Marahan kong sinuklay ang buhok bago ito ipinusod. Tumungin muli ako sa salamin habang sinusuri ang suot na fitted dress. Kulay itim ito na may maliliit na dyamante sa laylayan.
Bahagya akong umikot para makita ang likuran ko. Hanggang ibabaw lang ito ng tuhod ko at mas-iikli pa kapag naupo ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako mapakali sa suot. Parang gusto ko na naman itong palitan. Nakaka-ilang bihis na ako dahil nahihirapan akong magpares sa isusuot kong sapatos.
Akmang tatanggalin ko na ang pagkaka-zipper nito sa likod nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.
From Ma. Jona :
Where na u girl?
Naiiling akong nakangiti, kaninang alas-sais pa ako kinukulit ni Jona.
To Ma. Jona :
I'm ready
Napasinghap ako at muling pinasadahan ng kamay ang suot. Hindi na ako nagpalit dahil wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang sunod-sunod na busina.
Nagmamadali akong bumaba halos mapamura ako ng muntikan na akong matalisod.
Ibinaba nya ang side window ng kotse at sinigawan ako.
"Come on girl, we're already late!" Bumungad sa akin ang dark na make-up ni Jona at ang kulot na buhok nyang nakasabog.
"Ang bilis nyo naman kakatawag mo lang sa akin ah." Nagtataka kong tanong habang inaayos ang seatbelt.
"For your broad knowledge, on the way na kami sa bahay mo nung natanggap mo ang tawag." Maarte nyang paliwanag bago pinaharurot ang sasakyan.
"Dadaanan pa natin si Diary, kanina pa daw tayo hinihintay." Excited na sabi ni Marie mula sa back seat.
Sinulyapan ko sya sa likod at nakitang abala pa rin ito sa paglalagay ng blush on.
Kung si Jona ay dark ang make-up kabaliktaran naman ito ni Marie. Mula sa make-up nito na kulay pink hanggang sa fuchsia pink nyang dress, nagmukha tuloy syang barbie.
Okupado ang isip ko hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga Guison.
Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang bahay nila Vincent. Kahit hindi ako masyadong madalas sumama kay Kuya noon dati ay medyo pamilyar na rin ako dito.
Sa rooftop ang pinaka venue ng party, maganda ang ayos nito dahil maraming ilaw na nakasabit. Medyo marami na rin ang tao.
Napangiwi ako sa theme ng party. Taliwas ito sa suot naming tatlo maliban kay Jona na tinanggal ang suot na cardigan at ang natira nalang ay tube na itim.
"Mukhang hindi naman yata party ang napuntahan natin Coligne." Bulong sa akin ni Diary, napatingin sya sa suot nyang summer dress na may sunflower pa sa likod.
Sabay kaming napabuntong hininga at naghanap na lang muna ng mauupuan.
Mukhang hindi nga ito isang normal na party lang. Halos lahat ay naka-two piece at one piece lang. Bakit ba kasi hindi kami na-inform na pool party pala ang dadaluhan.
"Look ang daming foods!" Masayang sabi ni Marie na tila walang pakialam sa pagkakaiba ng suot namin sa mga tao dito.
Nagawa pa nyang ituro ang mga grilled meat sa bandang gilid.
"No thanks, busog na ako sa nakikita ko." Maarteng sabi ni Jona sabay tawa ng malakas. Ngayon ko lang napansin na may hawak na pala itong wine glass.
Nilibang ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa paligid. Hindi ko parin makita ang hinahanap ko.
Hanggang sa mainip ako at tumayo na para kumuha narin na maiinom at makakain.
Pagbalik ko sa pwesto namin ay wala na roon si Jona at Marie.
"Nasaan na sila?" Nagtatakang tanong ko, itinuro ni Diary si Jona na nasa pool na at nakalubog ang kalahati ng katawan. Sunod nyang itinuro si Marie na nakaupo na sa ibang table habang may mga babaeng kausap na sa palagay ko ay mas-ahead sa amin.
"Comfort room lang ako." Paalam sa akin ni Diary bago ako iniwanang mag-isa.
