Pagkatapos nung mga sinabi niya nagpaalam siya sa’kin na aalis siya ng ilang araw. Kahit na nanibago ako sa pagpapaalam niya parang unti-unti ng may sumisilay na tuwa akong naramdaman. Pakiramdam ko sinusubukan niyang maging open sa'kin. I don’t know yet. Ayoko sanang bigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa niya kaya lang dahil sa mga sinabi niya hindi ito maalis sa isip ko. Pero bago siya umalis nun sinamahan niya akong dumalaw sa ampunan. Noong araw na iyon ang isa sa pinakamasayang araw ko. Para ulit akong nabuhay nang makita ko ang kapatid ko. Hindi ko inaasahan ang pagdala sa'kin ni Mikhael sa bahay-ampunan pero sobrang naa-appreciate ko ang effort niya. Though it was his promise, I didn’t expect na kinabukasan kaagad akala ko kasi lilipas na naman ang ilang araw. Malamang mawa

