bc

Obeying Mikhael

book_age16+
5.1K
FOLLOW
12.3K
READ
billionaire
possessive
escape while being pregnant
mafia
bxg
serious
small town
enimies to lovers
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Nagtatrabaho si Gabriella bilang isang tindera sa palengke kay Aling Dessa at seller sa isang convenience store tuwing gabi. Kailangan niyang gawin ‘yon para makabayad ng utang kay Aling Dessa. Kahit inalok siya ng kaibigan niya na magtrabaho sa isang club para kumita ng malaki ay hindi niya iyon tinanggap. Ayaw niya doon at may paninindigan siya. Pagkatapos niyang mahuli ang ex-boyfriend niya na may iba naisipan niyang magpakalasing at nakarating sa isang abandonadong park kung saan madaming balita na may pinapatay daw doon. Sa lugar na iyon niya makikilala ang isang lalaking magpapabago ng buhay niya kalaunan. Isang Elite Boss na ang gusto ay sundin kung anong utos niya.

chap-preview
Free preview
Panimula
Panibagong araw para sa paulit-ulit na gawain. Paulit-ulit kaya nakasanayan ko na din. Maliban na lang kung may panibagong utos na ibibigay sa'kin. Hindi pa sumisikat ang araw gising na ako para mag-ayos. Sanay na din ang balat ko sa dampi ng araw sa balat ko pero nakakatawang hindi ako gaanong maitim pero hindi din naman ako ganoong kaputi. Kaya lang kahit na ganoon, lagi pa rin akong nakakaramdam ng pagod. Pero sa tuwing naiisip ko kung bakit ko ito ginagawa. Naiisip ko na hindi pala dapat akong tumigil. Walang oras para tumigil. “Doon mo ilagay ang mga 'yan.” turo ni Aling Dessa sa isang karton na may lamang lemon. Hindi naman madami ang laman nito pero alam kung mabigat lalo na sa itsura ng katawan ko. May kapayatan ako at konti na lang malapit na akong mag-underweight. Ako 'yong tipo na kahit hindi mag-diet ay pumapayat dahil na rin sa dami ng trabaho at iniisip sa buhay. Hindi ko naman ginusto ang ganitong katawan at malakas din naman akong kumain. Mabilis lang siguro ang metabolism ko plus madami akong trabaho kaya hindi nadadagdagan ang timbang ko. Nakapaweywang si Aling Dessa at nagturo na naman para sa panibagong utos. “Pagkatapos 'yong mga pabulok na itapon mo na.” sabay turo niya sa may naka-display na mga kamatis. “Tapos makalimutan kong singilin si Marites kahapon daanan mo mamaya ah,” bilin niya pang ulit. Tumango ako at mabilis na pinunasan ang pawis na tumulo sa mukha ko. Hinintay ko saglit kung meron pa siyang iuutos. At mukhang tama ang hula ko, nilingon niya akong muli. “Isabay mo na din pala 'yong para sa tanghalian natin,” Bawal magreklamo sa mga inuutos sa'kin dahil malaki ang pangangailangan ko at baon sa utang ang pamilya ko. Malaki ang utang na loob ng pamilya ko kay Aling Dessa dahil sa literal na malaki din ang iniwang utang na pera sa akin ng pamilya ko kay Aling Dessa. Nakalakihan ko na atang nanghihiram ng pera ang magulang ko kay Aling Dessa hanggang sa mawala sila. Namatay sila habang naglalako ng buko sa kalsada, nakakariton ang mga paninda nila at hindi inaasahan na nabangga sila. Sobrang saklap ng buhay namin na kailangan pang maging ganoon ang katapusan ng magulang ko. Matagal na akong nagtatrabaho dito sa palengke para kay Aling Dessa simula ng mga seventeen ako para mabawasan ang utang namin. Ngayong, twenty years old na ako nandito pa rin ako at malaki pa rin ang tirang utang ng pamilya. Wala namang interest ang utang pero dahil maliit lang ang kita ko. Matagal pa ang aabutin ko para mabayaran ko na ito ng buo. Libre kain at libre rin