KINABUKASAN. Alas kwatro pa lang ng umaga nabulabog na ang tulog ko sa tawag ni Daddy Alexander Zeke. "Yes, Dad?" inaantok kong sagot sa tawag niya. Anong oras na kaming natulog ni Nicole kaya inaantok pa ako. "Sorry sa isturbo, Anak. Puntahan mo kami dito sa hospital ngayon." Napabangon ako agad sa narinig. Agad dumagundong ang kaba sa dibdib ko kahit na pinakalma ko pa ang sarili ko. "W-why? What happened?" "Your brother happened. Pumunta ka na dito. Dumaan ka sa bahay at dalhan mo ng gamit ang Mommy at kapatid mo. Hindi ko maiwan-iwan sila dito sa hospital." "Sige po. Give me a few minutes, Dad." "Sige, Anak, pasensya ka na. Salamat rin." Mabilis akong bumangon at dumiretso sa bathroom. I'm worried but I still choose to manage my emotions. "How's Zkat?" iyon ang una kong tanong