Mukhang sayang ang pag-punta ko dito. Sa halip na nag-aaral ako sa kwarto ay nandito ako sa maingay na party. Idagdag pa na hindi ko makita ang talagang pakay ko dito.
Nasaan kaya sila Kuya? Itinukod ko ang kaliwang kamay sa lamesa at naiinip na pinanood ang mga kaibigan kong masayang nakikipag-usap.
Nakakatatlong inom palang ako ng wine nang may biglang humablot sa kamay ko. Napatingala ako sa nagmamay-ari ng malapad na kamay na iyon.
"Coligne?" Halata sa mukha nya ang pagkagulat, marahan nyang inagaw ang baso at ibinaba sa lamesa.
"What are you doing here?" Tanong nya sa akin bago umupo sa bakanteng silya sa harap ko. Kumuha ako ng isang barbecue at kumagat muna bago sya sinagot.
"Nakiki-party" Diretsong sagot ko, isang malalim na halakhak ang itinugon nya sa sinabi ko.
Ngayon ko lang napansin na naka sando lang sya at naka board short. Basa na rin ang buhok nya. Sinuri nya ang suot kong damit bago ito umiling at hindi man lang nag-abalang itago ang mapang-uyam nyang titig.
"Hindi ito kids party Coligne. Wala akong maalalang inimbitahan kita dito. Alam ba ito ng Kuya mo?" Mapang-uyam nyang sabi saka ngumisi.
Nagpantig ang tainga ko sa narinig, napaka-antipatiko talaga ng lalaking ito.
Ipinikt ko ang mga mata at pilit na pinakalma ang sarili.
Relax, hindi pakikipag-away ang ipinunta ko dito ngayon.
"May kasama ako Vincent at inaya lang ako dito ng mga kaibigan ko." Mahinahon kong paliwanag sa kanya kahit na ang totoo ay gusto ko na syang irapan at layasan.
"Sinong kaibigan? Puro mga college lang ang mga imbitado dito." Nagtatakang tanong nya at talagang diniinan ang pagbanggit sa salitang 'college'.
Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung sino ang nag-imbita kila Jona at Marie dito. Iniikot ko ang paningin at puro mga college nga ang nandito.
Muntikan ko ng batukan ang sarili dahil wala na akong ibang maisip na palusot.
Naningkit ang mata nya habang hinihintay ang isasagot ko.
Isip Coligne, ano na? Bahagya akong napa-angat sa sinasandalan kong upuan at naiisip ang sinabing pangalan ni Jona kahapon.
"S-si Bench, kaibigan sya ni Jona isinama lang nila ako dito." Kabado kong sabi sabay turo ko sa kaibigan.
Agad naman nyang sinundan ng tingin ang itinuturo ko bago bumalik ulit ang atensyon sa akin. Tumango sya kahit na nakakunot parin ang noo na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Nasaan si Kuya?" Pag-iiba ko ng usapan, itinukod nya ang isang siko sa lamesa saka ipinatong ang baba sa kanyang palad at tinitigan ako ng may aliw sa mga mata.
Simpleng kilos nya ang nakapagpabahala sa akin. Wala sa sariling hinawi ko ang buhok kahit hindi naman ito humaharang sa aking mukha.
"Nasa ibaba may kausap lang,
Wag kang aalis dyan kukuhanan kita ng juice." Tumango na lang ako at pinanood syang lumapit sa mahabang lamesa na puno ng mga pagkain at inumin.
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa kabang naramdaman kanina.
Kailangan ko pa bang magpakita ng motibo para mapunta kami sa usapang relasyon?
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Mainipin akong tao, gusto ko na itong matapos, pero paano?
Nasa isip ko pa lang ay kinikilabutan na ako paano pa kaya kung gagawin ko na?
Samantalahin ko na lang kaya ang pagiging likas nyang maharot?
"Here" Nakangisi nyang inilapag ang dala sa lamesa bago naupo. Pinag-ekis pa nya ang mga paa saka bumalik sa kaninang posisyon. Inirapan ko na lang sya at kinuha ang hawak nyang juice.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Palihim ko syang sinusulyapan, kapag nararamdaman nyang nakatitig ako ay titingin din ito sa akin saka ngingisi.