ang pagtira ko sa bahay nila dahil ulila na rin ako at ang nag-iisa kong kapatid ay nasa bahay ampunan. Highschool graduate lang ako at hindi na nakapasok sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa pinansyal. “Gab, ayaw mo ba talagang magtrabaho sa'min?” tanong ni Paula. Mabilis akong umiling at pinagpatuloy lang ang paghihiwalay ng mabubulok na kamatis sa hindi pa. Mas gusto ko pang ituon ang atensyon ko sa kamatis kaysa dito kay Paula. “Hindi ako papasok sa gano'ng trabaho.” tamad kong sabi. Lalo na't alam ko ang uri ng trabahong inaalok niya sa'kin. Napahinto siya sa pagkain ng mansanas. “Ito naman!” nagtinga pa siya bago magpatuloy sa pagsasalita. “Iba naman ang magiging trabaho mo. Waitress, hindi ka naman magbibigay ng aliw.” Umiling pa rin ako. “Tsaka nasa sa'yo naman 'yon kung gusto mong kumita pa ng extra, edi mag-aalok ka din ng extra service,” dagdag niya. ‘Cease Place' iyan ang tawag nila sa Casino. Wala akong gaanong alam tungkol sa casino na ‘yon, hindi din naman akong nagbalak alamin lalo pa’t hindi naman ako interesado. Hindi ako papasok sa casino na pinagtatrabahuan niya. It's not a typical Casino na alam ng lahat. Hideout place iyon na tanging exclusive members lang ng casino at club na 'yon ang pwedeng makapasok. Sa pagkakaalam ko mula rito kay Paula karamihan sa mga VIP members na pumupunta doon ay mga mafia boss at kalimitan mga taong ubod ng yaman- mga elites. Sabi pa ni Paula, halos magkaparehas daw ang status mga mafia at elites pero iba nga lang ng ginagawa. Karamihan daw sa mafia ay illegal business at patago, mas delikado sa madaling sabi pero ang mga elites daw pwedeng illegal business o hindi at sila daw 'yong malimit na humaharap sa public pero sobrang private ng information tungkol sa kanila. Iyon ang kwento sa'kin ni Paula tutal ilang taon na din siyang staff manager sa casino na 'yon. Minsan pa nga daw kahit sikat na artista o pulitiko hindi makakapasok doon kung walang authorize invitation o kung hindi ka exclusive member. “Ay, Naku! Paula. Hindi mo mapipilit iyang si Gab. Hindi siya papasok doon kahit anong alok mo. ‘Wag mo ng ipilit pa,” singit ni Aling Dessa. Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Aling Dessa. Kahit na malaki ang utang namin sa kanya at madalas tambak ako ng trabaho dito sa palengke. Hindi niya ako pinilit na pumasok sa Casino para kumita ng pera at makabayad sa utang. Kung magpapadala ako sa sahod na inaalok sa'kin malamang makakabayad ako kaagad sa utang ko. Pero ayoko ng ganoong pamamaraan. Kahit na marangal naman dahil tulad ng alok niya, waitress ako doon pero laging sumasagi sa isip ko na mayayaman ang nandoon at kayang-kaya nilang tapatan ng pera ang kagaya kong mahirap. “Sige, alis na ako.” she waved her hand. “’Pag nagbago isip mo, tawagan mo lang ako a,” I waved back. “Makakaasa kang hindi ako tatawag.” She just laughed before she turned around and leave. Alas-singko na ng gabi ako natapos ako sa lahat ng inutos ni Aling Dessa. Pagkatapos nun umuwi na rin kami. Nagpahinga lang ako saglit bago nagbihis para pumunta sa isa ko pang trabaho. I have two jobs; in the morning, I am a market vendor and in the evening, I am working as cashier in a convenient store. Night shift lang lagi ang pasok ko doon kasi hindi ko naman pwedeng iwan si Aling Dessa kapag umaga. Sa totoo lang, pwede na naman akong umalis doon at maghanap ng stable na trabaho para mabilis ko siyang mabayaran pero hindi ko magawa. Aling