay ang isasagot ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanila bago nagawang ngumisi.
"Not my type." Simple kong tugon na nagpakunot ng mga noo nila.
Nakita ko pa ang pagbaling ni Jona kay Faustin bago ito hinagod ng tingin.
"Mhm not bad, red lips, pointed nose, dark and mysterious eyes. And that sexy jaw line." Pahayag ni Jona gamit ang maliit na boses habang nakahawak sa kanyang labi.
"And oh... he's big!" Banggit nito na tila ba nakakita ng kayamanan sa kagubatan.
Nakatingin ito sa bandang ibaba ni Faustin bahagya pa itong napa ungol sa sinabi.
"Shut up! Majona." Saway ni Diary kay Jona, napa-iling nalang ako.
Halata ang pagka-inis ni Jona sa pagbanggit ni Diary sa buo nyang pangalan.
Sumimsim nalang ako sa softdrinks pero hindi ko maiwasan na sulyapan si Faustin. Muntikan nang lumabas sa ilong ko ang nainom nang makitang nakatingin din ito sa akin.
"Coligne sasama ka ba sa amin?" Naagaw ni Marie ang atensyon ko habang nakapatong ang ulo sa isang kamay na nakatukod sa lamesa.
"Hindi may gagawin pa ako mamaya. " Sagot ko sa kanya habang inililigpit ang pinagkainan.
Umupo sa lamesa si Jona at pinag-ekis ang mga hita saka pina-ikot ang kulot nitong buhok sa daliri.
"Huwag kang kill joy, tapos na ang exam. Huwag mo sabihin na magre-review ka na naman." Pang-aasar nya sakin saka ako inirapan.
Minsan talaga ay naiinis na ako sa ugaling iyon ni Jona. Mahilig mangantyaw at madalas ay sobrang arte pa. Hindi ko maalala kung paano ko sya naging kaibigan.
"Next time nalang ako sasama." Pampalubag loob ko sa kanila dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoong party.
Mas pipiliin ko pang magkulong sa kwarto at magbasa.
"Eh ikaw Diary, sasama ka? " Tanong ni Marie habang nakanguso na parang nagpapa-awa.
"Sige" Sagot ni Diary, huminto sya saglit bago ipinagpatuloy ang sinasabi.
"Kung sasama din si Coligne." Sigurado nyang sabi, natawa na lang ako sa reaksyon ng dalawa.
"Ay parang gusto kong magsampay, may cliff hanger akong kaibigan." Biro ni Jona kay Diary bago naunang tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.
Habang naglalakad kami sa pathway ay hindi tumitigil sa kakadaldal si Jona tungkol sa party na pupuntahan nila ni Marie mamaya.
"Si Johnson powder, Bench towel, Koko crunch, Ice berg at pati ang kuya mo ay pupunta sa party kaya sumama kana." Sabay tawa nya pa sa sinabi, napatingin ako sa kanya ng banggitin nya ang pangalan ni Vincent at Kuya.
"Seriously Jona, may brand name ka nang naisip sa kanila? Eh bakit yung kuya ni Coligne wala?" Makahulugan na tanong ni Marie habang tumatawa.
"Sorry to offend you friend pero favorite ko talaga ang sa kuya mo kahit hindi sya brand name. You know ja-Cole?" Sinabi nya iyon ng may malisyosong tono.
Humagalpak sila ng tawa pati ako ay nahawa na rin. Si Diary naman ay nasamid sa narinig iyon. Sinamaan nya ito ng tingin bago hinablot ang kulot na buhok ni Jona.
Habang nagkakatuwaan kami ay bigla na lang akong napahinto nang matanaw ko ang pamilyar na lalaki. Naka-sandal ito sa pader ng waiting shed habang seryosong nakatingin sa hawak na cellphone.
Nag -angat sya ng tingin nang marinig ang tawanan ng mga kaibigan ko. Agad na nagtama ang mga mata namin, naglikot ang mga mata ko bago mariin na napatikom ang bibig.
"Guys mauna na kayo, susunduin ako ni kuya." Tumango lang sila at nagpatuloy sa kwentuhan bago ako iniwan.
Huminga ako ng malalim bago sya lapitan. Hindi nya inaalis ang tingin na nakapagpadagdag ng kaba sa akin.
"Faustin" Mahinang banggit ko sa pangalan nya. Kahit hindi sabihin ay alam kong ako ang hinihintay nya.
Umayos sya ng tayo at itinago na ang cellphone na hawak.
"Kamusta Coligne?" Walang emosyon nyang pangangamusta sa akin. Bakit sa tuwing nakikita ko ang ganyang itsura nya parang palagi syang may mabigat na problemang dinadala.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Hindi ko pa nakaka-usap si Vincent." Pagsi-sinungaling ko, tumango lang ito at may ibinigay na kapirasong papel sa akin.
"May party sa bahay ng mga Guison mamayang gabi, pumunta ka." Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakalahad.
Saglit ko munang tinitigan iyon bago tinanggap. Binasa ko ang nakasulat sa papel, nakita kong address ng bahay nila Vincent ang nandoon.
Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang syang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang nagpa-alam.
Napabuntong-hininga na lang ako sa ugali nya. Wala na akong magagawa mukhang kailangan ko ngang pumunta sa party mamaya.