Huminga muna ako nang malalim at inipon ang natitira kong lakas ng loob.
"G-Gusto kita?" Halos kurutin ko ang sarili dahil sa halip na sabihin ito ng maayos at may damdamin ay patanong ang tono kong naibigkas iyon.
Agad akong nag-iwas ng tingin at mariing pumikit. Nang idilat kong muli ang mga mata ay nakita ko ang nakakunot nyang noo.
"I like you, Ice Vincent." Pag-uulit ko sa sinabi at sa wakas ay masmalinaw ito kaysa sa nauna.
Dumulas ang baba nyang nakasapo sa palad pero agad ding nakabawi. Pinsadahan ng kanyang dila ang labing nanunuyo dahil sa aking sinabi saka ito mariing pinaglapat.
Nagbago ang ekspresyon nya mula sa matinding pagkagulat ay napalitan ng seryosong mukha. Umigting ang kanyang panga at saka prenteng isinandal ang likod habang nakahalukipkip.
"Are you drunk?" Tumigas na ang tono ng boses nito at pinaningkitan ako ng mata.
Napatuwid ako ng upo at pilit pinaseryoso ang aking mukha.
"No" Simple at seryoso kong sagot sa kanya. Sinabayan ko pa ng marahang pag-iling.
Itinagilid nya ang kanyang ulo at sinuri akong maigi. Nagtagal ang mga mata nya sa aking mukha na para bang may hinahanap roon.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon nya ng masiguradong seryoso nga ako sa sinabi. Inisang lagok nya ang hawak na baso na may lamang alak.
"Don't play with me Coligne." Banta nya sa malalim na boses pero nagawa paring magpakawala ng sarkastikong ngisi.
Pinilit ko ang sarili na huwag syang irapan sa pagkakataong ito.
'Hindi na ako bata para makipaglaro sayo' Pilosopong sagot ng isip ko.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin, ganito din kaya sya magpakipot sa mga babaeng nagtatapat sa kanya?
"Then don't flirt with me, Vincent." Kalamado kong sabi.
"Are you experiencing puberty now?" Nakakunot noo nya nang tanong tila ba naiintindihan na kung bakit ko sinabi iyon. Nagawa pa nitong humalakhak.
"Nalagpasan ko na ang stage na yan. Don't mocked me, Vincent." Mayabang kong sabi na hindi man lang iniisip ang lumalabas sa aking bibig.
"Akala mo ba ay wala pa akong nagiging boyfriend?" Pinanliitan ko sya ng mata bago sinimulan na magbanggit ng mga pangalan.
"Si Francis, Gabriel at John-" Umakto pa akong parang bata na nagbibilang sa mga daliri.
Pero agad din nya akong napahinto sa sinasabi dahil padabog nyang ibinaba ang hawak na baso.
"I'm not asking." Matigas nyang sabi na halata ang pagka-inis sa mga binanggit kong pangalan.
Isang tipid na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay nya.
Sa totoo lang ay wala pa talaga akong nagiging boyfriend.
Study first.
Kilalang mga philosopher ang pangalang binanggit ko sa kaniya kanina.
Gusto kong tumawa ng malakas may pakinabang talaga ang mga pinag-aaralan namin sa school.
"Sabi ng kuya mo ay wala kapang nagiging boyfriend." Matigas nyang sabi at talagang pinanindigan nya ang nalaman sa Kuya ko.
Ngayon hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa.
"Paano ka nakakasigurado sa sinabi ni Kuya? Siya ba ang niligawan?"
Sarkastiko kong pagkakasabi saka pinagmasdan kung paano mas lalong dumilim ang kulay ng mga mata nya. Muli nyang binasa ang pang-ibabang labi.
"I'll court you then..." Saglit syang huminto at muling ipinatong ang siko sa lamesa saka iyon pinagsalikop
"...in a peculiar way." Dugtong nya sa unang sinabi bago umangat ang gilid ng kanyang labi.
Awtomatikong naglaho ang ngising nasa labi ko. Saglit pa akong napakurap sa sinabi nya.
Kung hindi ko lang sya kilala ay baka kanina pa ako nagsisigaw dahil sa kilig.