Dessa is on her sixties. Kailangan niya na ng katulong sa palengke at ako lang ang maasahan niya. “Alis na ho ako.” pagpapaalam ko. Sumakay ako ng tricycle para makarating sa bayan kung saan ako nagtatrabaho. Naabutan kong wala namang customer sa store at nag-ce-cellphone lang ang papalitan ko. Natatawang napailing akong makita siyang ganyan. Minimum wage lang ang sahod ko pero siya naman ang bonus ko. Seryoso ang mukha at bahagyang nakasimangot habang nagtitipa sa phone. Kinuha ko ang phone ko pero nakita kong wala naman akong text na natanggap. Nagkibit-balikat na lang ako at tinagong muli sa bulsa ng pantalon ko ang phone. Sino kaya ang kausap niya? I slowly walked, avoiding to make a noise as I motioned towards him. “Hoy!” Nagulat siya at muntikan pang maihagis ang phone niya na ikinatawa ko. “Seryoso natin a.” pang-uusisa ko. Sisilipin ko sana ang phone niya pero itinago niya 'yon kaagad. Hindi ko alam kung sinadya niya bang gawin 'yon pero hindi ko na lang din pinansin. “Hi, be.” lumapit siya sa'kin at niyakap ako saglit. Yes. He is my boyfriend, Justine. Matanda siya sa'kin ng tatlong taon at dito kami sa store na ito nagkakilala. At his age siya ang manager sa store na 'to. Halos dalawang taon na akong nag-tatrabaho dito at almost five months na din kaming in relationship. Isa din ito sa rason kung bakit ayokong magtrabaho sa casino na 'yon kasi ayokong ma-misinterpret niya ang trabaho ko kapag nagkataon. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ba. I pouted a bit. “Sino ka-text mo?” Nagulat siya sa tanong ko at umiling. “Wala 'yon. Iyong head lang nag-text at may meeting daw kami.” pagdadahilan niya sabay pisil sa pisngi ko. Ayokong paghinalaan siya pero lately, lagi ko siyang naabutang may ka-text o kaya naman patagong may kausap sa phone. I tapped his back. “Sige na. Shift ko na e. Pahinga ka na muna,” Malapad siyang ngumiti at kinindatan pa ako. Nawala kaagad ang paghihinala ko. Nagmamadali niyang hinubad ang uniform namin at umalis, green sleeveless jacket lang kasi 'yon kaya mabilis lang hubarin. “Bahala ka na sa expired food a.” bilin niya. Sinuot ko 'yong jacket. “Okay.” magiliw kong sabi. “Wala bang kiss?” pahina kong sabi at bahagyang nalungkot. Mukhang huli na, hindi na niya narinig dahil nakalayo na siya. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang nagmamadaling maglakad. Saan naman kaya ang punta nun? Nitong nakaraan lagi din siyang nagmamadali. I put my ass down and crossed my arms. Hindi ko maiwasang hindi maging malungkot at magselos dahil nag-iba siya. Dati halos hindi siya umalis sa store na 'to para lang makasama ako. Ngayon hindi man lang siya nagtatagal kapag nandito ako. Wala na ding kiss bago siya umalis. Ang bilis agad ng pagbabago. He's my first boyfriend kaya hindi ko alam normal lang ba 'to at wala akong magpakukumparahan. Ayokong magmukhang isip bata! Pero masasabi kong malaki ang pinag-iba niya. Siguro gano’n talaga kapag tumatagal ang pagsasama niyo. Hindi na magiging katulad ng dati… hindi katulad ng nakasanayan ko. I sighed heavily as I stood up, trying to clear my mind. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aalis ng mga expired food at iyon ang kakainin ko mamaya. Lagi naman iyon ang ginagawa namin para hindi sayang. Napakamahal ng mga bilihin ngayon eh. But still, my mind can't stop thinking about my boyfriend's whereabouts. Sana hindi niya ako niloloko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook