Nicole NAGISING ako sa loob ng isang kwarto na halos puro puti ang kulay ng dingding at ng lahat ng mga bagay na nakikita ko rito. Sa amoy na medisina at sa sakit ng ibabang bahagi ng katawan ko, naalala kong nasa hospital ako at nanganak na nga ako. Pakiramdam ko ay para akong binugbog sa sobrang sakit ng katawan ko, hapong-hapo, pagod na pagod, but I didn't mind the pain, my little angels were on my mind as soon as I got conscious. I'm so excited to see them. Inilibot ko ang tingin sa paligid para hanapin ang anak ko ngunit imbes na ang mga sanggol ang makita ko, mga taong malalapit sa akin ang naaninag ko. "Gising na siya!" narinig kong boses ni Mommy. Agad silang nagsilapit lahat sa akin, parang inaabangan kung may sasabihin man ako sa kanila. "Babe?!" Parang hinaplos nang paulit-

