8am..
Bang!
Bumukas ang pinto sabay pasok ng dalawang tao. antok na antok pa ko pero pinipilit kong buksan ang mga mata ko.
"Punyeta!! eto ba ang inaatupag mo at kinailangan mo pang lumayo?! akala ko ba nag aaral ka at may trabaho ka!" hindi ko gustong marinig ang boses niya. siya lang ang nakita kong lalaki na mahilig bumunganga.
Lumapit sakin si mama habang hinahagod ang likod ko. Alam niya siguro na matindi ang hang-over ko. "Armando please, tignan mo muna ang anak natin, mukhang may sakit. huwag mo na siyang awayin at sigawan. " Sinubukan ni mama ang kumot na nakatakip sakin ng makita niyang. . .
"Lintik ka talaga Roderick!!! ano naman ang ginawa mo sa katawan mo?!" Hmm, nakita na niya siguro yung mga tattoo ko sa katawan. Pero balewala ang sakit sa tattoo, mas masakit pa din na marinig ang sermon ng taong umaarteng ama ko pero wala namang pakealam talaga sakin. nakitang natigilan si mama ng makita ang katawan ko. Hindi ba sila nahihiya? nasa bahay ko sila para bumisita, walang problema sa kompanya. may sarili pa akong business, at hindi din ako humihingi sa kanila ng pera. kaya bakit pa sila nandito? hindi ba nila naintindihan kung bakit ako lumayo sa kanila pagkatapos nila akong itapon sa Paris?
"Uuwi ka ng Pilipinas!" Boom
"Makakabuti sa'yong bumalik doon. At alam ko na kung papano ka titino!"
Pagkatapos noon ay mabilis silang lumabas. What the heck?! mangengealam na naman sila sa buhay ko... kung hindi sila nangealam, sana kasama ko pa siya..
Pero anong sinasabi niyang alam niya kung papano ako titino? is that a challenge or a threat? Hmmm... Tingin nya ba,kaya nya kong patinuin pagkatapos ng ginawa niya?! My blood was already boiling from what my beloved father (note the scarsm) have said.
Hinayaan ko lang silang umalis.. so this will be my last day here in Las Vegas. Kailangan ko munang magpakawala ng init sa katawan...