Sobrang sakit ng ulo ko at wala akong ganang kumain. Gusto ko lang na humiga maghapon at matulog. Kaya naman nag-alala sila Aling Dessa kung anong nararamdaman ko. “Ako na lang.” Tumango ako sa sinabi ni Marlon at inayos ang kumot. “Mama, get well po.” malungkot na sabi ni Hyena. Tumango ako. “Papagaling kaagad si Mama.” “Sige, mauna na kami.” pagpapaalam ni Marlon. Tumango lang ulit ako at sinundan sila ng tingin papalabas ng kwarto. Tulad nga ng sinabi ko pinalano ko, one week akong hindi pumasok sa trabaho. Hindi naman nagtaka si Marlon at Aling Dessa kung bakit dahil bumenta naman ang pagsasabi kong masama ang pakiramdam ko. That was a white lie though. The day after that, sumama talaga pakiramdam ko, sumakit ang ulo at nilagnat ako. Tuloy kahit ang paghatid sa school kay Hyen

