Jason NAKITA ko kung paano nagulat si Nicole nang marinig niyang tawagin ni Brick ang Daddy niya ng Papa. Pati sina Mama at Papa na siyang tumayong mga magulang ni Drick at Brick ay nagulat rin, nabigla rin. Parang tumigil ang mundo naming lahat at tyaka lang muling nakakilos nang mag-walk out si Brick. Akmang susunod na si Papa Shiro, he probably wants to comfort my brother, we all know how fragile he is compared to Drick especially when it's about his past, pero tumayo na ako. "Kami na ni Drick ang susunod, Papa," pigil ko sa kaniya. Tiningnan ko lang si Nicole, tumango naman siya ngunit nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, alam kong naguguluhan siya. "Please, don't let them fight, Jason," pakiusap ni Mama sa akin. Tumango naman ako. "I'll see what I can do." Sinundan ko ang

